Angel Locsin, May Iba Nang Pinagkakaabalahan!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Lovely


 Patuloy pa rin ang pananahimik ng tinaguriang real-life Darna na si Angel Locsin sa kanyang social media.


Maging noong kaarawan ng aktres ay hindi man lang ito nagbahagi ng anuman sa kanyang social media acount at patuloy pa rin ang tila pananahimik nito.


Kaya naman marami ngayon sa mga netizens at fans ni Angel Locsin ang nako-curious sa kalagayan ngayon ng aktres at kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan nito ngayon.


Ayon sa ilang mga balitang inilabas sa ilang mga entertainment news outlet, kung mga project offers ang pag-uusapan ay hindi nababakante si Angel Locsin. Subalit mas pinipili umano ni Angel na huwag munang magtrabaho.


Samantala, may kumakalat na bali-balitang isang online game ang pinagkakaabalahan ngayon ni Angel Locsin. Tila mas binibigyan niya ngayon ng buong atensyon ang pagiging gamer.


Nahihilig daw sa paglalaro ng online games si Angel, subalit, hindi raw alam ng mga kalaro niya online na ang kalaro nga nila ay ang aktres. Siyempre, may gamer’s name na ginagamit si Angel kaya nakatago pa rin ang katauhan niya.


Samantala, patuloy namang umaasa ang mga fans ng aktres na balang araw ay babalik din siya sa limelight.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo