Vhong Navarro May Bagong Haharaping Problema sa Motion na Inihain ni Deniece Cornejo!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Muling naging headline si Deniece Cornejo matapos maghain ng motion for reconsideration ang kanyang legal team para bawiin ang desisyon ng Taguig RTC na pagbigyan ang petisyon ng piyansa ni Vhong Navarro.

Naghain din ang kanyang kampo ng motion for reconsideration na may motion to inhibit from hearing sa kasong isinampa niya laban kay Vhong sa Taguig RTC Branch 69 sa ilalim ni Judge Loralie Datahan. 

Sa latest episode ng Crity Ferminute, ipinahayag ni Cristy Fermin ang kanyang saloobing sa inihaing motion na ito ni Deniece Cornejo.

“Akala pa naman natin wala nang dapat pang alalahanin si Vhong Navarro dahil siya ay pansamantala nang nakalalaya," pahayag ni Cristy Fermin.

“So eto, panibagong problema na naman ito para kay Vhong Navarro,” dagdag pa ng Kolumnista.

Ayon naman kay Romel Chika tila pinagbigyan lamang si Vhong Navarro dahil magpapasko. Agad naman itong sinang-ayunan ni Cristy Fermin, tila lumalabas na ganito nga ang mangyayari sakaling makulong muli si Vhong Navarro.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo