Rob Gomez, Shaila Rebortera Nagkaayos Na Herlene Itsapwera

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Mukhang nagkaayos na ang aktor na si Rob Gomez at ang partner nito na si Shaila Rebortera, ilang araw matapos ang pagbubunyag ng huli sa mga private conversation sa pagitan ng aktor at sa kanyang mga co-stars sa teleseryeng Magandang Dilag na sina Herlene Budol at Bianca Manalo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ginulat ng mga screenshot ng mga private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez ang mga netizens dahil sa mismong Instagram account pa ito ng aktor nagmula.


Bukod sa private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez, may screenshot din ng mga mensahe ni Bianca Manalo kay Rob Gomez na nagsasabing nais niya itong makita ng maaga.


Naglabas na rin naman ng mga pahayag sina Bianca Manalo at Herlene Budol hinggil sa pagkakadawit ng kanilang mga pangalan. Naunang naglabas ng official statement si Bianca Manalo kung saan pinabulaanan niya ang mga haka-haka na may tinatago silang secret relationship ni Rob Gomez.


Ipinaliwanag niya na magdadala lamang ng mga gifts itong si Rob Gomez kaya magkikita sila, nais niya umanong agahan ang pagkikita nila dahil aalis na siya papuntang airport.


Ipinahayag din niya ang kanyang disappointment sa taong nagpakalat sa kanyang mga mensahe kay Rob Gomez na siyang dahilan ng pagkakabatikos sa kanya. Hiling na lamang ni Bianca na sana ay matigil na ang isyu sa pagitan nilang dalawa ni Rob dahil naapektuhan na umano nito ang kanyang pamilya.


Sa kabilang banda, naglabas na rin ng pahayag si Herlene Budol hinggil sa nasabing isyu, pinabulaanan rin niyang may relasyon sila ni Rob Gomez. Ayon kay Herlene, nagbatuhan lamang sila ng mga script ni Rob Gomez upang makabisa nila ito ng mabuti. Nilagyan lamang umano ng ibang kulay ng mga tao ang kanilang one liner na tulad ng 'kain' at 'gutom'.


Sa isang bahagi ng naging pahayag ni Herlene, sinabi niyang sumasakay lamang siya sa pagbibiru ni Rob Gomez dahil isa siyang komedyante. Sinabi rin niya na hindi siya papatol sa lalaking may sabit na dahil pinalaki siya ng maayos ng kanyang lolo at lola. Hindi rin umano niya magagawang manira ng pamilya dahil nagmula rin siya sa isang broken family.


Marami naman sa mga netizens ang naguluhan sa naging pahayag ni Herlene Budol dahil marami umano itong pasikot-sikot. Hindi rin sila naniniwala na nagbabatuhan lamang ng script ang dalawa dahil sa rami ng lugar ay bakit sa chats pa.


Samantala, nito lamang ay ibinahagi naman sa social media account ni Rob Gomez ang mga larawan na kuha mula sa binyag ng kanilang anak ni Shaila Rebortera.


Kapansin-pansin rin sa mga larawan na tila maayos naman ang relasyon nilang dalawa. Magkatabi at nakakangiti pa sa kamera na tila walang bahid ng pinagdaanan.


Sa caption ipinahayag ni Rob Gomez, kung gaano niya kamahal ang kanyang anak at nagpapasalamat siya sa panginoon dahil ibinigay ito sa kanya.


Matatandaan na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumikha ng ingay si Shaila Rebortera patungkol sa relasyon nila ni Rob Gomez, noong ipinahayag ni Rob Gomez sa isang panayam na isa siyang single ay kaagad na isiniwalat ni Shaila Rebortera ang kanilang relasyon at ang pagkakaroon nila ng anak.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo