Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!

Walang komento

Huwebes, Enero 4, 2024


 Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si Cesar Montano.


Makikita sa ibinahaging larawan ni Sunshine Cruz na isang malaking painting ang ibinigay sa kanya ni Cesar Montano bilang regalo nito sa pasko.


Marami naman sa mga tagahanga ni Sunshine Cruz at Cesar Montano ang natuwa dahil naging maayos na ang relasyon nilang dalawa at malapit na rin si Sunshine Cruz sa kasalukuyang karelasyon ngayon ni Cesar Montano.


Bukod pa rito, makikita na maayos ding lumaki ang mga anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang pamilya. Masaya na rin ang mga ito sa pagkakaroon nila ng blended family. 


Maging ang ilang mga celebrities ay natuwa rin sa blended family nina Sunshine Cruz at Cesar Montano, pinapatunayan lamang umano ng dalawa na maari pa ring maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.


May mga netizens din na pumupuri kay Sunshine dahil naturuan umano nito ng maayos ang kanyang mga anak na huwag magtanim ng sama ng loob at bitterness sa kanilang ama kahit na ipinagpalit sila nito noon.


"Shine deserves praise for raising her children well. Teaching them to treat their father with respect and politeness reflects an understanding that kindness begins at home. Well raised children--no bitterness and hatred just pure love."


"Ganda tlga pag papalaki mo miss sunshine ksi magka sundo kayo sa ama ng mga anak nyo at walng tampohan at away.. nkka proud mka kita ng ganito"


" salute you , Ms. Sunshine Cruz, for the unconditional love for your children that transcended to the values and the inner beauty of your girls cores." 



Matapos Lokohin Last Year, Kathryn Nangakong Hindi Na Marupok Sa 2024

Walang komento


Hindi na umano magiging marupok ngayong 2024 ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Muling tinuldukan ng ABS-CBN A Lister actress na si Kathryn Bernardo ang mga bali-balitang makikipagbalikan siya sa kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.


Sa isang post mula sa official Facebook page ng aktres na si Kathryn Bernardo, ipinahayag ng aktres na araw-araw ay nare-realize umano niya na hindi pala boring ang pagiging single. Dahil nakukuha na umano niya ngayon ang kalayaan at tuwa na noon ay hindi niya nararanasan.


Tila tuluyan na ngang binura ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa kanyang buhay ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla matapos ibahagi sa kanyang official Facebook page ang isang pahayag kung saan ipinunto niyang masaya na siya ngayon sa pagiging single at hindi na umano siya magiging marupok sa taong 2024.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Kathryn Bernardo, may mga pumuri sa aktres dahil sa wakas ay namular na rin umano ang mga mata nito sa pagiging marupok pagdating sa kanyang boyfriend noon na si Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, umani rin ng komento at reaksyon ang ibinahaging Instagram post ng aktrers kung saan ipinakita niya ang pag-bobonding nilang magkapamilya nitong holiday season.


Tila ipinamumukha umano ngayon ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla na kaya pa rin niyang mamuhay ng masaya kahit pa magkahiwalay na silang dalawa.


Ayon naman sa komento ng ilang netizens na tama lamang ang naging desisyon ni Kathryn Bernardo sa pag-eenjoy ngayon lalo pa't galing siya sa isang nakakasakal na relationship. Kung saan kinukontrol ng kanyang karelasyon ang lahat ng kanyang mga galaw. Tiyak umano nilang masaya ngayon si Kathryn sa kanyang paglaya.


Tila wala umanong kalayaan noon si Kathryn Bernardo noong karelasyon niya si Daniel Padilla dahil pinapakialaman ni Daniel maging ang pananamit ni Kathryn.


Ngayon ay nakakapag-suot na umano si Kathryn Bernardo ng mga damit na ayon sa taste niya at hindi na niya kailanman iisipin ang mga pagbabawal ni Daniel Padilla at naeexpress na niya ang kanyang sarili sa paraan na gusto niya.



Alden Richards Nagsalita Na Sa Kaniyang Relasyon, May Jowang Lalaki

Walang komento

Miyerkules, Enero 3, 2024


 Sinagot na ng aktor na si Alden Richards ang mga katanungan ng mga netizens noon pa man patungkol sa tunay niyang kasarian sa kanyang guesting sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks.


Sa kamakailang episode ng Toni Talks kung saan tampok ang aktor na si Alden Richards hayagang tinanong ni Toni Gonzaga ang matagal nang isyu patungkol sa totoong kasarian ng tinuturing bilang Asia's Ultimate Star na si Alden Richards.


Unang tinanong ni Toni Gonzaga kung ano ang mga bagay na ayaw niyang marinig mula sa mga netizens, dito na nagbukas si Richard na tila iniiwasan niyang mapag-usapan ang patungkol sa kanyang gender identity.


Matatandaan na lumabas noon ang mga haka-haka na isa si Alden Richard sa mga myembro ng LGBTQ+ community dahil hindi pa ito napapabalita na mayroong jowang babae sa loob at labas ng showbiz. May mga kumalat ring larawan noon ni Alden Richards kasama ang isang lalaki na pinaghihinalaang karelasyon nito.


Sa wakas ay sinagot at nilinaw na itong lahat ni Alden Richards, ayon sa kanya, kahit hindi niya sinasagot ay pinapalampas na lamang niya sa kabilang tenga ang mga isyu patungkol sa kanya.


Ayon pa kay Alden Richards na sanay na siya sa mga pag-iisip ng mga netizens na kung ang isang gwapong lalaki na walang jowa pinaghihinaalan kaagad na isang bading.


Kaya naman sinabi ni Alden Richards na tatanggapin nalang niya anuman ang isipin sa kanya ng mga netizens ang mahalaga ay kilala umano niya ang kanyang sarili. Hindi na lamang umano niya papatulan ang anumang isyu na ibabato sa kanya.


Hindi naman ito bago sa showbiz industry dahil pinaghihinalaan ding bading si Piolo Pascual matapos kumalat ang mga intimate photos niya kasama ng isang kapwa lalaki.



Annabelle Rama Nakipagbati Na Kay Sarah Lahbati Matapos Ang Ilang Buwan

Walang komento


 Kaagad na napansin ng mga netizens ang isang social media post ni Sarah Lahbati kung saan makikitang pinusuan pa ito ni Annabelle Rama. Kaagad namang umasa ang ilang mga tagahanga nina Sarah at Richard na magkakabati na ang dalawa.


Mukhang malapit na umanong magkaayos sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati dahil sa pagreact ni Annabelle sa isang Instagram post ni Sarah Lahbati sa pagbabakasyon ng pamilya nito sa Bohol nitong nakaraang pasko kung saan kasama nito ang mga anak.


Natuwa naman ang mga netizens ang natuwa sa ginawang ito ni Annabelle Rama, hinala ng ilan na tila nagkausap na umano ang dalawa bago mag-New Year at naayos na ang dapat nilang ayusin.


Ayon sa mga haka-haka na baka mas pinili na lamang nina Sarah at Richard Gutierrez na ayusin ang kanilang relasyon para sa kapakanan ng dalawa nilang anak na siyang labis na maapektuhan sakaling matuloy ang hiwalayan ng kanilang mga magulang.


Samantala, may mga nagsasabi naman na kahit maging maayos ang relasyon ng dalawa ay hindi na umano maibabalik pa ang dating pagmamahalan ng dalawa dahil ginagawa na lamang nila ito para sa mga bata na hindi pa nakakaintindi sa totoong nagaganap sa paligid.


Sa kabilang banda, may mga nagbibiro naman na baka nasubrahan lamang umano sa pang-i-stalk kay Sarah Lahbati si Annabelle Rama kaya naman aksidente nitong napindot ang heart react button.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang mga birada ni Annabelle Rama patungkol sa totoong ugali ni Sarah Lahbati at kung gaano ito kawaldas sa salaping pinaghihirapan ni Richard.


Wala umanong ibang iniisip ang asawa ni Richard kundi sa kung paano magwaldas ng salapi. Panay umano ito request kay Richard na magtravel at kung ano-anong mga mamahaling bagay ang binibili.


Bukod pa rito ay nagtungo rin umano itong si Annabelle Rama sa tanggapan ng PDEA dahil may paiimbistigahan siyang tao na pinaghihinalaang gumagamit ng mga ipinagbabawal dahil sa labis na pagpayat nito.


Agad namang naghinala ang mga netizens na ang tinutukoy ni Annabelle na labis na pumayat ay walang iba kundi si Sarah Lahbati.


Gabby Concepcion, Pinaparinggan Si Sharon Cuneta

Walang komento


 Hindi napigilan ng ilang mga netizens at mga taga-suporta nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang mapa-react sa ibinahaging post ng huli sa kanyang social media account.


Ayon sa post ni Gabby Concepcion, patungkol sa teleseryeng kinabibilangan niya ang kanyang post subalit marami ang naghinala na may koneksyon ito sa kanyang totoong buhay.


Ayon sa post ni Gabby Concepcion, "Let them lose you, you need to let people lose you, let them go along with the crowd let them believe what they want to believe."


"Let them think they have better. Let them sleep on you worth because in due time they will realize the mistake they made and it will be just enough time for you to accept that you're better off without them," dagdag pa ng aktor.


Marami naman sa mga fans ni Gabby Concepcion ang nagsasabi na ginamit lamang ni Gabby ang kanyang teleserye na Stolen Life para maglabas ng hugot laban kay Sharon Cuneta.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa nasabing cryptic post ni Gabby Concepcion.


"apakameaningful nmn nito, pwedeng it refers to papi, pwedeng para kay Kc at pwede rin para kay mama Sha, haisst buhay artista masalimuot kung minsan, affected din tayong mga fans.. makapagmove on na nga lang... 


"but still hoping and praying na sana walang un follow na mangyayari plus sana may project pa rin silang 2 sa 2024 para sumaya nmn tayo at ni Kc. Pag movie for sure patok sa takilya na to.. mga producers asan na kasi kayo"


"I felt sad reading this and at the same time I can’t believe that Gabby is so open to admit his emotions if this post was really meant for who we think it is for. So deep are his feelings pala. 


"I think we should be grateful we had those three concerts to remember them by. I think the hard part is parang it has to be an all or none situation- parang lovers or enemies. 


"If we probably focused on the friendship, mas sustainable siguro and mas acceptable for both their families. Nangarap kasi tayo na maging sila uli, kaya nagulo ang lahat. 


"I always think if Sharon ended up with Richard or Robin, I don’t think they would have allowed Sharon to have such concerts. So grateful pa rin. In God’s perfect time, if they are meant to be, they will still be together- in the end. We both wish them well and happiness."


 

Raymart Santiago, Kinulimbat Ang Hundred Of Millions ni Claudine Barretto

Walang komento


 Ibinunyag ng batikang aktres na si Claudine Barretto sa kamakailang guesting niya sa YouTube channel ni Luis Manzano na inilabas nitong January 2, na muli silang naglalaban ngayon sa korte na kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.


Ayon sa naging pahayag ni Claudine Barretto, annulment ang pinoproseso nila ngayong dalawa, subalit ang hindi umano niya malaman sa ngayon ay kung bakit tila ginugulo umano ni Raymart ang proseso ng kanilang annulment.


Ipinaglalaban umano ngayon ni Raymart Santiago ang custody ng kanilang mga anak. Hindi rin naman umano alam ni Claudine Barretto kung bakit inilalaban pa rin ni Raymart Santiago ngayon ang custody ng kanilang mga anak gayong matatanda na ang mga ito.


Nasa 19 years old na rin umano ang kanilang anak na si Sabina, habang 16 years old naman si Santino. Kaya naman hinala ni Claudine na nanggugulo na lamang itong si Raymart Santiago.


Isa pa sa hindi nagugustuhan ni Claudine Barretto ay ang paglalaban ni Raymart Santiago sa kanilang properties lalong-lalo na sa kanilang bahay.


Pagbabahagi pa ni Claudine na sariling lupa naman niya ang pinagtayuan ng kanilang bahay na nabili pa umano niya noong kasagsagan ng kasikatan at mga pelikula ni Rico Yan.


Subalit, nanganganib na mawala umano sa kanya ang nasabing property dahil ito ang patuloy na inilalaban sa kanya ni Raymart Santiago. Pagpapatuloy naman ni Claudine Barretto na kung noon ay hindi siya lumaban nang kinuha ni Raymart ang milyon-milyon nilang pera ngayon ay lalaban na siya dahil malalaki na ang kanyang mga anak.


Marami na umano ang mga kailangan ng mga ito lalo na sa kanilang pag-aaral. Confident rin umano siya na maiintindihan na ng kanyang mga anak ang sitwasyon nila ni Raymart Santiago dahil malaki na rin naman ang mga ito.


Ibinunyag pa ni Claudine na hundreds of millions ang kinuha sa kanya ni Raymart Santiago, sa isang bangko pa lamang ay nasa 116 million na umano ang laman nito, ang tanging iniwan lamang umano sa kanya ay nasa 25, 000, hindi rin umano alam ni Claudine Barretto  kung paano itong nakuha noon ni Raymart na hindi man lamang siya nabigyan ng abiso mula sa mga nasabing bangko.


Ang tanging ibinalik lamang sa kanya noon ni Raymart ay nasa 7 million lamang dahil kukunin pa umano nito sa mga taong pinagtaguan ang perang kinuha nito sa kanya.


Hindi na umano pinaabot pa ni Claudine sa korte ang ginawa noon ni Raymart Santiago sa kanya dahil ayaw niyang lumabas na parang magnanakaw ang ama ng kanyang mga anak.


Subalit hindi naman umano tama na maging ang bahay ay balak namang kunin ni Raymart sa kanila kaya naman lalaban na siya sa ngayon. Hindi na umano siya ang Claudine noon na mahina at hindi lumalaban ngayon ay handa na umano niyang harapin ang lahat para sa kanyang mga anak.




AMBS, Manny Villar Nakikipag Usap Sa ABS-CBN

Walang komento


 Usap-usapn ngayon ang magandang balita na may gagamitin na umanong frequency ang ABS-CBN upang makabalik na sila sa pag-ere sa telebisyon.


Matatandaan na marami sa mga Kapamilya fans ang labis na nalulungkot nang maiulat na tuluyan nang nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at nang ibenta ng mga Lopez ang ilang mga ari-arian na ginagamit ng ABS-CBN kabilang na ang parte ng Pinoy Big Brother house.


Samantala, ayon sa mga naglabasang mga usap-usapan ngayon, masisilayan na ngayong taon ang panibagong ABS-CBN. May pagtatayuan umano ng bagong headquarters ng ABS-CBN Studios na pagmamay-ari pa rin ng mga Lopez.


Sa naganap na corporate Christmas party ng ABS-CBN, nagbitiw ng isang makahulugang mensahe ang CEO at President ng ABS-CBN Network na si Carlo Lopez Katigbak na nagbigay ng excitement at saya para sa lahat ng mga naniniwalang makakabalik rin sa ere ang ABS-CBN.


Ayon sa naging pahayag  nito, magiging maganda para sa ABS-CBN ang taong 2024. Siniguro rin nito ang mas malakas at panibagong ABS-CBN ang matutunghayan ng mga empleyado at ng kanilang mga tagahanga.


Marami naman ang umasa na sana ay ang prangkisa o di kaya ay ang pagkakaroon ng frequency ng network ang pinapakahulugan ni Carlo Lopez Katigbak sa kanyng naging pahayag.


May mga usap-usapan naman na may nagaganap na umanong usapan sa pagitan ni Manny Villar at ilang mga executives ng ABS-CBN, marami ang naghinala na baka ay nag-uusap na ang dalawa sa maaring partnership sa pagitan ng ABS-CBN at AMBS para makabalik na sa free TV ang mga programa ng ABS-CBN.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Manny Villar ang bumili ng frequency na dating pagmamay-ari noon ng ABS-CBN.



Janno Gibbs Nagsalita Na Sa Mga Paratang Sa Kanya Ng Mga Netizens Tungkol Sa Amang Si Ronaldo Valdez

Walang komento


 Nagbigay na ng kasagutan ang singer na si Janno Gibbs sa mga komento ng ilang mga netizens hinggil sa pagluluksa niya sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.


Marami sa mga netizens at mga tagahanga ng yumaong si Ronaldo Valdez ang pumupuna sa paraan ng pagdadalamhati at pagluluksa ng kanilang pamilya kasunod sa biglaang pagpanaw ni Ronaldo Valdez nito lamang December 2023.


Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ng singer na si Janno Gibbs kasama ang kanyang pamilya sa isang bakasyon sa Japan kamakailan lamang.


Binati ng happy New Year ni Janno Gibbs ang kanyang mga followers kalakip ang nakangiting picture nila na habang ini-enjoy ang pagbabakasyon.


May isang netizens naman na tila hindi nagustuhan ang pagpopost na ito ni Janno Gibbs at ipinaalala pa sa singer na ang kamakailang pagpanaw ng kanyang ama.


Kaagad naman itong sinagot ni Janno Gibbs kung saan sinabi niya na alam niya at hindi niya nalilimutan ang masakit na sandali kung saan tuluyang namaalam sa kanila ang kanyang ama.


Ayon naman sa netizens, na nakikita umano niya sa mga post ng singer na tila hindi na umano ito nalulungkot gayung kapapanaw pa lamang ng ama nito.


Ipinunto pa ni Janno Gibbs na hindi maaring husgahan ang kanilang paraan ng pagluluksa dahil lamang sa mga ibinabahagi nilang social media post.


May ilang mga netizens naman na kumampi kay Janno Gibbs, ayon sa kanila, iba-iba naman ng coping mechanism ang bawat isa kaya hindi maaring husgahan ang isang tao dahil lamang sa isang social media post.


May ilan pang fans ni Janno ang nagsasabi na baka nakaplano na talaga at nakapagbook na sila ng flight papunta sa kanilang pagbabakasyon kaya naman hindi na nila ito makansela pa, biglaan rin naman ang pagkawala ni Ronaldo Valdez na maaring kasama pa nilang nagplano sa bakasyon.


Matatandaan na marami ang nagulat nang lumabas ang balita na natagpuan na lamang ng mga pulis ang wala nang buhay na katawan ni Ronaldo Valdez sa loob mismo ng kanilang tahanan nitong buwan ng December noong nakaraang taon.


May tama ito sa bandang leeg habang nasa kamay naman nito ang sariling baril, lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan na sinadya ni Ronaldo na tapusin ang kanyang buhay dahil sa nararanasang labis na kalungkutan at depression matapos ang pagpapa-opera sa kanyang prostate cancer.


Daniel Padilla, Handang Magbukas ng Panibagong Chapter Kasama Pa Rin si Kathryn Bernardo

Walang komento


 Hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang ilang mga KathNiel fans na muling magkakabalikan ang longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang pagkumpirma nilang dalawa sa kanilang paghihiwalay.


Nagkaroon ng pag-asa ang ilang mga netizens na may posibilidad pa na magkakabalikan ang dalawa dahil tila sinusuyo naman ni Daniel Padilla ang aktres at naging civil din naman si Kathryn Bernardo sa pakikitungo niya kay Daniel Padilla.


May mga ulat pa na nagsasabing lumalapit na umano ang aktor sa mga kaibigan nilang dalawa ni Kathryn Bernardo upang humingi ng tulong sa mga ito para makausap niya ng masinsinan ang dating girlfriend.


Samantala, marami pa rin naman sa mga netizens ang naniniwala na malalampasan rin nilang dalawa ang mga pagsubok na ito at kung sila talaga ang para sa isa't-isa ay magkakabalikan pa rin sila.


Sa kabilang banda, tila lalo namang umingay ang pangalan ngayon ni Kathryn Bernardo matapos ang pagkumpirma niya sa paghihiwalay nila ni Daniel Padilla.


Tila nakuha kasi ni Kathryn Bernardo ang simpatya ng mga netizens patungkol sa naganap na hiwalayan nila ni Daniel dahil may babae na itinuturong naging dahilan ng lahat, sa katauhan ni Andrea Brillantes.


Dahil dito, may mga naghinala na kaya sinusuyo ngayon ni Daniel Padilla ang aktres dahil sa ayaw nitong maapektuhan ang kanyang career dahil sa nakukuhang simpatya ni Kathryn Bernardo mula sa publiko.


Gayunpaman, ayon sa mga netizens na ang mas mainam na gawin ngayon ni Daniel Padilla para hindi na maapektuhan ang kanyang showbiz career ay linawin na niya ang totoong naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo lalo na kung wala namang third party o lokohan na nangyari.


Subalit, ayon naman pa sa ilang mga netizens na kung totoong may kasalanan siyang mabigat ay tiyak na lalong mananahimik ang aktor dahil sa takot na tuluyang bumagsak ang kanyang showbiz career.



Sa kabilang banda, wala namang ibang makakapagdesisyon sa kahahantungan ng relasyon ng dalawa kundi si Kathryn Bernardo kung kaya pa niya patawarin ang aktor at kung handa ba siyang kalimutan ang lahat ng mga nagawang pagkakamali ni Daniel Padilla.


Samantala, naging usap-usapan naman ang ibinahaging post ni Daniel Padilla bilang pagbati kay Kathryn Bernardo nitong New Year's Day, ayon kay Daniel, kahit pa nagsara sila ng chapter sa kanilang buhay ay magbubukas naman sila ng mas wonderful pa kaysa sa naunang nagtapos na.



James Reid, Issa Pressman Sinalubong Ng New Year, Kapitbahay Si Nadine Lustre?

Walang komento


 Sa pagsalubong ng taong 2024, nina James Reid at Issa Pressman ay tila sinalubong rin sila ng pambabatikos mula sa mga bashers na hindi pa rin maka- get over sa kanilang relasyon.


Umaani ngayon ng samu't-saring komento at pambabatikos mula sa mga netizens ang ibinahaging video ng celebrity couple na sina Jame Reid at Issa Pressman matapos mapansin ng mga netizens ang tila pagkakatulad sa ibinahaging photos naman ng kanyang ex girlfriend na si Nadine Lustre.


Sa Instagram post ni James Reid ibinahagi niya ang video ng pagsalubong nila ni Issa Pressman sa bagong taon sa bago nilang tahanan. Kung titingnan ay masaya naman pareho ang dalawa subalit, may napansin ang ilang mga netizens na sa background ng video.


Ayon sa ilang mapang-intrigang netizens, tila magkapitbahay lamang sina James Reid at Nadine Lustre dahil magkatulad ang kani-kanilang window view.


May mga nagkumpara pa muli kina Nadine Lustre at Issa Pressman sa kung sino ang mas maganda at sa kung sino ang mas blooming sa ngayon.


Sa kabila nito, may ilang netizens naman na nasisiyahan sa estado ng buhay ngayon nina James Reid at Nadine Lustre na magkahiwalay kung saan makikita na kapwa masaya na sila sa kani-kanilang mga partners.


Matatandaan na naging usap-usapan noon sa mundo ng showbiz at sa social media ang tuluyang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon, marami kasi sa mga fans ni Nadine Lustre ang naniniwala na noon pa man ay may relasyon na ang dalawa kahit si Nadine Lustre pa ang kinilalang girlfriend ni James Reid.


Kasunod nito, muling kumalat ang mga larawan at pictures noon kung saan makikita ang sweetness nina James Reid at Issa Pressman sa likod ni Nadine Lustre.


Sa pagpasok ng panibagong taon, hiling naman ng ilang mga fans ng dalawa na sana ay tumigil na ang mga bashers sa pang-iintriga at tanggapin na lamang na hindi talaga para sa isa't-isa sina James Reid at Nadine Lustre dahil kapwa masaya na ang mga ito sa ngayon kasama ang bagong minamahal.

Nagulantang Ang Lahat! Mga Baho Ng Pamilya Ni Sarah Lahbati Kalat Na

Walang komento


 May panibagong pasabog sina Manay Cristy Fermin sa kanilang Showbiz Now Na vlog sa Youtube patungkol sa pamilya ng aktres na si Sarah Lahbati.


Tampok sa kamakailang YouTube vlog nina Manay Cristy Fermin ang mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Ester at Abdel Lahbati. Ayon kay Manay Cristy Fermin, nanirahan noon sina Sarah Lahbati sa Geneva, Switzerland kung saan nagtrabaho ang ina nito.


Dagdag pa ni Manay Cisty Fermin, marami silang tagasubaybay na mga Pilipino sa nasabing bansa kaya naman marami ring nakarating sa kanilang na mga balita patungkol sa pamilya ni Sarah Lahbati.


Pagbabahagi ni Manay Cristy Fermin na sa tuwing pumunpunta sa Pilipinas ang mga magulang ni Sarah Lahbati ay sagot umano ng aktres ang mga pamasahe ng mga ito. Bukod pa rito, nais pa umano ng mga magulang ni Sarah na nasa bus


Dagdag naman ni Romel Chika na dahil wala namang stable na trabaho si Sarah Lahbati sa showbiz kaya saan pa manggagaling ang perang ginagastos ni Sarah Lahbati para sa kanyang mga magulang kundi sa bulsa ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez.


Samantala, nagbigay rin ng reaction sina Manay Cristy Fermin sa ibinahaging post noon ng ina ni Sarah Lahbati na si Ester patungkol sa natatanggap niyang pension mula sa pagtatrabaho sa Geneva, Switzerland.


Ayon kay Cristy Fermin na ang natatanggap na pension ng ina ni Sarah Lahbati ay tinatawag na State Pension na ibinibigay sa mga taong nagtatrabaho bilang mga Overseas Filipino Wotkers, dahil isa umanong kasambahay noon ang ina ni Sarah Lahbati kaya naman may State pension ito.


Ibinunyag rin ni Cristy Fermin na hindi naman kalakihan ang natatanggap na state pension ni Ester mula sa pagiging kasambahay nito sa Geneva, Switzerland.


Nakarating din umano sa kanya ang mga usap-usapan ng mga Filipino sa Geneva Switzerland na nakakakilala sa pamilya ni Sarah Lahbati. Ayon sa chika, hindi umano kagandahan ang reputasyon ng mga Lahbati sa kanilang lugar.


Iginiit pa ni Manay Cristy Fermin na kaya nagkukwento ang mga kababayang taga Geneva ay dahil hindi na umano nila matiis ang pakikiaalam ng mga magulang ni Sarah Lahbati sa relasyon at pagkakahiwalay ng dalawa.



Ganito Pala Kayaman Ang Asawa Ni Angelica Panganiban Na Si Gregg Homan?

Walang komento


 Nagsimula na ang lifetime journey ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban kasama ang kanyang longtime partner na si Gregg Homan matapos ang palitan nila ng vow noong December 31, 2023.


Naganap sa Los Angeles, California ang pag-iisang dibdib nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na dinaluhan naman ng kanilang mga malalapit na kapamilya at mga kaibigan.


Hindi naman nawala sa nasabing okasyon ang kilalang bestfriend ni Angelica Panganiban na sina Kim Chiu at Bela Padilla.


Samantala, kilalanin ang lalaking bumihag sa puso ni Angelica Panganiban at ama ng anak nito sa Amila Sabien.


Si Gregg Homan ay anak ng isang Australian businessman na si Bryan Homan habang Pilipina naman ang ina nito hindi naman nito nilahad sa publiko kung sino ang kanyang biological mother dahil masaya na rin sila sa pangangalaga ng kanilang step mother na ina ng kanilang bunsong kapatid.


Isang businessman si Gregg Homan na namamahala sa mga operations ng Bay Marine Subic. Ang Bay Marine Subic ay isang kompanya na kilala sa paggawa at pagpaparenta ng mga alluminum boat at landing crafts for commercial and private use.


Bukod sa mga tungkulin ni Gregg Homan sa Bay Marine Subic, pinamamahalaan rin ni Gregg Homan ang Mangrove Hotel and Resort na naroon din sa Subic Bay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Gregg Homan ang unang non-showbiz boyfriend ni Angelica Panganiban na nakilala ng publiko. 


Marami rin naman ang nagulat nang mag level up ang relasyon nilang dalawa dahil kilala ring pihikan si Angelica Panganiban matapos malink sa mga sikat na aktor sa industriya kabilang na sina Jhon Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Paolo Aquino.



Shocking! Travel Vlog Ni Andrea Brillantes Kasama Si Daniel Padilla?

Walang komento

Martes, Enero 2, 2024


 Marami sa mga netizens ang naintriga nang inilabas na ng controversial actress na si Andrea Brillantes ang kanyang travel vlog sa bansang Spain.


Matatandaan na naisyu noon sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla dahil sa mga haka-hakang lumabas na magkasamang nagbakasyon noon sa Spain matapos ang hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.


Sa Instagram post ni Andrea Brillantes, isiniwalat niya sa kanyang mga fans ang na inilabas na ang kanyang Spain vlog. Kaagad naman itong umani ng mga reaksyon at komento dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinagmulan ng malaking kontrobersiya ang mga larawan niya na kuha sa Spain na pinaghihinalaang kasama sila ni Daniel.


Kaagad naman nagsilabasan ang mga supporters ni Andrea Brillantes at sinupalpal ang mga bashers ng aktres na naglabas na umano ng resibo si Andrea para pabulaanan ang isyu nila ng aktor at pagkakadawit sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn.


May mga tagasuporta naman ang aktres na nagbigay ng payo na pabayaan na lamang ang mga bumabatikos dahil hindi naman umano alam ng mga ito ang nangyari at naghahanap lamang ng masisisi sa paghihiwalay ng KathNiel.


Ibinahagi pa ni Andrea Brillantes na dahil labis siyang nasaktan ngayong taon, hiling na sana ngayon 2024 ay magkamtan niya ang healing at growth in  character na hinihiling niya.


Narito naman ang ilang mga komento mula sa mga fans ni Andrea Brillantes sa inilabas niyang Spain vlog.


"Although you are always misunderstood and judged, I still believe that there is something good inside you. You may have committed mistakes but I hope you will learn from it and never do it again. There are lots of people who looked up to you Blythe including me so pleasee be better in life, love, and decisions. Whatever happens I will always be at your side.. You are heard and loved my Ramona!"


May mga naiyak pang mga tagahanga ni Andrea habang pinapanood ang kanyang vlog kase grabe talaga yung pinagdadaanan niya. May mga nagpahayag pa sa kanilang tuwa dahil nakayanan ni Andrea Brillantes ang lahat ng mga pagsubok sa buhay at mga masasamang isyu na ibinabato sa kanya.




Kim Chiu at Paulo Avelino Aminadong May Espesyal Na Namamagitan Sa Kanila!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment sites at social media platforms ang patungkol sa totoong namamagitan sa magco-stars na sina Paulo Avelino at Kim Chiu matapos ang tuluyang pagkumpirma ni Kim Chiu at Xian Lim na matagal na silang naghiwalay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na madalas nagsasama ngayon sina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa magkasunod nilang projects na pinagsamahan, sa digital series na Linlang at sa Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim?


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila naging taga-comfort na rin ng aktres si Paulo Avelino. Ayon pa sa mga chika na ilang beses umanong naging crying shoulder ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa tuwing inaatake ito ng lungkot dala ng nasirang relasyon nila ni Xian Lim.


May mga nagsasabi rin na talagang malapit sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa set at namamataan pa rin silang nag-uusap at nagkakasama kahit tapos na ang eksena.


Iginiit naman nila sa mga naunang interview na magkaibigan lamang silang dalawa at ginagawa lamang nila ang makakaya nila para hindi na sila mailang sa mga eksenang pagsasamahan nila.


Subalit, sa kamakailang panayam ng dalawa at tila umamin na umano ang mga ito na may something special sa kanilang pagkakaibigan. Sa ngayon ay hindi pa umano nila masasabi ang hinaharap kaya naman ay abangan na lamang ito ng mga netizens.


Samantala, dahil sa hindi pagsisiwalat nina Kim Chiu at Xian Lim sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, marami ang naghinala na may kinalaman rito si Paulo Avelino dahil tila nagseselos umano ito sa maiinit na eksena ng dalawa.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo