Xander Ford Hindi Nakatanggap/Humingi Ng Aginaldo Mula Sa Ninong/Ninang Ng Anak

Biyernes, Enero 5, 2024

/ by Lovely

 

Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ngayon ng mga netizens sa social media personality na si Xander Ford na may kaugnayan sa pagdiriwang sa kapaskuhan.


Hindi na bago sa ating mga Pinoy ang pagbibigay ng regalo sa ating mga inaanak sa pagsapit ng pasko. May ilang mga celebrity naman at maging ilang mga netizens ang nagpi-flex sa social media sa mga regalong natanggap ng kanilang mga anak.


Kagaya na lamang nina Whamos Cruz at Antonette Gail kung saan masaya nilang ipi-flex sa social media ang regalong natanggap ni Meteor mula sa kanyang mga ninong at ninang.


Samantala, naiiba naman ito sa sitwasyon nina Xander Ford, sa kanyang Facebook post ipinahayag niya na hindi na siya namasko sa mga ninong at ninang ng kanyang anak. Ipinahayag pa niya na may pagkakaiba umano sa kanila at sa ibang mga vloggers dahil kung sila umano ang manghihingi ay lalabas naman na mukha silang pera at naghihikahos na pero kung ibang vloggers naman ay ok lang.


Dagdag pa ni Xander Ford na baka ay hindi umano para sa kanila ang pasko at ang mabigyan ng aguinaldo. Ang tanging aginaldo na lamang umano na maituturing nila ay ang pagsasama nilang tatlo, ng buo at nagmamahalan.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Xander Ford, marami ang nahabag sa kalagayan ng kanilang pamilya at sa natatanggap umano nilang pagtrato mula sa kapwa nila content creator at maging mula sa mga netizens.


Sa kabilang banda may mga naniniwala naman na nagpapaawa lamang si Xander sa mga netizens dahil hindi umubra ang pamemera nito noon kay Christian Merck Grey.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo