Bianca Umali, Nilinaw Ang ‘Parking Lot Incident’ Nila Ni Ruru Madrid!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagsalita na ang Kapuso actress na si Bianca Umali hinggil sa nangyaring parking lot incident nila ng aktor na si Ruru Madrid.


Noong 2019, lumabas ang isang ulat na nagsasabing muntik nang sagasaan ni Bianca Umali si Ruru Madrid gamit ang kanyang sasakyan dahil sa selos. 


Noong mga panahong iyon, hindi pa nila ipinapahayag ang kanilang relasyon.


Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, nakapagtanong si Boy Abunda kay Bianca tungkol sa insidente.


“People are talking about an incident that happened sa likod ng Megamall kung saan nagselos ka at muntik mong sagasaan si Ruru,” pahayag ni Tito Boy.


“Tama ba 'yung narrative na 'yon? Mali ba? Pagseselos ba 'yun? Was that declaring, 'This is my territory and nobody messes with me.' What was that?” tanong ng host.


“To clear things out, there was an incident. Pero 'yung lahat po ng lumabas na istorya na nababasa niyo to the point na muntik ko nang masagasaan [si Ruru] it was exaggerated at some point.” 


“I did not talk about it anymore kasi I don't see the point of clearing the story, ng side ko, sa lahat ng tao. So I just let it be na ganun 'yung tingin nila. But yes, there was an incident,” paliwanag ni Bianca Umali.


Inamin din ni Bianca na selos type talaga gayunpaman palagi naman umanong basehan ang kanyang pagseselos.


“I think kaya ko nasasabi na selosa ako, especially when it comes to my relationships, is because ganoon po ako ka-grabe magmahal, that I am territorial,” saad niya.


“And yung pagkaselosa ko po, alam ko na nasa lugar. Kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan, doon ako nagseselos, and I have been right all the time.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo