Gab Gibbs May Bwelta Sa Mga Feeling Pamilya Nila! Sino Ang Pinaparinggan Ng Anak Ni Janno Gibbs?

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Dalawang linggo na rin ang nakakalipas ng tuluyang namaalam ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez. Nakikidalamhati naman sa pamilya nito ang mga naging kasamahan ng aktor at ilang mga malalapit na kaibigan nito sa loob at labas ng showbiz industry.


Ilang araw matapos ang pagpanaw ng batikang aktor, nagbibigay na rin ng mga pahayag ang mga mahal nito sa buhay at pamilya. Isa na rito ang apo ni Ronaldo Valdez na si Gabrilla Gibbs, anak ni Janno Gibbs.


Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Gab na maraming mga tao ang nakkikisawsaw at nagbibigay ng iba't-ibang conclusion patungkol sa pagpanaw ng kanyang lolo. May ilan pa umano na umaastang kapamilya nila kahit wala namang kinalaman sa kanila.


Kailanman ay hindi pa umano niya naranasan ang ganitong sakit at sadness sa kanyang buhay dala ng pagpanaw ng kanyang lolo.


"People will never understand how incredibly difficult it is to grieve and to heal while the rest of the world wants to intervene and to forcefully be involved and pretend to be part of our family when they’re not."


"We lost one of my most favorite people on the planet the cool, sweet, funny, talented,and kulit lolo. I will miss you asking me to fix something on your phone every time I see you, all the memes you share and the overly exaggerated story telling sessions you would have with us."


Hindi na rin umano magiging katulad ang kanilang pasko dahil wala ito at hindi na nila maririnig ang pagkanta nito sa paboritong karaoke songs.


Ipinahayag din ni Gab na kailanman ay hindi niya malilimutan ang kanyang lolo.


Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pakikisimpatya sa pamilya ni Ronaldo Valdez na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyan na nakakapag-move on sa biglaang pagpanaw nito.


Sa kabilang banda may mga nagtatanong naman kung sino kaya ang tinutukoy ni Gab na nakikisawsaw at nagpi-feeling pamilaya nila.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo