Shocking! Travel Vlog Ni Andrea Brillantes Kasama Si Daniel Padilla?

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang naintriga nang inilabas na ng controversial actress na si Andrea Brillantes ang kanyang travel vlog sa bansang Spain.


Matatandaan na naisyu noon sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla dahil sa mga haka-hakang lumabas na magkasamang nagbakasyon noon sa Spain matapos ang hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.


Sa Instagram post ni Andrea Brillantes, isiniwalat niya sa kanyang mga fans ang na inilabas na ang kanyang Spain vlog. Kaagad naman itong umani ng mga reaksyon at komento dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinagmulan ng malaking kontrobersiya ang mga larawan niya na kuha sa Spain na pinaghihinalaang kasama sila ni Daniel.


Kaagad naman nagsilabasan ang mga supporters ni Andrea Brillantes at sinupalpal ang mga bashers ng aktres na naglabas na umano ng resibo si Andrea para pabulaanan ang isyu nila ng aktor at pagkakadawit sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn.


May mga tagasuporta naman ang aktres na nagbigay ng payo na pabayaan na lamang ang mga bumabatikos dahil hindi naman umano alam ng mga ito ang nangyari at naghahanap lamang ng masisisi sa paghihiwalay ng KathNiel.


Ibinahagi pa ni Andrea Brillantes na dahil labis siyang nasaktan ngayong taon, hiling na sana ngayon 2024 ay magkamtan niya ang healing at growth in  character na hinihiling niya.


Narito naman ang ilang mga komento mula sa mga fans ni Andrea Brillantes sa inilabas niyang Spain vlog.


"Although you are always misunderstood and judged, I still believe that there is something good inside you. You may have committed mistakes but I hope you will learn from it and never do it again. There are lots of people who looked up to you Blythe including me so pleasee be better in life, love, and decisions. Whatever happens I will always be at your side.. You are heard and loved my Ramona!"


May mga naiyak pang mga tagahanga ni Andrea habang pinapanood ang kanyang vlog kase grabe talaga yung pinagdadaanan niya. May mga nagpahayag pa sa kanilang tuwa dahil nakayanan ni Andrea Brillantes ang lahat ng mga pagsubok sa buhay at mga masasamang isyu na ibinabato sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo