Sen. Kiko Wala Pa Rin sa B-Day Dinner nina Sharon Cuneta, Tito Sotto at Helen Gamboa!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Kamakailan ay nagkaroon ng heartwarming bonding moment si Sharon Cuneta kasama sina Tito Sotto, Helen Gamboa at kanilang pamilya.

Mayroon silang simple ngunit masayang hapunan para salubungin ang ika-57 kaarawan ng Megastar.

Sa episode ng Showbiz Now Na nitong lunes, nagbigay ng kanyang saloobin si Cristy Fermin sa nasabing okasyon at pagsasalo-salo.

“Ang nakakatuwa, bago dumating 'yung saktong paghihiwalay ng araw, Jan. 6 siya diba, doon muna siya nagkaroon ng dinner sa pamilya Sotto. Hindi talaga maiaalis ni Sharon 'yan. 'Yan ang kanyang nakasanayan, nakalakihan at mahal na mahal talaga siya ng pamilya Sotto.”

Subalit, napansin umano ni Manay Cristy Fermin na wala sa kanilang dinner si Sen. Kiko Pangilinan.

“Ang tanong, sa pakikipagtipan niya sa pamilya Sotto, wala pa rin si Senador Kiko? Malalim ito e, sugat na. Lalong nagnanaknak kasi 'yang pulitika na 'yan napakaraming winawasak na samahan at relasyon.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo