Rosmar, Pinahahabol Sa BIR Ng Mga Netizens

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Matapos magviral sa iba't-ibang social media platforms ang naging pag-amin ni Rose Marie Tan-Pamulaklakin na mas kilala bilang Rosmar, sa kanyang daily income na umaabot sa milyon, kinalampag ng mga netizens ang Bureau of Internal Revenue.


Marami sa mga netizens ang nanawagan sa BIR upang muli nilang i-check ang kanilang record sa CEO na si Rosmar matapos nitong ipahayag sa kamakailang interview sa Toni Talks na kumikita siya nang mahigit limang milyon kada araw.


Bukod sa milyon-milyong kita kada araw, ibinahagi rin ni Rosmar sa nasabing interview ang kanyang mga collection ng mga mamahaling sasakyan.


Proud pa nitong sinabi na lahat ng kanilang mga properties ay binili nila in cash at wala umano silang inutang.


Marami ang na-inspire sa ibinahaging kwento ng tagumpay ni Rosmar. Gayunpaman, hindi rin nawawala ang mga basher na nagsasabing nagmamayabang lamang ito.


Nanawagan pa sila sa BIR kung naging tapat rin ba si Rosmar sa pagbabayad ng tax.


Hiniling din nila na sana ay patunayan ng BIR ang sinasabi nilang hahabulin nila ang mga social media influencer na kumikita ng malaking halaga ng pera.


"As per Rosmar, sa mahinang araw, 5M per day siya. So 1.8B a year. So if 30% (to simplify) tax, that would be 540M na tax. Aguyyy.. parang wala pa naman foundation si anteh para makabawas."


May mga nagsasabi naman na walang masama sa pagpi-flex ni Rosmar sa kanyang mga kinikita basta't nagbabayad lamang ng tamang buwis.


"I think okay to flex, Rosmar, basta make sure lang na nagbabayad tayo ng tamang tax, Just like the rest of us."


"Para lalong maniwala at ma-inspire ang madla. Please post your quarterly bITR stamped by BIR."


Sa ngayon, ay wala pang pahayag si Rosmar hinggil sa mga isyung pinabato sa kanya patungkol sa pagbabayad ng buwis.


Marami sa kanyang mga fans at tagasuporta ang naghihintay sa kanyang magiging sagot.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo