Kim Chiu Hinangaan Matapos Ang Ginawa Nito Kay Xian Lim Kahit Hiwalay Na Sila!

Lunes, Disyembre 25, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang humahanga ngayon sa aktres na si Kim Chiu dahil sa ginawa nito sa gitna ng paghihiwalay nila ng kanyang long time boyfriend na si Xian Lim.


Sa wakas ay inilabas na rin nina Xian Lim at Kim Chiu ang kani-kanilang mga pahayag patungkol sa paghihiwalay nilang dalawa upang matigil na ang mga isyu sa pagitan nilang dalawa.


Matapos nilang ilabas ang pahayag ng kumpirmasyon sa kanilang hiwalayan, marami ang humanga sa angking katatagan ni Kim Chiu dahil nakakayanan umano nitong tumayo sa harap ng mga tao at magbigay ng saya sa mga madlang pipol sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman.


Marami ang sumaludo kay Kim Chiu dahil nakakaya pa rin nitong ngumiti, magbiro at magtrabaho ng maayos.


Sa pagkumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim, nakumpirma na rin ang matagal nang usapin na hiwalay na ang dalawa. Bukod pa rito, nasagot na rin ang ilang mga katanungan ng mga netizens kung bakit palaging tila namumugto ang mga mata ni Kim Chiu sa pagpasok niya sa show.


Noon pa man ay napansin na rin ng mga netizens ang ilang beses na parinig ni Vice Ganda na nakabibigay ng pahiwatig na matagal nang nagtapos ang relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


May ilan pang punto ng show na bigla na lamang nagiging emosyunal si Kim Chiu na kaagad namang dinadamayan ng kanilang mga co-host sa It's Showtime.


Sa kabila ng pagkumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang paghihiwalay, hindi naman nila ipinahayag sa kanilang mga statements kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang paghihiwalay matapos ang mahigit dekada nilang pagmamahalan.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens patungkol sa tuluyang paglaya ni Kim Chiu sa relasyon nila ni Xian Lim.


"LOVE YOU KIMMY ANG HUSAY HUSAY MONG GUMANAP SA ": IT'S SHOWTIME"" THE SHOW MUST GO ON HAPPY AND VERY PROFESSIONAL": GOOD PERFORMANCE PA DIN SA HOSTING ": SALUDO KAMI SA IYO ": QUEEN KIM CHIU""AT SUPER PRETTY AND SMILING FACE ALWAYS"" FIGHTING KIM WE PRAY FOR YOU, LOVING YOU""ANG BAIT BAIT MONG TAO MAY BUSILAK NA PUSO"



"Talagang Sobrang bait ni Kim! Sa süsünod na iibig ka ulit wag namang buong pagkatao mo ang ibinigay mo sa kanya! Sayang Ang 12 years na inilaan mo Kay Xian!"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo