Aktwal Na Pag-Iyak Ni Kim Chiu Sa Kanilang Breakup Ni Xian Lim

Walang komento

Biyernes, Enero 5, 2024


 Kabilang sa mga ibinahaging larawan ng actress host na Kim Chiu sa kanyang 2023 recap ang larawan niya na umiiyak.


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging 2023 recap ni Kim Chiu kung saan ibinahagi niya ang mga series of photos kung saan makikita ang kanyang mga pictures na kuha nitong nakaraang taon. Kabilang sa mga pictures ay ang larawan ni Kim Chiu na umiiyak.


Marami naman sa mga netizens ang naghinala na ito na ang actual photo ni Kim Chiu noong naghiwalay sila ni Xian Lim na naging boyfriend niya sa loob ng 12 years.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ang pagbabahagi na ito ni Kim Chiu sa kanyang mga masasakit at masasayang karanasan sa kanyang buhay sa nagdaang taon ay nagpapakita lamang kung gaano katatag ang aktres sa pagharap niya sa bawat hamon na nasa kanyang dinadaanan.


Marami naman sa mga fans ng aktres ang naglabas ng pang-unawa at pagsuporta para sa mga pinagdaanan ni Kim Chiu. Marami pa ang humanga sa aktres dahil isinama pa niya sa kanyang series of photos si Xian Lim.


"Aaaawwww kasama pa din si @xianlimm"


"Aaaa There is still Kimxi's image in this video. I'm still sad and I'm still crying because I still can't get used to the fact that our Kimxi has broken up forever"


"A Queen deserves a True King! You're blessed, because you're kind and loving to the people around you. "



Breaking! Abs Cbn Makakakuha Na Ng Bagong Prangkisa!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang malaking posibilidad umano na maibabalik na ang prangkisa ng ABS-CBN ngayong 2024.


Ayon pa sa mga naglabasang mga ulat ngayon, patuloy ang pakikipag-usap ng mga ABS-CBN executives para makakuha muli sila ng prangkisa at malaki ang posibilidad na mangyayari ito ngayong taon. 


May malaking factor din umano ang pagkakaroon ng National Election sa susunod na taon ara sa muling pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Tila ito na ang ibig sabihin sa mga binitiwang pahayag ng ABS-CBN executives patungkol sa comeback at return ng ABS-CBN.


Nauna na ring ipinahayag ng mga executives ng ABS-CBN na dapat abangan ang mga proyekto na gagawin ng ABS-CBN ngayong taon. Isa nga sa inaabangang palabas ng ABS-CBN ngayong taon ay ang proyekto nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Samantala, may naghinala naman na kung hindi maibabalik ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa ay may malaking partnership naman na magaganap sa pagitan ng dalawang network.


Marami ang naghinala na makikipagpartner ang ABS-CBN sa AMBS na pagmamay-ari ngayon ni Manny Villar na siyang nakakuha sa dating frequency na pagmamay-ari naman ng network.


Matatandaan na itinigil ng AMBS ang pagpapalabas ng kanilang mga programa sa telebisyon dahil sa kakulangan ng advertisers dala ng mababang reach. Isa rin sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang soft launch ng AMBS ay dahil sa kawalan nila ng magagaling na stars na sinusundan ng maraming netizens.



Xander Ford Hindi Nakatanggap/Humingi Ng Aginaldo Mula Sa Ninong/Ninang Ng Anak

Walang komento

 

Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ngayon ng mga netizens sa social media personality na si Xander Ford na may kaugnayan sa pagdiriwang sa kapaskuhan.


Hindi na bago sa ating mga Pinoy ang pagbibigay ng regalo sa ating mga inaanak sa pagsapit ng pasko. May ilang mga celebrity naman at maging ilang mga netizens ang nagpi-flex sa social media sa mga regalong natanggap ng kanilang mga anak.


Kagaya na lamang nina Whamos Cruz at Antonette Gail kung saan masaya nilang ipi-flex sa social media ang regalong natanggap ni Meteor mula sa kanyang mga ninong at ninang.


Samantala, naiiba naman ito sa sitwasyon nina Xander Ford, sa kanyang Facebook post ipinahayag niya na hindi na siya namasko sa mga ninong at ninang ng kanyang anak. Ipinahayag pa niya na may pagkakaiba umano sa kanila at sa ibang mga vloggers dahil kung sila umano ang manghihingi ay lalabas naman na mukha silang pera at naghihikahos na pero kung ibang vloggers naman ay ok lang.


Dagdag pa ni Xander Ford na baka ay hindi umano para sa kanila ang pasko at ang mabigyan ng aguinaldo. Ang tanging aginaldo na lamang umano na maituturing nila ay ang pagsasama nilang tatlo, ng buo at nagmamahalan.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Xander Ford, marami ang nahabag sa kalagayan ng kanilang pamilya at sa natatanggap umano nilang pagtrato mula sa kapwa nila content creator at maging mula sa mga netizens.


Sa kabilang banda may mga naniniwala naman na nagpapaawa lamang si Xander sa mga netizens dahil hindi umubra ang pamemera nito noon kay Christian Merck Grey.



Jodi Sta Maria May Kinalaman Sa 'Money Issues' Ngayon Ni Claudine Barretto at Raymart Santiago?

Walang komento


 Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano ang lahat ng pinagdaaanan niyang court cases laban sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. Current girlfriend ni Raymart na si Jodi Sta. Maria may kinalaman sa isyu?


Ayon sa pagbabahagi ni Claudine Barretto, kinuha umano ni Raymart ang lahat ng kanyang mga kayamanan noon na nakuha niya sa pagtatrabaho sa showbiz ng maaga, ngayon gusto naman umano ni Raymart na makuha ang kanilang bahay kaya naman lalaban na umano siya at babawiin ang nararapat sa kanya.


Ibinahagi rin ni Claudine ang lahat ng mga court cases na pinagdaanan nila ni Raymart Santiago kabilang na ang child custody, VAWC. Ayon pa kay Claudine Barretto na nakaramdam umano siya ng battered wife syndrome at post traumatic stress disorder dahil sa nangyari sa marriage nila ni Raymart Santiago.


Ibinahagi rin ni Claudine ang pagpapakiusap sa kanya ni Raymart na idrop ang VAWC case niya para rito noong nagkaroon na ito ng warrant of arrest. Ayaw naman umano ni Claudine na makulong ang ama ng kanyang mga anak kaya pinili na lamang niya iatras ang kanyang kaso laban kay Raymart.


Nangako naman umano noon si Raymart na susuportahan niya ang kanilang mga anak subalit hindi umano nito tinupad ang mga ipinangakong support para sa kanilang mga anak.


Samantala, napag-usapan na rin sa social media kung may kinalaman ba ang current girlfriend ngayon ni Raymart Santiago na si Jodi Sta. Maria sa hinaharap ng problema nina Claudine at Raymart Santiago.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay hayagang ipinahayag ni Claudine Barretto sa isang panayam na bad influence para kay Raymart Santiago ang kanyang karelasyon ngayon na si Jodi Sta. Maria.


Isiniwalat pa ni Claudine na mula nang magkarelasyon sila ay nagiging pabayang ama na umano si Raymart sa kanilang mga anak.



Kim Chiu Binalikan Ang Kanyang 2023 Journey Isinama Si Xian Lim

Walang komento


 Ibinahagi ng actress-TV host na si Kim Chiu ang kanyang 2023 journey kung saan sa loob ng 365 days ay nakaramdam umano siya ng iba't-ibang emotions at nakaramdam ng up and downs sa kanyang buhay.


Ayon kay Kim Chiu, so many things can happen in a year, and 2023 was an example for her. 365 days of emotions, up, side, down, it was an intense year of her personal growth. 


Dagdag pa ni Kim Chiu, it tested her faith and a lot of learnings, wins and losses. She couldn’t gather all her emotions, which felt overwhelming—so many sentimental moments, breakdowns, and breakthroughs. 


Malaki rin umano ang pasasalamat ni Kim Chiu na nabigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa mga amazing people.


Grateful din umano si Kim Chiu for all the trust and opportunities given to her. Thankful umano siya for the highs and also grateful for the lows. Life comes by surprise, and it’s up to you how you walk through it. 


Ayon pa kay Kim Chiu, life is a test, and all she know is you have to keep walking and moving forward, stop for a while, cherish every moment, and think about what was. 


Nagbigay din siya ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at ipinahayag kung gaano niya pinapahalagahan ang lahat.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe para kay Kim Chiu, may mga nagsasabi pa na talagang walang bitterness na nararamdaman si Kim sa kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim dahil makikita sa video na ibinahagi ni Kim Chiu na kasama roon si Xian Lim.


Marami rin ang humanga sa maturity na ipinakita ni Kim Chiu sa kanyang recap, bukod pa rito marami rin ang nagsasabi kung gaano ka respetado si Kim Chiu dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa hiwalayan nila ni Xian Lim na maaring makasira sa reputasyon ni Xian Lim.


"Awww buti pa si Kimmy sinama parin si Xian sa recap nya. Samantalang si Xian feeling di na naging part sa buhay nya si Kim. Happy New Year Kimmy keep looking forward"


"Ibang klase Rin talaga Ang nag iisang Kim chiu very mature na huhu proud of you to the point na pwede naman niyang Hindi na isali si Xian pero Sinali niya parin Kasi talaga inacknowledged parin niya na she's still part of past na kanyang chenicherish, love you ate Kim chiu sana this 2024 mahanap mo Yung happiness na deserve mo"


Tunay Na Dahilan Ng Biglaang Pamamaalam Ni Lovi Poe Sa Batang Quiapo

Walang komento


 Hindi lubos akalain ng mga tagasubaybay ng FPJ's Ang Batang Quiapo na bigla na lamang tatapusin ang karakter ni Lovi Poe bilang si Mokang.


Sa episode na inilabas nitong January 4, 2024, makikita kung paano sinalo ni Mokang ang bala na para sana kay Tanggol ang karakter ni Coco Martin sa nasabing teleserye.


Marami naman ang nagulat na bigla na lamang tinapos ng serye ang karakter ni Lovi Poe dahil maging sa teaser ay wala naman silang paramdam na tsutsugiin na pala nila ang karakter ng aktres sa teleserye.


May mga fans naman ang nagsasabi na baka ay mao-ospital lamang umano si Mokang at gagaling din katulad na lamang sa karakter ni Coco Martin na kahit ilang ulit ng nabaril ay nabubuhay pa rin.


Subalit, nitong January 5, 2024 ikinalungkot ng marami nang magbahagi na ng farewell message si Lovi Poe para sa kanyang mga kasamahan sa teleserye na hinango sa pelikula ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr. Nagtatapos na umano ang kanyang karakter sa nasabing teleserye at hindi na siya babalik rito.


Ayon kay Lovi Poe, truly blessed siya to have been part of a project that represents her father’s name. Ito umano ang first and it will always mean the world para sa kanya. 


Nagbigay din siya ng deepest appreciation para kina Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity. Binigay umano ng mga ito sa aktres ang missing piece sa kanyang puzzle. 


"For that, I will always be grateful," pahayag ni Lovi Poe.


Dagdag pang pahayag ni Lovi Poe, A big part of her 2023 was breathing life into a character she have grown to love — 'what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free.' 


Naging mahirap din umano para kay Lovi ang magdesisyon but she have decided to turn the page.


Malaki rin ang pasasalamat ni Lovi Poe kay Coco Martin dahil muli nitong binuhay at pinangalagaan ang legacy ng kanyang ama.


Naging emosyunal naman ang mga artista na nakasama ni Mokang sa nasabing serye, nagbigay rin sila ng mga mensahe ng pamamaalam para kay Lovi Poe.


Bagama't nagdala ito ng lungkot para sa mga Ang Batang Quiapo fans marami naman ang nagsasabi na naiintindihan nila ang naging desisyon ni Lovi Poe na bitawan na lamang ang kanyang karakter sa Batang Quiapo upang pagtuunan naman ng pansin ang kanyang buhay may-asawa kasama ang mister na si Monti Blencowe.



Mga Tinawag Na Mama'S Boy Na Ipinagtanggol Ng Kanilang Mga Ina Sa Showbiz

Walang komento


 Kilalanin ang mga male celebrities na aminado at naiisyu bilang mga Mama's boys.


Gerald Anderson



Noon pa mang nagsisimula pa lamang si Gerald Anderson sa larangan ng showbiz ay inamin na niya na isa siyang mama's boy at proud umano siya rito. Noong naging artista na umano siya ay pinagresign na niya ang kanya ina sa trabaho, binilhan din niya ito ng isang pick up truck na matagal na nitong pinapangarap.


Andrei Yllana



Hindi  rin ikinakahiya ng nag-iisang anak nina Aiko Melendez at Anjo Yllana na tawagin ang sarili bilang mama's boy. Balewala rin kay Andrei ang pagiging overprotective ng kanyang ina sa kanya. Kung ikinakahiya man umano ng iba ang pagkakaroon ng ganitong uri ng ina ay hindi siya ganoon, bagkus ay masaya umano siya at naiintindihan na sinusuportahan lamang siya ng kanyang ina.


Mavy Legaspi



Very proud ding ipinapahayag ng actor-host na si Mavy Legaspi ang pagiging isang mama's boy. Ipinahayag din niya na panghabangbuhay siyang magiging mama's boy. Marami namang mga ina ang napasana all nang regaluhan ni Mavy ng isang Hermes bag ang ina noon kaarawan nito.


Luis Manzano



Hindi rin itinatago ng Kapamilya host na si Luis Manzano ang kanyang pagiging mama's boy. Noong kabataan ni Luis Manzano ipinapakita na niya ang kanyang closeness sa mga magulang sa kabila ng pagiging hiwalay ng mga ito. Sinagot din ni Luis Manzano ang mga nambatikos sa kanya noon bilang isang mama's boy, ayon kay Luis masarap magmahal ang mga ina.


Daniel Padilla



Hindi man inaamin ni Daniel Padilla ang pagiging mama's boy, makikita naman ito sa kanyang mga ginagawa para sa kanyang ina na si Karla Estrada. Lahat kasi ng mga bagay na hinihiling ni Karla ay palaging ibinibigay ni Daniel.


Richard Gutierrez



Nabansagan bilang mama's boy ang aktor na si Richard Gutierrez dahil sa kinakaharap nitong isyu ngayon patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati. Tanging ang ina lamang kasi ng aktor ang nagbibigay ngayon ng pahayag laban sa mga ibinabatong isyu sa kanya, dahil dito marami ang nag-iisip na isang mama's boy si Richard Gutierrez.


David Licauco



Hindi naman ikinakahiya ng Kapuso actor na si David Licauco ang pagiging isang mama's boy. Sa kanyang mga social media post, very proud si David sa pagpi-flex sa kanyang ina sa kanyang mga social media post.


LA Santos



Hindi naman ikinahiya ng baguhang Kapamilya singer na si LA Santos na isa siyang mama's boy. Para kay LA, nakakapogi para sa kanya ang matawag na isang mama's boy. Masarap din umanong magmahal ang mga ina. Hiling din niya na makatagpo ng isang babae na mamahalin na katulad ng kanyang ina.


Enrique Gil



Naging certified mama's boy naman si Enrique Gil dahil na rin ang kanyang ina na ang tumayo bilang ama at ina sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Tinupad rin ni Enrique Gil ang pangarap ng kanyang ina na magkaroon ng sariling restaurant.



Mga Artistang Nag Live in, Kilalanin!

Walang komento


 Dito sa bansang Pilipinas, marami pa rin sa mga netizens ang tumataas ang kilay sa tuwing napag-aalaman na ang ilang mga artista sa showbiz ay nakikipag-live in na sa kanilang mga nobyo lalo na kung nasa 20s pa lamang ang mga edad nito.


Samantala, hindi na rin naman bago ang set-up na ito lalo na sa mga GenZ, kaya naman ating kilalanin ang mga artistang nasangkot sa ganitong set up na nakikipaglive in na sa kanilang mga partners.


Leila Alcasid- Curtismith



Unang tumutol ang ama ni Leila Alcasid na si Ogie Alcasid sa pakikipag live in ng kanyang anak sa nobyo nitong si Curtismith subalit, ipinagpatuloy pa rin ng kanyang anak ang pakikipagrelasyon rito. Kalaunan ay tinanggap na lamang umano ni Ogie Alcasid ang pakikipag live in ng kanyang anak dahil wala na umano siyang magagawa sa nangyari.


Sa ngayon ay walang pang balak na magpakasal sina Leila Alcasid at Curtismith dahil nag-iipon pa umano ang huli para sa kanilang pag-iisang dibdib.


Nadine Lustre- James Reid



Sa ngayon ay naghiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre, may kanya-kanya na rin silang mga partners subalit hindi naman maitatanggi na naglive in na rin noon ang dalawa sa murang mga edad. Naging bukas rin naman sila sa kanilang mga tagahanga noon sa kanilang pagli-live in dahil naniniwala silang normal na sa mga panahong ito ang pagsasama out of wedlock.


Loisa Andalio- Ronnie Alonte



Among the young couples ngayon sa showbiz masasabi na ring matatag ang anim na taong relasyon nilang dalawa. Matatandaan na noong 2020, napansin ng mga netizens na parating nagkakasama sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kahit na noong mga panahon na iyon ay ipinagbabawal ang papunta sa ibang lugar.


Dahil dito, umusbong ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong. Unang pinabulaanan ng dalawa ang isyu at sinabing magkalapit lamang ang kanilang bahay kaya naman ay nagkakasama pa rin silang dalawa.


Kylie Versoza- Jake Cuenca



Umabot rin sa mahigit tatlong taon ang relasyon nila bago magpasyang maghiwalay noong April 2022. Diretsahan namang inamin noon ng beauty queen na nagli-live in na sila noon ni Jake Cuenca, bagama't alam naman umano niyang may mga taong hindi matatanggap ang kanilang desisyon ay wala na umano siyang pakialam rito ang importante ay ang kasiyahan nilang dalawa noon ni Jake Cuenca.


Andrea Brillantes- Ricci Rivero



Sa ngayon ay hiwalay na rin sina Andrea Brillantes at si Ricci Rivero. Sa katunayan ay mayroon ng panibagong dini-date ang basketball player. Sa isang panayam, hayagang inamin ni Ricci Rivero na paminsan-minsan ay umuuwi siya sa bahay ni Andrea. Minsan rin ay sa kanyang condo umuuwi si Andrea Brillantes


Angelica Panganiban Ikinuwento Kung Paano Ginawa Ang Kanyang Madaliang Kasal Sa Los Angeles!

Walang komento


 Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa kanyang longtime partner na si Gregg Homan nitong huling araw ng 2023, December 31.


Naganap ang kasal ng dalawa sa ibang bansa na dinaluhan lamang ng kanilang mga piling kaibigan at kamag-anak.


Samantala, nagbahagi naman si Angelica Panganiban ng ilang mga photos kung saan makikita ang kanilang paghahanda bago ang ceremony, pinasalamatan rin niya ang mga taong tumulong para maging maayus ang kanilang pag-iisang dibdib ni Gregg Homan.


"Kailangan ko lang magpasalamat sa mga tao na bumuo, walang nagawa at kumilos na lang, kasabay namin tumalon, tumakbo at ginamit ang lahat ng kapasidad nila mabuo lang ang mga hiling namin sa araw na ito," paunang pahayag ni Angelica Panganiban sa kanyang IG post.


"Thanks to my little sisters @abbywhale @alyannaquino for making the most beautiful DIY wedding arch. Sabi ko, hindi ko kailangan ng flowers sa aisle, wala ng mga ganon ganon. Gusto ko lang ng arch with red roses. And they delivered 100% ❤️


"@andoyr1973 kasama ka namin simula umpisa hanggang ngayon sa panibagong simula. Magkasama tayong umiiyak noon, mula sa concert ni adele, sa pag nood ng mga teatro umiiyak tayo, kahit volleyball iniiyakan natin. Ngayon, umiiyak ka pa rin sa kasal ko, pero ibang luha na ‘to. Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat lahat. Alam mo na kung ano ang mga yun.


"My brother kimmy @apa112 !!! Thank you for securing this venue even if its new years eve. Helping gregg with his suit, gregg’s grooming . For getting the party bus, for booking the karaoke. For getting the drinks and most of us drunk. We’ll be supporting your new business “the wedding coordinator” 


"Momsy bels and momsy kimmy @bela @chinitaprincess wala man sa plano ang pag arrive niyo sa LA, pero yun na yata ang pinaka masayang parte ng wedding. 


"From our very wholesome bachelorette na iyak lang tayo ng iyak with more more laughter din (lakas maka baliw yes ) salamat sa pag provide ng dream wedding cake ko. 


"Sa flowers na ang lakas maka soft girl. Pakiramdam ko, hindi lang ako kinasal kay gregg, kinasal din ako sa inyong dalawa pang habang buhay na ‘to. Love you both


"To my hype girl @mikkamarcaida salamat sa paulit ulit na tanong kung kinakabahan ako, hindi nakatulong.  pero seryoso, noon pa man noon na noon pa! Single pa ko, nag uusap na tayo na ikaw ang gagawa ng make up ko pag kinasal ako. 


"Salamat at tinupad mo pangarap ko. Inikot mo ang mundo makarating ka lang sa araw ng kasal namin. Hindi ko to makakalimutan kahit makakalimutin na ko ngayon. We love you!!


"To my family here in LA, mula noon wala kayong pagkukulang sa pag aalaga sakin kapag nandito ako. Ngayon, hindi na lang ako inaasikaso niyo. Kasama na si gregg and beanie. Love you guys."


Kaagad namang nagbaabot ng mensahe ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan ni Angelica Panganiban sa showbiz. Hindi rin naman nagpahuli ang kanyang mga tagahanga na noon pa man ay hinahangad na ang kaligayahan ni Angelica.



Nanay Ni Sarah Lahbati Nilait Ng Basher, Esther Lahbati Rumesbak

Walang komento


 Sa lumalalang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, lalo namang nadadamay ang kani-kanilang mga magulang sa nasabing isyu at nakakatanggap na rin ng mga pambabatikos mula sa mga netizens.


Makikita sa mga Instagram post ni Esther Lahbati, ina ni Sarah Lahbati, makikita ang mga larawan ng kanilang pagbabakasyon at pagrerelax. Subalit, may mga bashers naman na talagang hindi tumitigil sa pang-iintriga sa mga magulang ni Sarah Lahbati na pilit hinahanapan ng maipipintas sa mga ito.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naging buhay at trabaho ng ina ni Sarah Lahbati noon kung saan namasukan umano itong katulong sa isang chocolate factory sa Switzerland. Minaliit pa ng ilang mga netizens ang naging trabaho noon ni Esther Lahbati.


May ilan naman na nagtatanggol sa pamilya nina Sarah Lahbati na nagsasabing hindi naman umano magandang batikosin ang magulang ni Sarah dahil lamang sa naging trabaho nito noon na isa namang marangal na trabaho.


Bukod pa rito, inamin naman noon ni Sarah Lahbati kung ano ang naging trabaho ng kanyang ina.


Samantala, tila hindi na nakapagtiis si Esther Lahbati sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens kaya naman sinagot na niya ang mga ito.


Nilinaw ni Esther na wala namang masama sa pagtatrabaho sa bahay bilang katulong dahil marangal naman itong trabaho. Ipinahayag pa ni Esther na kung wala rin namang magandang sasabihin ang mga bashers ay mas nakabubuti na manahimik na lamang ang mga ito at isara na lamang ng mga ito ang kanilang mga bibig.


Nagbrag pa si Esther sa pagkakaroon niya ng Swiss passport kung saan maari umano siyang magpunta sa iba't-ibang bansa ng hindi na nangangailangan ng VISA. Maari rin umano siyang magtrabaho saan man sa Europe.


Binweltahan din ni Esther ang kanyang basher sa pamamagitan ng pagtatanong rito kung ano ang naiambag nito sa kanyang pamilya at ang sariling pamilya na lamang umano ang intindihin nito.


Nilinaw din ni Esther na hindi naman siya nagtrabaho sa isang chocolate factory may resibo umano siya na nagtrabaho siya sa Geneva International Airport sa chocolaterie sa loob ng duty free shops.


Sumang-ayon naman ang mga fans ni Sarah Lahbati sa mga naging pahayag ni Esther at pagsagot nito sa bashers dahil wala naman umanong mali sa pagbabakasyon at pagrerelax nilang mag-anak.



Dahilan Bakit Binenta Ni Jiro Manio Kay Boss Toyo Ang Kanyang Gawad Urian Award

Walang komento

Huwebes, Enero 4, 2024


 Bumisita ang kilalang former child star na si Jiro Manio sa pawnshop at tindahan ni Boss Toyo upang ibenta ang natanggap niyang prestigious award mula sa Gawad Urian.


Sa kamakailang episode ng Pinoy Pawnstar, itinampok nila ang video kung saan makikita na mismong si Jiro Manio ang nagpunta sa kanilang tanggapan upang ibenta ang natanggap niyang award noon.



Napanalunan ni Jiro Manio ang nasabing parangal noong 2004 sa kanyang pagganap sa pelikulang Magnifico.


Ayon kay Jiro Manio, noon pa man ay plano na niyang magpunta kay Boss Toyo para ibenta ang kanyang award matapos malaman na magtatayo ito ng isang museum. Naisip umano ni Jiro Manio na baka mapabilang siya sa mga dating artistang nakatanggaap ng award noon na makikita sa ipapatayong museum ni Boss Toyo.


Ipinagdiiinan naman ni Boss Toyo na hanggang ngayon ay artista pa rin naman umano ang tingin nila kay Jiro kahit hindi na ito aktibo sa showbiz. Tinanong naman ni Boss Toyo kung magkano ibinibenta ni Jiro Manio ang kanyang prestigious award. Pinresyuhan naman ito ng dating child star ng 500,000.


Tinawaran naman ito ni Boss Toyo, sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa halagang 75,000 pesos.


Matatandaan na noong 20015 muling umingay ang pangalan ni Jiro Manio nang kumalat ang mga larawan niya na isa na siyang palaboy sa NAIA Terminal 3.


Kaagad namang nagpaabot ng tulong ang nanay-nanayan ni Jiro sa showbiz na si AiAi Delas Alas.




Mavy Legaspi Dasuri Choi Lantaran Na Sa Publiko, Kyline Alcantara Tama Ang Hinala

Walang komento


 Inilantad na ng mga Eat Bulaga hosts na sina Mavy Legaspi at Dasuri Choi ang kanilang relasyon, tama pala ang naging hinala noon ni Kyline Alcantara.


Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video nina Dasuri Chou at Mavy Legaspi sa isang mall.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagkakadawit ni Dasuri Choi sa napapabalitang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa isang social media post noon ni Kyline Alcantara, ibinahagi niya ang video nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi na nakuha niya mula sa TikTok.


Makikita sa nasabing video na tila may nagaganap na double date dahil kasama rin ng dalawa ang kakambal ni Mavy Legaspi na si Cassy at isa pang lalaki na pinaghihinalaang ka-date nito.


Natahimik naman ang isyung ito noon dahil sa tila pakikisawsaw ng mga magulang ni Mavy Legaspi kung saan maraming bagay ang iniisyu kay Kyline Alcantara.


Subalit dahil sa video na kumakalat ngayon sa social media, marami ang nagsasabi na talagang may katotohanan ang naging hugot noon ni Kyline Alcantara.


Samantala, binalikan rin ng ilang mga fans ni Kyline Alcantara ang mga naging social media post ni Dasuri Choi sa kasagsagan ng hiwalayan issue nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Marami ang nagsasabi na napansin nila na tila magkasama sina Dasuri at Mavy sa mga panahong iyon.



May mga fans naman sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi ang nagsasabi na wala namang malisya ang pagsasama ng dalawa dahil magkaibigan ang mga ito dahil araw-araw rin naman silang nagkakasama sa noontime show na Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi sa muling pagkalat sa social media ng mga video nilang magkasama.


Samantala, tila dinedma naman ni Kyline Alcantara ang mga balitang ito na patunay lamang umano na hiwalay na sila ngayon ni Mavy Legaspi.



@akosiabeltrilles Mavy and Dasuri , magkasama sa iisang mall . Nagdate nga ba o sinamahan lang ? 🤔 Grabe sinayang mo ang isang Kyline Alcantara 😓 #mavylegaspi #dasurichoiofficial #fpyã‚· #fp #fyp #tiktok #philippines #dating #loveteam ♬ original sound - Abel Trilles
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo