Matapos Lokohin Last Year, Kathryn Nangakong Hindi Na Marupok Sa 2024

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


Hindi na umano magiging marupok ngayong 2024 ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Muling tinuldukan ng ABS-CBN A Lister actress na si Kathryn Bernardo ang mga bali-balitang makikipagbalikan siya sa kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.


Sa isang post mula sa official Facebook page ng aktres na si Kathryn Bernardo, ipinahayag ng aktres na araw-araw ay nare-realize umano niya na hindi pala boring ang pagiging single. Dahil nakukuha na umano niya ngayon ang kalayaan at tuwa na noon ay hindi niya nararanasan.


Tila tuluyan na ngang binura ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa kanyang buhay ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla matapos ibahagi sa kanyang official Facebook page ang isang pahayag kung saan ipinunto niyang masaya na siya ngayon sa pagiging single at hindi na umano siya magiging marupok sa taong 2024.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Kathryn Bernardo, may mga pumuri sa aktres dahil sa wakas ay namular na rin umano ang mga mata nito sa pagiging marupok pagdating sa kanyang boyfriend noon na si Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, umani rin ng komento at reaksyon ang ibinahaging Instagram post ng aktrers kung saan ipinakita niya ang pag-bobonding nilang magkapamilya nitong holiday season.


Tila ipinamumukha umano ngayon ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla na kaya pa rin niyang mamuhay ng masaya kahit pa magkahiwalay na silang dalawa.


Ayon naman sa komento ng ilang netizens na tama lamang ang naging desisyon ni Kathryn Bernardo sa pag-eenjoy ngayon lalo pa't galing siya sa isang nakakasakal na relationship. Kung saan kinukontrol ng kanyang karelasyon ang lahat ng kanyang mga galaw. Tiyak umano nilang masaya ngayon si Kathryn sa kanyang paglaya.


Tila wala umanong kalayaan noon si Kathryn Bernardo noong karelasyon niya si Daniel Padilla dahil pinapakialaman ni Daniel maging ang pananamit ni Kathryn.


Ngayon ay nakakapag-suot na umano si Kathryn Bernardo ng mga damit na ayon sa taste niya at hindi na niya kailanman iisipin ang mga pagbabawal ni Daniel Padilla at naeexpress na niya ang kanyang sarili sa paraan na gusto niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo