Award-Winning ‘Iconic’ Concert Nina Megastar, Songbird, Muling Lilipad Sa US Ngayong Marso!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Matapos magtagumpay ang “Iconic” tour nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa North America noong 2022, magbabalik ang musical treat sa parehong bansa sa ngayong taon.


Ito mismo ang update ni Regine Velasquez sa kanyang Instagram account nitong March 8.


Una nang nagtanghal ang iconic duo sa sa North America noong Hulyo 9-24 noong nakaraang taon.


Sa kanilang pagbabalik, muling matutunghayan ng kanilang mga fans ang duo mula Marso 17-26 sa iba’t ibang concert venues.


Samantala, kaagad na bumuhos ang komento ng mga tagahanga nila kung saan tila hindi na makapaghintay sa gaganaping concert ng Iconic duo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo