Kiko Pangilinan Nagsalita Na Kung Bakit Wala Si Sharon Cuneta Sa Kanilang Reunion

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta na nagpapahiwatig na mayroon silang pinagdadaanan ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.


Marami ang naghinala na may pinagdadaanan ngayon ang dalawa, may mga nagsasabi pa na malapit na rin na maghiwalay ang mga ito matapos ang 27 years nilang pagsasama bilang mag-asawa.


Gayunpaman, nakakita naman ng kaunting pag-asa ang mga fans ng Mega Star ng mapansin na nakasuot pa rin sa kanyang daliri ang wedding ring nila ni Kiko Pangilinan.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng larawan si Kiko Pangilinan mula sa kanilang family reunion na kinaugalian na ng kanilang pamilya sa loob ng apat na dekada.


Sa caption, ibinahagi ni Kiko Pangilinan ang kwento sa likod ng kanilang tradisyon na nais nilang ipagpatuloy sa mga susunod pang henerasyon sa kanilang pamilya.


Samantala, marami naman ang nakapansin na hindi nakasama si Sharon Cuneta sa annual family reunion ng Pamilya Pangilinan, kaya naman kaagad na napapatanong ang kanilang mga fans lalo na't naging usap-usapan na ang patungkol sa paghihiwalay ng dalawa.


Kaagad naman sinagot ni Kiko Pangilinan ang katanungan ng mga netizens at sinabing kaya lang naman hindi nakasama sa kanila si Sharon Cuneta dahil maghapon ang mall tour nito kasama si Alden Richards para sa pinagsamahan nilang pelikula na Family of Two.


Sa gitna ng usapin ng paghihiwalay at mga cryptic post, may mga naghinala naman na sinasadya lamang ito ni Sharon Cuneta para mapag-usapan siya at madamay na rin ang pelikulang pinagbidahan.


May mga nagsasabi pa na hindi na umano ito bago kay Sharon Cuneta na mag-eemote pero wala namang katotohanan ang lahat, marami rin ang nagsasabi na wala namang basehan ang isyu ng paghihiwalay nilang dalawa dahil matagal na silang nagkasama at nagkaroon na rin ng maraming anak.


Narito naman ang komento ng mga netizens hinggil sa pagbabahagi ni Kiko Pangilinan ng annual reunion niilang magkakapamilya.


"super admire ko ang Barangay Pangilinan Senator Kiko. Sobra po simple ng family nyo Kahit na lahat kayo ay professionals. Ramdam ang true meaning ng family. Merry Christmas po ulit Senator."


"Sen Kiko, your Pangilinan family is truly admirable. Everyone is an achiever in his/her own right. You value family more than anything else. But you don’t really have to put up with the drama around you, you deserve peace and respect. LET HER CLEAN UP HER OWN MESS, you don’t have to shield her everytime"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo