Jake Ejercito Pumalag Sa Pag-Ungkat Sa Pananahimik Niya Noon Sa Pagbubuntis Ni Andi Eigenmann!

Lunes, Abril 1, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng reaksyon ang aktor na si Jake Ejercito sa mga pambabatikos na natatanggap mula sa mga netizens na binalikan ang kanyang pananahimik noong si Albie Casino ang pinagbibintangang ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann na labis na nakaapekto sa showbiz career noon ni Albie.


Sinagot na ng aktor na si Jake Ejercito ang mga netizens na pumuna sa kanyang pananahimik noon bilang totoong ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann sa gitna ng pambabatikos kay Albie Casino na pinagbibintangan irresponsableng ama dahil sa pagtanggi niyang siya ang nakabuntis sa aktres.


Dahil sa natatanggap na pambabatikos noon ni Albie Casino, muntikan nang masira ang papausbong na showbiz career nito.


Hindi naman pinalampas ni Jake Ejercito ang mga netizens na nambabatikos sa kanyang pananahimik noon sa kasagsagan ng isyu sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann.


Ayon kay Jake Ejercito, mga clout chaser ang mga taong nagbibigay ng komento patungkol sa partikular na isyu kahit hindi naman alam ang kabuuang detalye.


Dagdag pa ni Jake Ejercito na tila napikon sa komento ng netizens, "Baka kailangan mong mag Visita Iglesia."


Matatandaan na si Albie Casino ang unang naging nobyo ni Andi Eigenmann bago naging sila ni Jake Ejercito. Subalit, noong nagpunta ito sa London, pumutok ang balitang nagkabalikan umano sina Albie Casino at Andi Eigenmann.


Kaya naman noong pumutok ang balitang nagbubuntis si Andi Eigenmann, marami ang naghinala na si Albie Casino ang ama ng dinadala nito. Lalo na't ito rin ang tinuturo ni Andi Eigenmann na ama ng kanyang dinadala.


Kaagad naman itong tinanggi ni Albie Casino na naging dahilan kung bakit siya nabatikos ng labis.


Sa isang panayam noon kay Albie Casino, isiniwalat niya na marami siyang mga project na nawala dahil backlash na natanggap dahil sa pag-aakalang siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann.


Ilang endorsement umano ang umatras at maraming mga teleserye at pelikula ang kinansela na dapat sana ay sa kanya mapupunta.


Makalipas ang limang taon, lumabas rin ang katotohanan na si Jake Ejercito talaga ang totoong ama ng panganay ni Andi Eigenmann hindi si Albie Casino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo