Jodi Sta Maria May Kinalaman Sa 'Money Issues' Ngayon Ni Claudine Barretto at Raymart Santiago?

Biyernes, Enero 5, 2024

/ by Lovely


 Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano ang lahat ng pinagdaaanan niyang court cases laban sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. Current girlfriend ni Raymart na si Jodi Sta. Maria may kinalaman sa isyu?


Ayon sa pagbabahagi ni Claudine Barretto, kinuha umano ni Raymart ang lahat ng kanyang mga kayamanan noon na nakuha niya sa pagtatrabaho sa showbiz ng maaga, ngayon gusto naman umano ni Raymart na makuha ang kanilang bahay kaya naman lalaban na umano siya at babawiin ang nararapat sa kanya.


Ibinahagi rin ni Claudine ang lahat ng mga court cases na pinagdaanan nila ni Raymart Santiago kabilang na ang child custody, VAWC. Ayon pa kay Claudine Barretto na nakaramdam umano siya ng battered wife syndrome at post traumatic stress disorder dahil sa nangyari sa marriage nila ni Raymart Santiago.


Ibinahagi rin ni Claudine ang pagpapakiusap sa kanya ni Raymart na idrop ang VAWC case niya para rito noong nagkaroon na ito ng warrant of arrest. Ayaw naman umano ni Claudine na makulong ang ama ng kanyang mga anak kaya pinili na lamang niya iatras ang kanyang kaso laban kay Raymart.


Nangako naman umano noon si Raymart na susuportahan niya ang kanilang mga anak subalit hindi umano nito tinupad ang mga ipinangakong support para sa kanilang mga anak.


Samantala, napag-usapan na rin sa social media kung may kinalaman ba ang current girlfriend ngayon ni Raymart Santiago na si Jodi Sta. Maria sa hinaharap ng problema nina Claudine at Raymart Santiago.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay hayagang ipinahayag ni Claudine Barretto sa isang panayam na bad influence para kay Raymart Santiago ang kanyang karelasyon ngayon na si Jodi Sta. Maria.


Isiniwalat pa ni Claudine na mula nang magkarelasyon sila ay nagiging pabayang ama na umano si Raymart sa kanilang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo