Gardo Versoza Pinayuhan Ng Kanyang Mga Doctor Na Huwag Munang Mag-high Heels!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Lovely


 Naging usap-usapan kamakailan ang pagbabahagi ni Gardo Versoza ng ilang Tiktok videos habang nagpapagaling siya sa hospital.


May ilan pa sa mga videos na makikitang may nakasama siyang doktor at nurses sa kanyang paggawa ng tiktok videos.


Agad namang ibinahagi ng aktor ang kwento sa likod ng paggawa niya ng TikTok videos habang nagpapagaling siya sa hospital.


Ayon kay Gardo Versoza, game na game talaga noon ang mga nakasama niya sa pagsasayaw kahit pa nakaupo lamang siya.


Samantala, ibinahagi din ni Gardo Versoza ang payo sa kanya ng doktor tungkol sa pagsusuot niya ng heels.


Aniya, sa ngayon ay hindi pa siya maaring magsuot ng high heels subalit maari naman niya itong gawin ulit nang paunti-unti.


"Parang after ng atake sabi parang sabi 'wag po muna kayong mag-high heels, sabi pero balik din po kayo. Dahan-dahan lang muna kumbaga mag-recover lang muna. Tuloy pa rin 'yan."


"Nung una, ayaw talaga nila. Kasi siguro baka mamaya gayahin ng iba. 'Di ba may mga classmates ako dun e," dagdag pa niya.


Hindi rin umano siya naapektuhan sa mga nagkomentong bakla siya dahil sa pagsusuot niya ng high heels.


"Bakla talaga yan, ngayon lang talaga yan nag-a-out. Kunwari lang yan na Machete. 'E sa'kin okay lang kung ano 'yung nakikita nila," saad ni Gardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo