Gab Gibbs May Bwelta Sa Mga Feeling Pamilya Nila! Sino Ang Pinaparinggan Ng Anak Ni Janno Gibbs?

Walang komento

Martes, Disyembre 26, 2023


 Dalawang linggo na rin ang nakakalipas ng tuluyang namaalam ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez. Nakikidalamhati naman sa pamilya nito ang mga naging kasamahan ng aktor at ilang mga malalapit na kaibigan nito sa loob at labas ng showbiz industry.


Ilang araw matapos ang pagpanaw ng batikang aktor, nagbibigay na rin ng mga pahayag ang mga mahal nito sa buhay at pamilya. Isa na rito ang apo ni Ronaldo Valdez na si Gabrilla Gibbs, anak ni Janno Gibbs.


Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Gab na maraming mga tao ang nakkikisawsaw at nagbibigay ng iba't-ibang conclusion patungkol sa pagpanaw ng kanyang lolo. May ilan pa umano na umaastang kapamilya nila kahit wala namang kinalaman sa kanila.


Kailanman ay hindi pa umano niya naranasan ang ganitong sakit at sadness sa kanyang buhay dala ng pagpanaw ng kanyang lolo.


"People will never understand how incredibly difficult it is to grieve and to heal while the rest of the world wants to intervene and to forcefully be involved and pretend to be part of our family when they’re not."


"We lost one of my most favorite people on the planet the cool, sweet, funny, talented,and kulit lolo. I will miss you asking me to fix something on your phone every time I see you, all the memes you share and the overly exaggerated story telling sessions you would have with us."


Hindi na rin umano magiging katulad ang kanilang pasko dahil wala ito at hindi na nila maririnig ang pagkanta nito sa paboritong karaoke songs.


Ipinahayag din ni Gab na kailanman ay hindi niya malilimutan ang kanyang lolo.


Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pakikisimpatya sa pamilya ni Ronaldo Valdez na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyan na nakakapag-move on sa biglaang pagpanaw nito.


Sa kabilang banda may mga nagtatanong naman kung sino kaya ang tinutukoy ni Gab na nakikisawsaw at nagpi-feeling pamilaya nila.


Kiko Pangilinan Nagsalita Na Kung Bakit Wala Si Sharon Cuneta Sa Kanilang Reunion

Walang komento


 Kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta na nagpapahiwatig na mayroon silang pinagdadaanan ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.


Marami ang naghinala na may pinagdadaanan ngayon ang dalawa, may mga nagsasabi pa na malapit na rin na maghiwalay ang mga ito matapos ang 27 years nilang pagsasama bilang mag-asawa.


Gayunpaman, nakakita naman ng kaunting pag-asa ang mga fans ng Mega Star ng mapansin na nakasuot pa rin sa kanyang daliri ang wedding ring nila ni Kiko Pangilinan.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng larawan si Kiko Pangilinan mula sa kanilang family reunion na kinaugalian na ng kanilang pamilya sa loob ng apat na dekada.


Sa caption, ibinahagi ni Kiko Pangilinan ang kwento sa likod ng kanilang tradisyon na nais nilang ipagpatuloy sa mga susunod pang henerasyon sa kanilang pamilya.


Samantala, marami naman ang nakapansin na hindi nakasama si Sharon Cuneta sa annual family reunion ng Pamilya Pangilinan, kaya naman kaagad na napapatanong ang kanilang mga fans lalo na't naging usap-usapan na ang patungkol sa paghihiwalay ng dalawa.


Kaagad naman sinagot ni Kiko Pangilinan ang katanungan ng mga netizens at sinabing kaya lang naman hindi nakasama sa kanila si Sharon Cuneta dahil maghapon ang mall tour nito kasama si Alden Richards para sa pinagsamahan nilang pelikula na Family of Two.


Sa gitna ng usapin ng paghihiwalay at mga cryptic post, may mga naghinala naman na sinasadya lamang ito ni Sharon Cuneta para mapag-usapan siya at madamay na rin ang pelikulang pinagbidahan.


May mga nagsasabi pa na hindi na umano ito bago kay Sharon Cuneta na mag-eemote pero wala namang katotohanan ang lahat, marami rin ang nagsasabi na wala namang basehan ang isyu ng paghihiwalay nilang dalawa dahil matagal na silang nagkasama at nagkaroon na rin ng maraming anak.


Narito naman ang komento ng mga netizens hinggil sa pagbabahagi ni Kiko Pangilinan ng annual reunion niilang magkakapamilya.


"super admire ko ang Barangay Pangilinan Senator Kiko. Sobra po simple ng family nyo Kahit na lahat kayo ay professionals. Ramdam ang true meaning ng family. Merry Christmas po ulit Senator."


"Sen Kiko, your Pangilinan family is truly admirable. Everyone is an achiever in his/her own right. You value family more than anything else. But you don’t really have to put up with the drama around you, you deserve peace and respect. LET HER CLEAN UP HER OWN MESS, you don’t have to shield her everytime"



Nikki Valdez Napangiwi Nang Makita Si Daniel Padilla

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging reaksyon ng aktres na si Nikki Valdez matapos makita ang aktor na si Daniel Padilla sa backstage matapos ang ABS-CBN Christmas special.


Kaagad na umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang isang kumakalat na video kung saan makikita ang pagngiwi ni Nikki Valdez nang makita niya ang pakikihalubilo ni Daniel Padilla sa kanyang mga fans.


Ayon sa ilang mga netizens, may kaugnayan ang naging reakasyon ni Nikki Valdez sa ginawang panloloko  ni Daniel Padilla sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo na karelasyon niaya sa loob ng 11 years.


Matatandaan na naging mainit na usapin sa social media ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay. Bagama't wala naman sinasabi ang dalawa patungkol sa totoong dahilan nito, naglabasan naman ang iba't-ibang mga haka-haka na umano'y nambababae itong si Daniel sa likod ni Kathryn Bernardo.


May mga naglabasan pang mga artikulo patungkol sa pag-amin mismo ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo na may nangyari sa kanila ni Daniel Padilla sa mismong bahay nito na katabi ng bahay ng inang si Karla Estrada.


Dahil sa mga naglabasang mga bali-balita na ito, marami ang nakisimpatya kay Kathryn Bernardo at hinihiling na sana ay huwag na nitong balikan pa si Daniel Padilla sa kabila ng panunuyo nito sa kanya dahil mapagpanggap ito.


Hiling din nila na sana ay enjoyin na muna ni Kathryn ang pagiging single bago pumasok muli sa isang relasyon.


"I know it hurts, kathryn deserves better, wala syang mapapala sa lalaking yan, She will never have a piece of mind pag bumalik sya.


"Pag manloloko hindi yan mag babago. She is beautiful, she is successful and she is enough! One day the right man will come along and she will be loved and respected!!"


"Oo kasi kahit nonshowbiz pla pinapatos nyan.mahilig daw mag bar at sa mismong bar makakakilala ng babae.kawawa si kath nagtiis ng sobrang habang panahon sa walang kwentang tao na yan"


"Hindi naman nakakapanghinayang si Daniel sa totoo lang. kath deserves a better man. Napaka disenteng babae, pinalaki ng mabuting  pamilya, that includes her sisters since she’s the youngest. 


"Madaming mga desenteng lalaki na tunay na mayayaman at May pinag aralan ang mga mangliligaw dyan Kay Kathryn. Sayang naman Kung si Daniel lang ang mapapangasawa nya.  Kaya tama yung sabi ni Kath, no looking back only moving forward."




Rob Gomez, Shaila Rebortera Nagkaayos Na Herlene Itsapwera

Walang komento


 Mukhang nagkaayos na ang aktor na si Rob Gomez at ang partner nito na si Shaila Rebortera, ilang araw matapos ang pagbubunyag ng huli sa mga private conversation sa pagitan ng aktor at sa kanyang mga co-stars sa teleseryeng Magandang Dilag na sina Herlene Budol at Bianca Manalo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ginulat ng mga screenshot ng mga private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez ang mga netizens dahil sa mismong Instagram account pa ito ng aktor nagmula.


Bukod sa private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez, may screenshot din ng mga mensahe ni Bianca Manalo kay Rob Gomez na nagsasabing nais niya itong makita ng maaga.


Naglabas na rin naman ng mga pahayag sina Bianca Manalo at Herlene Budol hinggil sa pagkakadawit ng kanilang mga pangalan. Naunang naglabas ng official statement si Bianca Manalo kung saan pinabulaanan niya ang mga haka-haka na may tinatago silang secret relationship ni Rob Gomez.


Ipinaliwanag niya na magdadala lamang ng mga gifts itong si Rob Gomez kaya magkikita sila, nais niya umanong agahan ang pagkikita nila dahil aalis na siya papuntang airport.


Ipinahayag din niya ang kanyang disappointment sa taong nagpakalat sa kanyang mga mensahe kay Rob Gomez na siyang dahilan ng pagkakabatikos sa kanya. Hiling na lamang ni Bianca na sana ay matigil na ang isyu sa pagitan nilang dalawa ni Rob dahil naapektuhan na umano nito ang kanyang pamilya.


Sa kabilang banda, naglabas na rin ng pahayag si Herlene Budol hinggil sa nasabing isyu, pinabulaanan rin niyang may relasyon sila ni Rob Gomez. Ayon kay Herlene, nagbatuhan lamang sila ng mga script ni Rob Gomez upang makabisa nila ito ng mabuti. Nilagyan lamang umano ng ibang kulay ng mga tao ang kanilang one liner na tulad ng 'kain' at 'gutom'.


Sa isang bahagi ng naging pahayag ni Herlene, sinabi niyang sumasakay lamang siya sa pagbibiru ni Rob Gomez dahil isa siyang komedyante. Sinabi rin niya na hindi siya papatol sa lalaking may sabit na dahil pinalaki siya ng maayos ng kanyang lolo at lola. Hindi rin umano niya magagawang manira ng pamilya dahil nagmula rin siya sa isang broken family.


Marami naman sa mga netizens ang naguluhan sa naging pahayag ni Herlene Budol dahil marami umano itong pasikot-sikot. Hindi rin sila naniniwala na nagbabatuhan lamang ng script ang dalawa dahil sa rami ng lugar ay bakit sa chats pa.


Samantala, nito lamang ay ibinahagi naman sa social media account ni Rob Gomez ang mga larawan na kuha mula sa binyag ng kanilang anak ni Shaila Rebortera.


Kapansin-pansin rin sa mga larawan na tila maayos naman ang relasyon nilang dalawa. Magkatabi at nakakangiti pa sa kamera na tila walang bahid ng pinagdaanan.


Sa caption ipinahayag ni Rob Gomez, kung gaano niya kamahal ang kanyang anak at nagpapasalamat siya sa panginoon dahil ibinigay ito sa kanya.


Matatandaan na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumikha ng ingay si Shaila Rebortera patungkol sa relasyon nila ni Rob Gomez, noong ipinahayag ni Rob Gomez sa isang panayam na isa siyang single ay kaagad na isiniwalat ni Shaila Rebortera ang kanilang relasyon at ang pagkakaroon nila ng anak.


Sharon Cuneta, Hindi Isinama Si Kiko Pangilinan Sa Picture, May Nais Balikan?

Walang komento


 Marami sa mga fans ngayon ng Mega Star na si Sharon Cuneta ang nababahala sa estado ng pagsasama nila ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan matapos ang 27 years dahil sa mga tila pahiwatig ng Mega Star na may pinagdadaanan silang dalawa.


Nauna nang pinag-uusapan noon ang sunod-sunod na pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga cryptic posts patungkol sa second chances at betrayal na siyang pinag-ugatan ng isyung may pinagdadaanan silang mag-asawa.


Pinag-uusapan naman ngayon ang isang Facebook post ni Sharon Cuneta bilang Christmas greetings niya, kapansin-pansin kasi na tila sinadyang putulin ang larawan at hindi na isinama ang ulo ni Kiko Pangilinan.


Maging sa caption ni Sharon Cuneta ay hindi man lamang niya binanggit ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan, tanging ang kanyang mga anak lamang.


Makalipas ang 27 years ng pagsasama bilang mag-asawa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan tila dumadaan naman sila ngayon sa isang matinding pagsubok. Labis na ikinagulat at ikinabahala ng mga tagahanga ni Sharon Cuneta ng magbahagi ang aktres ng isang family picture nitong December 25 kung saan makikitang pinutol ang ulo ni Kiko Pangilinan sa larawan.


May mga netizens pa na nagsasabi na kinilabutan sila sa ibinahaging larawan ni Sharon Cuneta dahil tanging katawan lamang ni Kiko ang makikita at hindi nakasama ang ulo nito.


Kasunod nito, nagbahagi naman si Sharon Cuneta ng isang makahulugang mensahe sa kanyang sister in-law na si Vicky Pangilinan, ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng mga kapatid ni Kiko Pangilinan.


Ayon sa mensahe ni Sharon Cuneta, kahit na anong mangyari sa hinaharap maigiging sisters at bestfriends pa rin silang dalawa. Pinasalamatan rin ito ni Sharon Cuneta sa kabaitan nito sa kanya.


Marami ang nakapansin na tila nagpapaalam itong si Sharon Cuneta kay Cicky Pangilinan at tila nagbibigay n gpahiwatig na may mangyayari sa hinaharap na maaring maging dahilan ng pagkaira sa kanilang pagkakaibigan.


Ayon sa ilang mga netizens, lumalakas ngayon ang mga hinala na may matinding pinagdadaanan ang marriage life nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Tanging hiling na lamang ng mga fans ni Sharon Cuneta na sana ay hindi na ito hahabol pa sa ilang mga celebrity couples na naghihiwalay ngayong taon.


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na ang pinagdadaanan ni Sharon Cuneta ngayon ay may kaugnayan sa naging panayam nito kay Boy Abunda noon kung saan inamin ng aktres na pinanghihinayangan niya ang pahihiwalay nila noon ng kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion.


Ayon kay Sharon Cuneta, nanghihinayang siya sa naging broken marriage nila noon ni Gabby Concepcion dahil nakaapekto ito ng labis sa anak nilang si KC Concepcion.


Bukod pa rito, binalikan rin ng ilang mga netizens ang naging pahayag ni Sharon Cuneta noon na sana ay nanatili na lamang siyang single, matapos ang failed relationship nila ni Gabby Concepcion.


Marami ang naghinala na nasaktan ang damdamin ni Kiko Pangilinan ang mga ipinahayag ni Sharon Cuneta dahil lumalabas na nagsisisi ito sa pagpapakasal sa kanya.


Sa ngayon ay burado na sa Facebook at iba pang social media accounts ni Sharon Cuneta ang ibinahagi niyang larawan kung saan pinutol niya ang ulo ni Kiko Pangilinan sa larawan. Pinalitan niya ito ng larawan nilang magkapamilya na buo na at walang cut.



Richard Gutierrez Nagbahagi ng Proof Of Life Sa Gitna ng Hiwalayan Nila ni Sarah Lahbati

Walang komento

Lunes, Disyembre 25, 2023


 Sa gitna ng napapabalitang paghihiwalay ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, nagbahagi ng tila isang 'proof of life' ang aktor kasama ang kanyang mga anak sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutirrez.


Sa ibinahaging mga larawan ni Richard Gutierrez sa kanyang Instagram account makikita ang pakikipagbonding at pakikipag-usap ni Richard sa kanyang ama na si Eddie Gutierrez kasama ang dalawang anak nila ni Sarah Lahbati.


May ibinahagi rin siyang isang selfie photo kung saan ipinakita niya ang lambingan nila ng kanyang anak.


Kaagad naman rito na nagkomento ang ilang mga kaibigang celebrities ni Richard Gutierrez. Maging ang kanyang mga kapatid ay napakomento rin dito.


Samantala, kaagad din namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing Instagram post ni Richard Gutierrez.


Nalulungkot ang ilang mga fans nila ni Sarah Lahbati dahil hindi sila nagkasama sa pasko. May mga nanghinayang din sa pag-iibigan nilang dalawa.


May mga nagpayo pa sa aktor na dapat nitong suyuin ang kanyang asawa at buuhin mula ang kanilang pamilya para sa kanilang dalawang anak. May mga nagpayo rin dito na huwag masyadong maging dependent sa ina nitong si Annabelle Rama dahil malaki na umano siya para diktahan ng magulang.


"Fight for love, your wife is beautiful and there's nothing else like Sarah...sana magkabalikan na Kayo maganda pag complete family para rin naman sa mga anak nyo.."


"You don't marry a girl without love.. your sons been grown up before you marry her.. so you have reasons why you marry her.. yes you should listen to your parents but it is hard to have a baby on your belly .. leave marks to it.. marry afterwards."


"Then just a snap you'll say. Your mother is right.. you're a man.. build your own house and reconcile with your wife. Its better to live on your own than to depend."


"It will have an effect to the children. It will not be today but later on. I love you guys and its so heartbreaking that you'll be separated coz you listen to your mom."


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na tila malabo na umano na mabuo pang muli nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang pamilya dahil sa mga nauna nang naisiwalat na umano'y naghahanda na noon si Richard Gutierrez ng demanda laban kay Sarah Lahbati mabuti na lamang at napigilan ito ng kanyang ina na si Annabelle Rama at kapatid na si Ruffa Gutierrez.


Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung bakit idedemanda ni Richard Gutierrez si Sarah Lahbati at kung bakit bigla na lamang nilang tinapos ang kanilang pagsasama matapos ang ilang taon mula nang magpakasal sila noong 2020.


MJ Lastimosa Ibinuking Si Kim Chiu! May Alam Ba Siya Sa Breakup Nila Ni Xian

Walang komento


 Ikinagulat ng mga tagahanga ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim ang kumpirmasyon ng dalawa patungkol sa mga kumakalat na balita patungkol sa kanilang hiwalayan.


Hindi inakala ng mga tagahanga nina Kim Chiu at Xian Lim na magwawakas ng ganun na lamang ang kanilang 12 years relationship. Hindi rin ito inasahan ng marami dahil panay lamang ang pananahimik ng dalawa sa isyu at noong press conference ng teleseryeng Linlang ay sinabi pa ni Kim Chiu na maayos naman sila ni Xian Lim.


Kaya naman hindi napigilan ng ilang netizen na maapektuhan lalo na ang mga sumusubaybay sa kanilang pagmamahalan dahil inakala nila na sa simbahan na hahantong ang dalawa.


Hindi rin nila inakala na may problema pala ang dalawa dahil sa pananahimik ng mga ito sa kani-kanilang social media accounts. Ang tanging pahiwatig lamang na may pinagdadaanan ang dalawa ay ang pagiging missing in action ni Xian Lim, sa mga event na dapat ay magkasama silang dalawa.


Naging mainit na usapin rin ang pagbubura ni Xian Lim sa mga vlog na pinagsamahan nila ni Kim Chiu.


Samantala, kahit pa kinumpirma na nila ang kanilang paghihiwalay, hindi naman nila isiniwalat ang pinag-ugatan o ang dahilan kung bakit napagdesisyunan nila na wakasan na lamang ang kanilang pag-iibigan.


Tanging appreciation at pasasalamat lamang nila sa isa't-isa ang kanilang ipinahayag. Dahil dito marami ang naku-curious kung ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.


Sa gitna ng mga kaguluhang ito, napansin ng ilang mga marites ang komento ng beauty queen na si MJ Lastimosa sa break up post ni Kim Chiu kung saan ipinahayag niya na nagka-usap sila noon ni Kim Chiu sa isang sauna habang hinihintay ng aktres na matapos ang gym session ni Xian Lim.


Hiniling din ni MJ Lastimosa na sana ay kaagad na maghilum ang mga sugat sa puso ni Kim Chiu.


Kaagad naman itong sinagot ng ilang mga fans ni Kim Chiu at tinanong si MJ kung ano ang napag-usapan nila ni Kim Chiu sa sauna. May mga nagtanong pa kung may alam ba ang beauty queen sa maaring dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu.



Andrew Schimmer, Ipinakilala Ang Bagong Pag-Ibig Isang Taon Matapos Ang Pagkawala ni Jho Rovero

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga nakasubaybay sa naging buhay at pag-aalaga noon ng aktor na si Andrew Schimmer sa kanyang yumaong asawa na si Jho Rovero ang ipinahayag nito kamakailan kung saan nakatagpo na kaagad ito ng panibagong mamahaling isang taon matapos ang pagpanaw ni Jho.


Kumakalat ngayon sa social media ang pahayag ni Andrew Schimmer para sa kanyang nobya na 'I want to spend the rest of my life with you'.


Isang taon matapos ang pagpanaw ng partner noon ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero ay nakahanap na ng kapalit nito si Andrew Schimmer na siyang nagpapatibok ng kanyang puso.


Matatandaan na marami ang naantig ang puso at humanga noon kay Andrew Schimmer dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang asawa na si Jho Rovero na nakaratay sa higaan sa loob ng mahigit isang taon. Naging inspiration din ang aktor ng marami dahil sa kanyang dedikasyon at pagmamahal kay Jho Rovero.


Naratay sa hospital si Jho Rovero dahil sa isang malubhang sakit, dinapuan rin ito ng maraming complications na naging dahilan sa tuluyan nitong pagkawala noong December 20, 2023.


Samantala, ikinagulat naman ng maraming netizens, na ilang araw lamang matapos ang first death anniversary ni Jho Rovero ay tuluyang ipinakilala na ni Andrew Schimmer ang babaeng muling nagpapatibok ng kanyang puso.


Ayon kay Andrew, ang babaeng ito ang nagligtas sa kanya mula sa pagkalugmok sa labis na kalungkutan at naging instrumento upang muling mahalin niya ang mundo.


Nitong December 22, 2023, nagsagawa ng girlfriend reveal si Andrew Schimmer sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanyang post, ang kanyang girlfriend ngayon ang siyang bumuo muli sa kanyang buhay. Inalis umano nito ang lahat ng sakit na idinulot nang pumanaw si Jho Rovero.


Ayon pa kay Andrew Schimmer na sirang-sira siya at tila nasa madilim na mundo bago siya matagpuan ng babaeng minamahal na niya ngayon. Ito rin umano ang nagbigay sa kanya muli ng HOPE para gustuhing mabuhay pa.


Kaya naman nais niyang makasama ang babaeng ito for the rest of his life.


Samantala, kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagpapakilala ni Andrew Schimmer sa kanyang panibagong girlfriend matapos ang isang taon nang mawala si Jho Rovero.


May mga kumukwestyon sa naging pag-ibig ni Andrew Schimmer kay Jho Rovero dahil pinalitan niya umano ito kaagad nang hindi pa man ito nag-isang taon matapos pumanaw.


Gayunpaman may mga sumporta rin naman sa kanya at sinabing kung nakikita ni Jho Rovero ngayon ang lahat tiyak ay matutuwa ito dahil may magmamahal at mag-aalaga na kay Andrew Schimmer at sa kanilang mga anak. Ipinunto pa ng ilan na hindi naman mapipigilan ang puso kapag ito'y tumibok nang muli sa ibang tao.


Hiling na lamang ng mga netizens na sana ay huwag namang tuluyan na kalimutan ni Andrew Schimmer ang namayapa niyang asawa na si Jho Rovero.


"You really love your wife that much kasi yong 2nd wife is kamukha lng ng 1st wife..for sure happy ang late wife mo to see you happy and restored."


Sharon Cuneta Emosyunal Sa Unang Pasko Na Hindi Kasama Si KC

Walang komento


 Aminado ang aktres na si Sharon Cuneta dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya kasama sa araw ng pasko ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sharon Cuneta ang isang empty seat na dapat ay pwesto ni KC Concepcion. Sa caption niya sa kanyang post, ipinahayag niya kung gaano niya ka-miss si KC Concepcion gayunpaman nais umano niyang mag-enjoy ito sa piling ng kanyang ama na si Gabby Concepcion.


Marami naman sa mga fans ni Sharon Cuneta ang nakakarelate sa sentiment nito ngayong pasko na hindi niya nakasama ang kanyang anak. May nagkomento pa sa post ni Sharon Cuneta na napaiyak umano siya ng ipakita ni Sharon ang empty seat ni KC Concepcion at ang highlights ng kanilang celebration.


Ayon sa netizen, alam umano niyang namimiss rin ito ni KC Concepcion lalo na't ito ang unang pasko na hindi sila nagkasama.


Samantala, may mga pumuri naman kay Sharon Cuneta dahil sa kanyang pagtrato sa kanilang mga kasambahay na kung ituring ng aktres ay parang kapamilya na rin.


Sa kabilang banda, natutuwa naman ang mga fans ni Gabby Concepcion dahil nagkakasama ang mag-awa sa pagdiriwang ng pasko.


Samantala narito naman ang ilang mga komento ng mga fans ni Sharon Cuneta naiintindihan ang kanyang nararamdaman nitong pasko na hindi niya nakasama ang kanyang anak.


"Ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina walang katumbas! Napakasakit yung kulang nalang ilagay mo sa pedestal. Pero darating ang panahon na gusto na niyang makawala sa iyo😭! Naiyak ako habang pinapanood ko ito"


"she's thinking of you as well po, Merry Christmas to both of you po!"


"A wonderful wordless conversation between a child longing for her mother and a mother assuring her child. This one really pulls at my heartstrings"


"This Christmas I just wish who ever is on your same situation and you will be better because I think everyone that have a good heart like you deserves to be truely happy."



Gabby Concepcion Sinagot Ang Mga Cryptic Post Ni Sharon Cuneta!

Walang komento


 Kamakailan lamang ay naging consistent ang Mega Star na si Sharon Cuneta sa mga sagot niya sa interview kung saan ipinapahayag niya na nalulungkot siya dahil nadadamay na ang kanyang mga anak sa mga isyu na hindi na niya makontrol.

Naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga cryptic na naging dahilan para mag-alala na ang kanyang mga fans at hiniling na sana ay pagtuunan naman niya ang kanyang mental health.

Sa gitna ng pagpapalabas ni Sharon Cuneta ng mga cryptic post marami ang napapatanong kung sino ang pinapatungkulan niya at kung para kanino ang mga post na ito.

Kabilang sa mga inilabas na cryptic post ni Sharon Cuneta ay patungkol sa second chances. May mga tao umanong hindi na nararapat na bigyan ng second chances dahil hindi naman nito deserve dahil mabibigyan lamang umano ang mga ito ng pagkakataon para traydorin parin siya sa huli.

Naging sunod-sunod pa ang mga post nito patungkol sa mga broken relationship at betrayal.

Kasunod nito ibinahagi naman ni Sharon Cuneta ang mga pictures na kuha mula sa kanilang Christmas party kung saan naroon naman ang kanyang pamilya, spotted rin doon si Kiko Pangilinan na unang pinaghinalaan ng mga netizens na siyang pinapatungkulan ni Sharon Cuneta sa kanyang mga cryptic post.

May mga naghinala na baka ang dating asawa ni Sharon Cuneta na si Gabby Comcepcion ang totoong pinaparinggan nito dahil tila sumagot din ito ng series of cryptic posts patungkol naman sa mga past relationships.

Kabilang din sa post ni Gabby Concepcion ang pahayag na, kaya na ng kanilang anak ang sarili kaya naman dahil sarili na lamang nito ang isipin.

Kaagad naman itong napansin ng ilang mga netizens marami ang nagsasabi na tila nagparinigan sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kani-kanilang Instagram stories.

Ayon pa sa mga fans ng aktor na tila hindi na nakapagtimpi si Gabby sa pambabanat ng pasimple sa kanya ni Sharon Cuneta.

Kim Chiu Hinangaan Matapos Ang Ginawa Nito Kay Xian Lim Kahit Hiwalay Na Sila!

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang humahanga ngayon sa aktres na si Kim Chiu dahil sa ginawa nito sa gitna ng paghihiwalay nila ng kanyang long time boyfriend na si Xian Lim.


Sa wakas ay inilabas na rin nina Xian Lim at Kim Chiu ang kani-kanilang mga pahayag patungkol sa paghihiwalay nilang dalawa upang matigil na ang mga isyu sa pagitan nilang dalawa.


Matapos nilang ilabas ang pahayag ng kumpirmasyon sa kanilang hiwalayan, marami ang humanga sa angking katatagan ni Kim Chiu dahil nakakayanan umano nitong tumayo sa harap ng mga tao at magbigay ng saya sa mga madlang pipol sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman.


Marami ang sumaludo kay Kim Chiu dahil nakakaya pa rin nitong ngumiti, magbiro at magtrabaho ng maayos.


Sa pagkumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim, nakumpirma na rin ang matagal nang usapin na hiwalay na ang dalawa. Bukod pa rito, nasagot na rin ang ilang mga katanungan ng mga netizens kung bakit palaging tila namumugto ang mga mata ni Kim Chiu sa pagpasok niya sa show.


Noon pa man ay napansin na rin ng mga netizens ang ilang beses na parinig ni Vice Ganda na nakabibigay ng pahiwatig na matagal nang nagtapos ang relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


May ilan pang punto ng show na bigla na lamang nagiging emosyunal si Kim Chiu na kaagad namang dinadamayan ng kanilang mga co-host sa It's Showtime.


Sa kabila ng pagkumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang paghihiwalay, hindi naman nila ipinahayag sa kanilang mga statements kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang paghihiwalay matapos ang mahigit dekada nilang pagmamahalan.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens patungkol sa tuluyang paglaya ni Kim Chiu sa relasyon nila ni Xian Lim.


"LOVE YOU KIMMY ANG HUSAY HUSAY MONG GUMANAP SA ": IT'S SHOWTIME"" THE SHOW MUST GO ON HAPPY AND VERY PROFESSIONAL": GOOD PERFORMANCE PA DIN SA HOSTING ": SALUDO KAMI SA IYO ": QUEEN KIM CHIU""AT SUPER PRETTY AND SMILING FACE ALWAYS"" FIGHTING KIM WE PRAY FOR YOU, LOVING YOU""ANG BAIT BAIT MONG TAO MAY BUSILAK NA PUSO"



"Talagang Sobrang bait ni Kim! Sa süsünod na iibig ka ulit wag namang buong pagkatao mo ang ibinigay mo sa kanya! Sayang Ang 12 years na inilaan mo Kay Xian!"


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo