Irish Tan, Sinabing Hindi Lang Scammer si Xian Gaza Oportunista Pa!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Agad na sinagot ni Irish Tan ang naging pahayag ni Xian Gaza hinggil sa panggagamit umano nito sa kanya habang magkarelasyon sila. 

Matatandaang inamin ni Gaza sa isang exclusibong panayam sa YouTube vlog ni “Krissy Aquino” na ginamit niya lamang niya si Irish Tan, kanyang ex partner.

Ipinahayag ni Irish sa kanyang ibinahaging Facebook video, “Inuto-uto mo ako, wala naman akong ibang mali dito. Ang mali ko lang ay nagmahal ako, naniwala ako sayo. Siguro may sira yung ulo ko hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sayo.”

“Nanggaling na sa bibig mo, ginamit mo ako. HIndi ko maisip kung saan mo hinuhugot yung sinabi mong minahal mo ako. Unang-una walang pagmamahal na naganap dito galing na nga sayo, ‘ginamit mo lang ako."

“Hindi ba sabi mo pa nga dati one day kapag nakaangat-angat ka at nakatayo ka sa sarili mong paa eh iiwanan mo ako. So asan ang pagmamahal ‘don? Nakakita ka lang ng opportunity na gamitin ako dahil mahal na mahal kita. Nag-take advantage ka dahil sa kabutihan at sa pagmamahal na pinapakita ko sa’yo, ayun ‘yon. Walang pagmamahal don.

“Hindi ka lang scammer, oportunista ka! Tama yung sinasabi ng mga tao sayo,” pahayag pa nito.

Paglilinaw ni Irish, tungkol sa mga client na sinasabi umano ni Xian na ginagawa niya sa Malaysia ay pawang imbento lamang dahil walang may kayang mag back-up sa istoryang isiniwalat nito.

Dagdag pa niya, wala umanong pakialam sa kaniya ang mga tao, ang punto raw ng video na ‘yon ay scammer si Xian Gaza. Kung kaya’t dapat lamang ibalik ni Gaza ang mga ninakaw niya. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo