Gabby Concepcion Sinagot Ang Mga Cryptic Post Ni Sharon Cuneta!

Lunes, Disyembre 25, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay naging consistent ang Mega Star na si Sharon Cuneta sa mga sagot niya sa interview kung saan ipinapahayag niya na nalulungkot siya dahil nadadamay na ang kanyang mga anak sa mga isyu na hindi na niya makontrol.

Naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga cryptic na naging dahilan para mag-alala na ang kanyang mga fans at hiniling na sana ay pagtuunan naman niya ang kanyang mental health.

Sa gitna ng pagpapalabas ni Sharon Cuneta ng mga cryptic post marami ang napapatanong kung sino ang pinapatungkulan niya at kung para kanino ang mga post na ito.

Kabilang sa mga inilabas na cryptic post ni Sharon Cuneta ay patungkol sa second chances. May mga tao umanong hindi na nararapat na bigyan ng second chances dahil hindi naman nito deserve dahil mabibigyan lamang umano ang mga ito ng pagkakataon para traydorin parin siya sa huli.

Naging sunod-sunod pa ang mga post nito patungkol sa mga broken relationship at betrayal.

Kasunod nito ibinahagi naman ni Sharon Cuneta ang mga pictures na kuha mula sa kanilang Christmas party kung saan naroon naman ang kanyang pamilya, spotted rin doon si Kiko Pangilinan na unang pinaghinalaan ng mga netizens na siyang pinapatungkulan ni Sharon Cuneta sa kanyang mga cryptic post.

May mga naghinala na baka ang dating asawa ni Sharon Cuneta na si Gabby Comcepcion ang totoong pinaparinggan nito dahil tila sumagot din ito ng series of cryptic posts patungkol naman sa mga past relationships.

Kabilang din sa post ni Gabby Concepcion ang pahayag na, kaya na ng kanilang anak ang sarili kaya naman dahil sarili na lamang nito ang isipin.

Kaagad naman itong napansin ng ilang mga netizens marami ang nagsasabi na tila nagparinigan sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kani-kanilang Instagram stories.

Ayon pa sa mga fans ng aktor na tila hindi na nakapagtimpi si Gabby sa pambabanat ng pasimple sa kanya ni Sharon Cuneta.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo