Cristy Fermin, May Banat Kay Lolit Solis

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Tinugon na ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang pambabanat sa kanya ng dating kasamahan niyang si Lolit Solis.


Sa kanyang programang Cristy Ferminute, nag react ang beteranong columnist sa naging desisyon ni Lolit na makipagkasundo kay Bea Alonzo, na maraming beses niyang binatikos sa kanyang mga post sa social media.


“Ever since naman, hindi ako galit sa kanya. Kahit noon pa, sinasabi ko, kahit saan ko pa siya makita, magso-sorry ako. Talagang that time, pinaglaruan ko lang dahil naiirita ako sa isang taong malapit sa kanya,” pahayag ni Lolit Solis matapos ang pakikipagkasundo niya kay Bea Alonzo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay hayagang pinagsabihan ni Lolit Solis si Cristy Fermin, patungkol sa pambabatikos umano ng huli sa kanyang mga talents.


Hinamon pa noon ni Lolit Solis si Cristy Fermin na kung may galit ito sa kanya ay diretsahan siyang pagsabihan hindi yung ginagamit nito ang kanyang mga talents.


“Kaya gusto ko klaro lahat sa amin ni Cristy Fermin. Kung galit siya sa akin, ako na lang tirahin niya huwag mga alaga ko. Gaya nuon panay ang tira niya kay Paolo Contis. Ngayon naman si Lorna Tolentino. Gusto ko klaro, mga alaga ko ba ang galit siya, o sa akin siya galit? At bakit ? May nagawa ba mga alaga ko, o ako na mali sa kanya ? Sabihin niya para klaro. Para hindi iyon magtatanong ka pa,” pahayag ni Lolit Solis.


Sinagot naman ito ni Cristy Fermin kung saan ipinunto niyang sa bibig talaga mismo nahuhuli ang isda dahil sa naging pahayag ni Lolit Solis patungkol sa galit sa isang manager na ibinunton sa talents nito.


“Sa bibig po talaga nahuhuli ang isda hindi po sa buntot kailanman. Yun ay ipinataw na bintang sa akin ni Manay Lolit pero ano ngayon ang lumabas siya pala ang may galit sa manager ni Bea kaya binira-bira niya si Bea. Sino ngayon, o di siya naglantad na siya pala yun. kaya thinkers are doers. Yun yun,” saad ni Cristy Fermin.


Iginiit din ni Cristy Fermin na kailanman ay hindi niya binackstab ang dati niyang kasamahan na si Lolit Solis.


“Unang-una kung personal akong may galit sa kanya, manay Lolit kilala mo ako hindi ako patalikod kung bumira harapan! At kilala mo na ako! Kilalang – kilala mo na ako dahil ilang panahon na akong kapag may sama ng loob sa ‘yo nagsasalita ako sa harapan mo hindi patalikod.” 


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Lolit Solis hinggil sa banat sa kanya ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo