Kim Chiu at Paulo Avelino Aminadong May Espesyal Na Namamagitan Sa Kanila!

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment sites at social media platforms ang patungkol sa totoong namamagitan sa magco-stars na sina Paulo Avelino at Kim Chiu matapos ang tuluyang pagkumpirma ni Kim Chiu at Xian Lim na matagal na silang naghiwalay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na madalas nagsasama ngayon sina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa magkasunod nilang projects na pinagsamahan, sa digital series na Linlang at sa Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim?


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila naging taga-comfort na rin ng aktres si Paulo Avelino. Ayon pa sa mga chika na ilang beses umanong naging crying shoulder ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa tuwing inaatake ito ng lungkot dala ng nasirang relasyon nila ni Xian Lim.


May mga nagsasabi rin na talagang malapit sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa set at namamataan pa rin silang nag-uusap at nagkakasama kahit tapos na ang eksena.


Iginiit naman nila sa mga naunang interview na magkaibigan lamang silang dalawa at ginagawa lamang nila ang makakaya nila para hindi na sila mailang sa mga eksenang pagsasamahan nila.


Subalit, sa kamakailang panayam ng dalawa at tila umamin na umano ang mga ito na may something special sa kanilang pagkakaibigan. Sa ngayon ay hindi pa umano nila masasabi ang hinaharap kaya naman ay abangan na lamang ito ng mga netizens.


Samantala, dahil sa hindi pagsisiwalat nina Kim Chiu at Xian Lim sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, marami ang naghinala na may kinalaman rito si Paulo Avelino dahil tila nagseselos umano ito sa maiinit na eksena ng dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo