Andrew Schimmer, Ipinakilala Ang Bagong Pag-Ibig Isang Taon Matapos Ang Pagkawala ni Jho Rovero

Lunes, Disyembre 25, 2023

/ by Lovely


 Ikinagulat ng maraming mga nakasubaybay sa naging buhay at pag-aalaga noon ng aktor na si Andrew Schimmer sa kanyang yumaong asawa na si Jho Rovero ang ipinahayag nito kamakailan kung saan nakatagpo na kaagad ito ng panibagong mamahaling isang taon matapos ang pagpanaw ni Jho.


Kumakalat ngayon sa social media ang pahayag ni Andrew Schimmer para sa kanyang nobya na 'I want to spend the rest of my life with you'.


Isang taon matapos ang pagpanaw ng partner noon ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero ay nakahanap na ng kapalit nito si Andrew Schimmer na siyang nagpapatibok ng kanyang puso.


Matatandaan na marami ang naantig ang puso at humanga noon kay Andrew Schimmer dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang asawa na si Jho Rovero na nakaratay sa higaan sa loob ng mahigit isang taon. Naging inspiration din ang aktor ng marami dahil sa kanyang dedikasyon at pagmamahal kay Jho Rovero.


Naratay sa hospital si Jho Rovero dahil sa isang malubhang sakit, dinapuan rin ito ng maraming complications na naging dahilan sa tuluyan nitong pagkawala noong December 20, 2023.


Samantala, ikinagulat naman ng maraming netizens, na ilang araw lamang matapos ang first death anniversary ni Jho Rovero ay tuluyang ipinakilala na ni Andrew Schimmer ang babaeng muling nagpapatibok ng kanyang puso.


Ayon kay Andrew, ang babaeng ito ang nagligtas sa kanya mula sa pagkalugmok sa labis na kalungkutan at naging instrumento upang muling mahalin niya ang mundo.


Nitong December 22, 2023, nagsagawa ng girlfriend reveal si Andrew Schimmer sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanyang post, ang kanyang girlfriend ngayon ang siyang bumuo muli sa kanyang buhay. Inalis umano nito ang lahat ng sakit na idinulot nang pumanaw si Jho Rovero.


Ayon pa kay Andrew Schimmer na sirang-sira siya at tila nasa madilim na mundo bago siya matagpuan ng babaeng minamahal na niya ngayon. Ito rin umano ang nagbigay sa kanya muli ng HOPE para gustuhing mabuhay pa.


Kaya naman nais niyang makasama ang babaeng ito for the rest of his life.


Samantala, kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagpapakilala ni Andrew Schimmer sa kanyang panibagong girlfriend matapos ang isang taon nang mawala si Jho Rovero.


May mga kumukwestyon sa naging pag-ibig ni Andrew Schimmer kay Jho Rovero dahil pinalitan niya umano ito kaagad nang hindi pa man ito nag-isang taon matapos pumanaw.


Gayunpaman may mga sumporta rin naman sa kanya at sinabing kung nakikita ni Jho Rovero ngayon ang lahat tiyak ay matutuwa ito dahil may magmamahal at mag-aalaga na kay Andrew Schimmer at sa kanilang mga anak. Ipinunto pa ng ilan na hindi naman mapipigilan ang puso kapag ito'y tumibok nang muli sa ibang tao.


Hiling na lamang ng mga netizens na sana ay huwag namang tuluyan na kalimutan ni Andrew Schimmer ang namayapa niyang asawa na si Jho Rovero.


"You really love your wife that much kasi yong 2nd wife is kamukha lng ng 1st wife..for sure happy ang late wife mo to see you happy and restored."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo