Concert Ni Regine Velasquez Na "Solo...Again" Kaya Inaabangan Na

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Jerome

 

Naging matagumpay nga ang concert ng Asia's Song Bird na si Regine Velasquez noong February 17,18, 24 at 25. Sulit na sulit nga ang mga nakapanood dahil sa ganda ng concert ng singer actress.


Wala pa rin daw talagang kupas ang galing ng Asia's Song Bird. 


Ayon naman sa manager at producer ng solo ni Regine na si  Cacai Velasquez Mitra na ang show na solo daw ulit ni Regine ay sa April 28 at 29 na daw.


Malakas nga daw ang event na ito dahil kinakailangan na daw nilang magbenta ng mga tickets simula nextweek dahil hiling daw ng mga tagahanga ni Regine na makabili na ng tickets.


Saad nga ng manager ni Regine na, "Due to the overwhelming request for tickets reservation, we are moving the tickets availability to an earlier date, tickets will be available on March 16, 10 A.M."


Mukhang maaga ngang maso-sold out ang mga tickets ng concert ni Regine dahil sa dami daw ng mga nag-aabang sa solo concert nito.


Lalo na at napaka ganda ng review ng naging concert niya na ginanap noong nakaraang buwan lang.


 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo