Breaking! Abs Cbn Makakakuha Na Ng Bagong Prangkisa!

Biyernes, Enero 5, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang malaking posibilidad umano na maibabalik na ang prangkisa ng ABS-CBN ngayong 2024.


Ayon pa sa mga naglabasang mga ulat ngayon, patuloy ang pakikipag-usap ng mga ABS-CBN executives para makakuha muli sila ng prangkisa at malaki ang posibilidad na mangyayari ito ngayong taon. 


May malaking factor din umano ang pagkakaroon ng National Election sa susunod na taon ara sa muling pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Tila ito na ang ibig sabihin sa mga binitiwang pahayag ng ABS-CBN executives patungkol sa comeback at return ng ABS-CBN.


Nauna na ring ipinahayag ng mga executives ng ABS-CBN na dapat abangan ang mga proyekto na gagawin ng ABS-CBN ngayong taon. Isa nga sa inaabangang palabas ng ABS-CBN ngayong taon ay ang proyekto nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Samantala, may naghinala naman na kung hindi maibabalik ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa ay may malaking partnership naman na magaganap sa pagitan ng dalawang network.


Marami ang naghinala na makikipagpartner ang ABS-CBN sa AMBS na pagmamay-ari ngayon ni Manny Villar na siyang nakakuha sa dating frequency na pagmamay-ari naman ng network.


Matatandaan na itinigil ng AMBS ang pagpapalabas ng kanilang mga programa sa telebisyon dahil sa kakulangan ng advertisers dala ng mababang reach. Isa rin sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang soft launch ng AMBS ay dahil sa kawalan nila ng magagaling na stars na sinusundan ng maraming netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo