Larawan ng Muling Pagkikita ni 'Jason' at Moira Kinaaliwan Online!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Kinaaliwan online ang ibinahaging larawan nina Jason Francisco at Moira dela Torre na ibinahagi ni Melai Cantiveros.

 “Ang pagkikita ni Moira at Jason.”  caption pa ni Melai.

“Love you Moi sobrang gusto ni Papang ang “Dito ka Lang “ na song mo . Nagpa-pic na rin siya sa wakas sayo. Thanks moi love you,” dagdag pa niya. 

Matatandaang noong May 2022, inamin nina Moira Dela Torre at asawang si Jason Hernandez na hiwalay na sila dahil sa pagiging unfaithful ng huli.

Samantala, agad naman itong naghatid ng goodvibes sa ilang mga fans ni Melai. Ayon sa kanila, tila nangangamoy comeback ngayong 2023.

Narito pa ang ilan sa mga komento.

"Good hindi ka umakbay,u really respect ur wife hehe,f u did binato na kta,char lng"

"Same here,, ayaw Ng marinig Ng mga tao dto Ang kantang Dito ka lang ni Moira KC tulig na tulig na raw cla😂😂😂Paulit ulit ko b nmn pinapatugtog ehh... Super fave ko Po un"

“LoL Asar ka talaga Melai! 😂😂😂”

“Agoy nangangamoy comeback mamsh melz hahahaha”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo