Annabelle Rama Nakipagbati Na Kay Sarah Lahbati Matapos Ang Ilang Buwan

Miyerkules, Enero 3, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na napansin ng mga netizens ang isang social media post ni Sarah Lahbati kung saan makikitang pinusuan pa ito ni Annabelle Rama. Kaagad namang umasa ang ilang mga tagahanga nina Sarah at Richard na magkakabati na ang dalawa.


Mukhang malapit na umanong magkaayos sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati dahil sa pagreact ni Annabelle sa isang Instagram post ni Sarah Lahbati sa pagbabakasyon ng pamilya nito sa Bohol nitong nakaraang pasko kung saan kasama nito ang mga anak.


Natuwa naman ang mga netizens ang natuwa sa ginawang ito ni Annabelle Rama, hinala ng ilan na tila nagkausap na umano ang dalawa bago mag-New Year at naayos na ang dapat nilang ayusin.


Ayon sa mga haka-haka na baka mas pinili na lamang nina Sarah at Richard Gutierrez na ayusin ang kanilang relasyon para sa kapakanan ng dalawa nilang anak na siyang labis na maapektuhan sakaling matuloy ang hiwalayan ng kanilang mga magulang.


Samantala, may mga nagsasabi naman na kahit maging maayos ang relasyon ng dalawa ay hindi na umano maibabalik pa ang dating pagmamahalan ng dalawa dahil ginagawa na lamang nila ito para sa mga bata na hindi pa nakakaintindi sa totoong nagaganap sa paligid.


Sa kabilang banda, may mga nagbibiro naman na baka nasubrahan lamang umano sa pang-i-stalk kay Sarah Lahbati si Annabelle Rama kaya naman aksidente nitong napindot ang heart react button.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang mga birada ni Annabelle Rama patungkol sa totoong ugali ni Sarah Lahbati at kung gaano ito kawaldas sa salaping pinaghihirapan ni Richard.


Wala umanong ibang iniisip ang asawa ni Richard kundi sa kung paano magwaldas ng salapi. Panay umano ito request kay Richard na magtravel at kung ano-anong mga mamahaling bagay ang binibili.


Bukod pa rito ay nagtungo rin umano itong si Annabelle Rama sa tanggapan ng PDEA dahil may paiimbistigahan siyang tao na pinaghihinalaang gumagamit ng mga ipinagbabawal dahil sa labis na pagpayat nito.


Agad namang naghinala ang mga netizens na ang tinutukoy ni Annabelle na labis na pumayat ay walang iba kundi si Sarah Lahbati.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo