Raymart Santiago, Kinulimbat Ang Hundred Of Millions ni Claudine Barretto

Miyerkules, Enero 3, 2024

/ by Lovely


 Ibinunyag ng batikang aktres na si Claudine Barretto sa kamakailang guesting niya sa YouTube channel ni Luis Manzano na inilabas nitong January 2, na muli silang naglalaban ngayon sa korte na kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.


Ayon sa naging pahayag ni Claudine Barretto, annulment ang pinoproseso nila ngayong dalawa, subalit ang hindi umano niya malaman sa ngayon ay kung bakit tila ginugulo umano ni Raymart ang proseso ng kanilang annulment.


Ipinaglalaban umano ngayon ni Raymart Santiago ang custody ng kanilang mga anak. Hindi rin naman umano alam ni Claudine Barretto kung bakit inilalaban pa rin ni Raymart Santiago ngayon ang custody ng kanilang mga anak gayong matatanda na ang mga ito.


Nasa 19 years old na rin umano ang kanilang anak na si Sabina, habang 16 years old naman si Santino. Kaya naman hinala ni Claudine na nanggugulo na lamang itong si Raymart Santiago.


Isa pa sa hindi nagugustuhan ni Claudine Barretto ay ang paglalaban ni Raymart Santiago sa kanilang properties lalong-lalo na sa kanilang bahay.


Pagbabahagi pa ni Claudine na sariling lupa naman niya ang pinagtayuan ng kanilang bahay na nabili pa umano niya noong kasagsagan ng kasikatan at mga pelikula ni Rico Yan.


Subalit, nanganganib na mawala umano sa kanya ang nasabing property dahil ito ang patuloy na inilalaban sa kanya ni Raymart Santiago. Pagpapatuloy naman ni Claudine Barretto na kung noon ay hindi siya lumaban nang kinuha ni Raymart ang milyon-milyon nilang pera ngayon ay lalaban na siya dahil malalaki na ang kanyang mga anak.


Marami na umano ang mga kailangan ng mga ito lalo na sa kanilang pag-aaral. Confident rin umano siya na maiintindihan na ng kanyang mga anak ang sitwasyon nila ni Raymart Santiago dahil malaki na rin naman ang mga ito.


Ibinunyag pa ni Claudine na hundreds of millions ang kinuha sa kanya ni Raymart Santiago, sa isang bangko pa lamang ay nasa 116 million na umano ang laman nito, ang tanging iniwan lamang umano sa kanya ay nasa 25, 000, hindi rin umano alam ni Claudine Barretto  kung paano itong nakuha noon ni Raymart na hindi man lamang siya nabigyan ng abiso mula sa mga nasabing bangko.


Ang tanging ibinalik lamang sa kanya noon ni Raymart ay nasa 7 million lamang dahil kukunin pa umano nito sa mga taong pinagtaguan ang perang kinuha nito sa kanya.


Hindi na umano pinaabot pa ni Claudine sa korte ang ginawa noon ni Raymart Santiago sa kanya dahil ayaw niyang lumabas na parang magnanakaw ang ama ng kanyang mga anak.


Subalit hindi naman umano tama na maging ang bahay ay balak namang kunin ni Raymart sa kanila kaya naman lalaban na siya sa ngayon. Hindi na umano siya ang Claudine noon na mahina at hindi lumalaban ngayon ay handa na umano niyang harapin ang lahat para sa kanyang mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo