Liza Soberano Sinupalpal Ng Netizen, Si Maine Mendoza Daw Ang May Karapatang Mag Reklamo Sa Loveteam!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Jerome


 Sa kakareact ng ilang mga netizens tungkol sa mga naging rebelasyon nitong si Liza Soberano o Si Hope Soberano ay umugong naman ang pangalan ni Maine Mendoza dahil dito.


Hindi nga napigilan ng ilang mga netizens ang ikumpara itong si Maine at si Liza sa issue nitong si Liza sa loveteam.


Na ayon kay Liza na ang pagiging toxic daw ng loveteam dito sa Pilipinas, dahil kapag wala ka daw talent ay ma kakahon ka sa loveteam.


Ayon kasi sa mga netizens na kung usaping loveteam daw dito sa Pilipinas ang pag-uusapan ay may mas karapatan daw itong si Maine Mendoza na magsalita laban dito.


Lalo na at hindi naman daw na uwi sa totoong relasyon ang loveteam nila ni Alden, sa kasagsagan ng kasikatan noon ng loveteam nila na Aldub.


Matatandaang noong 2015 ay halos walisin ng AlDub ang lahat ng tambalan ng mga loveteam sa Pilipinas.


Dahil sa sila lamang talaga ang mas tinitilian ng mga netizen, na eventually ay nalugmok pa nga sa morale ng kalaban nilang noontime show na It's Showtime. Ayon narin ito sa pag-amin ni Vice Ganda.


Inulan nga ngayon ng papuri itong si Maine Mendoza, dahil sa hindi manlang ito nagreklamo kahit minsan, sa loveteam nilang ito ni Alden.


Dagdag pa ng mga netizens na mas may karapatan dumada itong si Maine tungkol sa Loveteam at hindi si Liza.


Ngunit mas pinili nalang nitong si Main na wag nalang magsalita at manahimik na lamang patungkol sa kalakarang ito sa showbiz sa Pilipinas.


Marami kasi ang tila napataas ang kilay sa dating kapamilya star na si Liza Soberano, patungkol sa loveteam.


As if naman daw na hindi siya sumikat ng husto dahil dito, at naging daan pa nga daw upang makilala niya ang kanyang real life boyfriend na si Enrique Gil.


Kungtutuusin nga daw ay hindi naman makilala itong si Liza Soberano kung hindi dahil sa loveteam nila ni Enrique, dahil binuhat lang daw ito ng kasikatan ni Enrique at ng mga fans nito.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo