Vice Ganda May Ibinunyag Matapos Ang Contract Signing Sa GMA7

Lunes, Marso 25, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na nagtrending sa social media ang panibagong vlog na ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel, patungkol sa naganap na contract signing ng GMA Network at ABS-CBN para sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.


Nagsimula ang vlog ni Vice Ganda sa kaganapan sa dressing room bago ang pagpunta ng mga It's Showtime hosts sa GMA.


Makikita rin sa nasabing vlog ang pakikipagkulitan ni Vice Ganda sa kanyang mga co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Anne Curtis, MC, at sa asawa niyang si Ion Perez.


Ipinakita rin ni Vice Ganda ang ilang mga kaganapan sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Bosses.


Samantala ang nakakuha ng pansin ng mga netizens ay ang naganap na celebratory dinner kung saan kausap ni Vice Ganda ang isa sa mga original hosts ng show na si Vhong Navarro.


Ayon sa pagkukwento ni Vhong Navarro, hindi umano ipinaalam sa kanila ni Vice Ganda ang nagaganap na negosasyon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Network patungkol sa kahihinatnan ng kanilang show bago pa ang contract signing.


Ipinahayag ni Vhong Navarro kay Vice Ganda ang kanyang paghanga sa kasamahan dahil nagagawa pa rin nitong magtrabaho ng maayos sa kabila ng mga nalalaman nito.


Ayon pa kay Vhong Navarro kung sakaling siya ang may alam ng mga nalalaman ni Vice Ganda ay tiyak umanong hindi niya ito kakayanin lalo na't live ang kanilang show.


Dagdag pa ni Vhong Navarro na kung siya ang may alam ay mahihirapan siyang papasok sa trabaho at magpapatawa.


Pag-amin naman ni Vice Ganda na hindi naging madali ang journey ng paglipat ng It's Showtime sa GMA7 marami umano itong alon na sinikreto na muna niya sa kanyang mga kasamahan dahil alam niyang makakaapekto ito sa performance at trabaho ng mga ito.


Saka na umano ito ipinaalam ni Vice Ganda sa kanyang mga kasamahan nang maging maayos na ang lahat at nang maging happy-happy na ang lahat.


Kaagad namang nagpasalamat si Vhong Navarro kay Vice Ganda sa pag-aabsorb nito sa lahat ng mga problema para lamang maprotektahan sila.


Bukod sa pagiging co-prodeced ng GMA at ABS-CBN ang It's Showtime hindi pa naman malinaw kung ano pa ang magaganap na pagbabago sa kanilang paglipat sa GMA Network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo