Ganito Pala Kayaman Ang Asawa Ni Angelica Panganiban Na Si Gregg Homan?

Miyerkules, Enero 3, 2024

/ by Lovely


 Nagsimula na ang lifetime journey ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban kasama ang kanyang longtime partner na si Gregg Homan matapos ang palitan nila ng vow noong December 31, 2023.


Naganap sa Los Angeles, California ang pag-iisang dibdib nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na dinaluhan naman ng kanilang mga malalapit na kapamilya at mga kaibigan.


Hindi naman nawala sa nasabing okasyon ang kilalang bestfriend ni Angelica Panganiban na sina Kim Chiu at Bela Padilla.


Samantala, kilalanin ang lalaking bumihag sa puso ni Angelica Panganiban at ama ng anak nito sa Amila Sabien.


Si Gregg Homan ay anak ng isang Australian businessman na si Bryan Homan habang Pilipina naman ang ina nito hindi naman nito nilahad sa publiko kung sino ang kanyang biological mother dahil masaya na rin sila sa pangangalaga ng kanilang step mother na ina ng kanilang bunsong kapatid.


Isang businessman si Gregg Homan na namamahala sa mga operations ng Bay Marine Subic. Ang Bay Marine Subic ay isang kompanya na kilala sa paggawa at pagpaparenta ng mga alluminum boat at landing crafts for commercial and private use.


Bukod sa mga tungkulin ni Gregg Homan sa Bay Marine Subic, pinamamahalaan rin ni Gregg Homan ang Mangrove Hotel and Resort na naroon din sa Subic Bay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Gregg Homan ang unang non-showbiz boyfriend ni Angelica Panganiban na nakilala ng publiko. 


Marami rin naman ang nagulat nang mag level up ang relasyon nilang dalawa dahil kilala ring pihikan si Angelica Panganiban matapos malink sa mga sikat na aktor sa industriya kabilang na sina Jhon Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Paolo Aquino.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo