Gabby Basiano Kumpirmadong Dinaya at Biktima Ng Cooking Show Sa Miss Intercontinental 2022

Walang komento

Linggo, Oktubre 16, 2022

Nagulat ang mga Pinoy pageant fans kung ano ang mali at saan nagkulang si Gabby Basiano. Hindi ito nakapasok sa Top 5. 

Hindi niya napanalunan ang korona ng Miss Intercontinental 2022.

Sinabi ni Miss Czech Republic creative director Sam Dolce na ang katatapos na Miss Intercontinental coronation ay isang cooking show. 

Hindi lang siya ang nakapansin nito kundi pati na rin ang Presidente ng Miss Grand International na si Nawat. 

Masasabi nating plakado ang naging atake ni Gabby sa competition mula nang dumating ito sa Egypt. Pinatunayan niya sa organisasyon ng Miss Intercontinental na karapat-dapat siyang manalo ng back-to-back victories para sa Pilipinas. 

Pero ayon sa beauty pageant expert na si Adam Genato, kung titingnan mo ito sa business standpoint, maaaring hindi na muling manalo ang Philippines sa Miss Intercontinental, dahil sunod-sunod na ang ating pagkapanalo sa nakalipas na 4 na taon. 

Aminin man natin o hindi, negosyo pa rin ang kompetisyong tulad nito.

Malabo rin ang criteria of judging, dahil kung sa linis ng performance lang ang pagbabasehan ay malabong matalo ni Miss Vietnam si Gabby.

Mas katanggap-tanggap kung nasa Top 5 si Miss Thailand kaysa sa Vietnam. Nagkaroon din ng sorpresa sa kalagitnaan ng gabi, dahil sinabi ng host na papasok ang Top 6 sa final round. Pero binawasan nila ito ng isa at biglang naging Top 5.

Hinala raw ng iba, baka raw si Gabby ang kasali sa Top 6. Natatakot silang ipasok ito sa Q&A dahil alam nilang napakagaling nitong sumagot. Hindi rin malabong manalo ito at magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas.

Sa tingin mo, niluto nga kaya ng Miss Intercontinental ang laban ni Gabby upang makaiwas sila sa back-to-back win? Put your comments below!

Kris Aquino Inayawan at Sinukuan Na Naman Ng Mga Doktor Sa Amerika!

Walang komento


Mainit pa rin na usapin sa social media ang tungkol kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino. Matatandaang lumipad pa Houston ang aktres upang doon ipagamot ang kanyang mga auto-immune diseases.

Subalit, may mga usap-usapan ngayon na kumakalat online na umano'y iniwwan si Kris ng kanyang Fil-Am doctor doon sa Houston. Hindi umano nagagawa ng mga doktor ang mga procedures para sa sakit ng aktres dahil tila nagdududa si Kris sa gagawin sa kanya ng mga doktor.

Dahil sa pagsuko ng doktor ni Kris sa Houston ay naghanap ang aktres ng kapalit. Agad umanong lumipat si Kris sa LA upang doon ipagpatuloy ang pagpapagamot. Samantala, ayon sa ilang mga netizens na kung totoo man na nakakalipat agad si Kris ng hospital ay tila nangangahulugan lamang na hindi malala ang kalagayan nito ngayon sa kondisyon nito noon.

Labis naman na natutuwa ang mga tagasuporta ng aktres kung sakaling totoo ang balitang bumubuti na ang kalagayan nito. Hiling nila ang patuloy na paggaling nito upang makabalik na sa bansa at sa kanyang dating trabaho sa harap ng kamera.

Di Kinaya! Pauleen Luna Bumuhos Ang Luha Sa Ginawa Ni Vic Sotto at Ice Seguerra!

Walang komento

 

Tila hindi kinaya at naging emosyunal si Pauleen Luna sa ginawang duet ng kanyang asawa at ng anak-anakan nito na si Ice Seguerra.

Nitong Sabado, October 15, naganap ang inaabangang concert ni Ice Seguerra sa Solaire Theater. Ang nasabing concert ay ang ika-35 concert ni Ice mula ng nagsimula siya sa industry. Special guest naman sa nasabing concert ang ilang mga kaibigan ni Ice na masayang nagparticipate.

Naantig naman ang lahat sa duet nila ng kanyang ama-amahan na si Vic Sotto. Maging Pauleen Luna ay hindi na napigil ang emosyon. 

Samantala ibinahagi naman ni Pauleen ang video kung saan makikitang nagduet ang dalawa. Kalakip ang mahabang caption.

"This made me cry 🥲

Growing up, i watched you and Vic be a tandem on screen but what people don’t know is the relationship you have when no one is watching. Sabi mo nga last night, father and son 🤣 As you know, Vic isn’t the most ma PR person in the world (🤪) and that makes you more special cos i see how he values you and treats you like his own. He loves you so much and i am so blessed to witness it.

Yesterday, he asked me “Paano ba kayo naging close ni Ice?” To be honest, di ko alam kung papano sasagutin. All i could say was “I honestly do not remember, basta ang alam ko, suplado yan but i felt that he liked me and na appreciate ko yun kaya vinalue ko yung relationship” Aba, alam mo ba naman ang sabi ng tatay mo? “Baka type ka!” LOKO 🤣🤣🤣

Kidding aside, watching you pour out you heart and soul last night, made me realize what a bigger star you are. On stage and off stage. Kung magmahal ka, kahit tao man yan o craft o ano man, you give your all. Kaya we are so blessed to have you in our lives @iceseguerra ! Congratulations! Iba ka!"


Agad namang umani ng positibong reaction mula sa mga netizens ang videong ibinahagi ni Pauleen. Komento pa ng iba na tila bumalik sila sa nakaraan dahil sa napanood. 

Raquel Pempengco Nakakita Na Ng Kapalit Ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus!

5 komento


 Naging mainit na usapin ngayon ang social media post ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco.

Ayon sa Facebook post ni Raquel, may papalit na umano sa korona ng kanyang anak bilang magaling na biritera. Matatandaang sumikat si Charice Pempengco aka Jake Zyrus sa buong mundo dahil sa kanyang husay sa pag-awit. Nakalaban din na ang iba pang magagaling na singers at musician sa buong mundo. Ginampanan din ni Charice noon ang papel bilang Sunshine Corazon sa season 2 ng musical series na Glee.

Bagama't hindi tumigil sa pagkanta nag-iba ang tembre at genre ni Charice mula noong nagpalit siya ng katauhan at naging si Jake Zyrus. Maaaring ito ay dahil sa kanyang mga ipinababago sa kanyang katawan bilang transgender.

Sa Facebook post ni Raquel sinabi niyang ang nakikita niyang papalit kay Charice ay ang Tawag ng Tanghalan contestant na si Mary Khem Cabagte.

"This is it! May papalit na kay Charice.", caption nito sa kanyang post. Kalakip ang video ng Tawag ng Tanghalan contestant.

Samantala sa kasunod na post ni Raquel, nagbigay siya ng advice sa mga nangangarap na sumikat bilang singer. Ayon sa kanya, palaging magpakumbaba at panatilihin sa lupa ang mga paa gaano man kamahal anfg suot na sapatos.

"ᏒᎬᎪᏞ ᏆᎪᏞᏦ;
Kahit anong galing mo sa lahat kung wala kang " CONNECTION" at "RIGHT DECISION" wala din ang galing mo...Just a pieces of Advice sa lahat na nangangarap at nag uumpisa pa lang.."Always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear" Yan ang sinabi ni OPRAH kay CHARICE nung nag uumpisa pa lang xa.Pag inuna ang yabang? sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan..Just keep it to yourself na kung alm mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko...hinde pa sikat feeling sikat na..Dami kong nakita na ganyan na di nag bloom ang career...Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION..yun lang...Real talk and Advice lang po...Based on my experienced..."

Kinontra naman ito ng mga tagahanga ni Charice at sinabing nag-iisa lamang umano ito at walang makakapalit kailanman. Mananatili rin umano sa kanilang alaala ang pamamayagpag nito noon.



Batikang Aktres-Ibinuking Ang Kapamilya Aktor at Aktres.

Walang komento




Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang dalawang kapamilya star na umanong magkarelasyon at magkakaanak na di umano. Ngunit nitong nagdaang mga araw ay may sinabi ng isang batikang aktres na pawang tsismis lamang ang mga ito.

Ibinuking kamakailan ni Ms. Sylvia Sanchez na hindi buntis ang kanyang anak na si Ria at kasalukuyang nasa dating stage pa lamang ang kanyang anak na si Ria at ang aktor na si Zanjoe Marudo.

Ayon kay Sylvia, sa huling pag-uusap nila ng anak na si Ria sinabi nito sa kanya na wala pa silang official relationship ni Zanjoe. Ngunit, nililigawan na siya nito at nagde-date na sila. 

Kaya naman natatawa na lamang umano si Sylvia sa mga lumalabas na balitang buntis at nagpakasal na ang kanyang anak kay Zanjoe Marudo. Ayon pa sa kanya, bakit tila mas may alam pa ang mga marites kaysa sa kanya na ina mismo.



Katrina Halili Handang Tumestigo at Tulungan Si Vhong Navarro?

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga netizens ang kasong kinasasangkutan ng actor-TV host na si Vhong Navarro. Marami ang nag-aabang sa magiging hatol ng korte. Tuluyan kayang makukulong si Vhong Navarro? o Mapapatunayan ng kanilang kampo na inosente ito at walang kasalanan?

May ilalabas umanong witness ang kampo nina Deniece Cornejo na makakapagdiin kay Vhong Navarro, ito ay walang iba kundi si Cedric Lee. Ngunit ayon sa mga netizens na nag-aabang sa kaso ni Vhong Navarro, lalong naging malabo ang kasong rape na isinampa ni Deniece dahil sa pagkakaroon nito ng witness. Ayon sa kanila paano na-rape ni Vhong si Deniece kung naroon naman pala si Cedric Lee.

Samantala, handa naman umano ang kampo ni Vhong Navarro sa pagpapalabas bilang witness ni Cedric Lee. Ayon sa aming nakalap na impormasyon, handa umanong magbigay ng pahayag ni Katrina Halili tungkol sa katauhan at credibility ni Cedric Lee.

Matatandaang naging sangkot sa isang iskandalo si Katrina Halili noong 2014. Isa si Cedric Lee sa mga itinuturong may pakana sa pagpapakalat sa video scandal. Ayon kay Hayden Kho, bina-blackmail siya ni Cedric Lee na kung hindi siya bibigyan ng malaking pera ay ipapakalat nito ang video nila ni Katrina Halili.

Tila babasagin ni Katrina ang credibility ni Cedric para maging witness. Samantala, wala pang ipinalabas na official statement o anumang kompirmasyon mula sa abogado ni Vhong hinggil sa nasabing mga isyu.



Lolit Solis, Umalma Sa Pahayag Ni Shirley Kuan Tungkol Sa Kanya Bilang Bully at Bast0s!

Walang komento


Naging mainit na usapin sa social media ang pagpapa-interview ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan kamakailan. Ito'y upang i-address ang mga isyung ibinabato sa kanila ng kilalang showbiz columnist na si Lolit Solis.

Sa nasabing panayam nabanggit ni Shirley Kuan na magaling magpa-victim at mambaliktad si Lolit Solis. Tila ito na nga ang sinasabi nito, agad na umalma si Lolit Solis sa mga pahayag ni Shirley Kuan at ipinagdiinan na kailanman ay hindi siya naging bully at bastos.

Ayon sa Instagram post ni Lolit Solis, sinabi niyang hindi pambabastos at pambubully ang ginagawa niya sa aktres na si Bea Alonzo. Ibinunyag din nito na umalis si Shirley sa samahan ng mga katulad nilang talent managers. Sinabi ni Lolit Solis na kailanman ay hindi siya naging bully at lahat umano ng mga claims niya ay negotiable. Ever since umano ay confrontational siya sa kanyang mga ibinabahagi sa social media at kung may pagkakamali man ay ipapaklaro niya ang mga ito sa kanyang source.

Marami naman sa mga netizens ang hindi sumang-ayon sa pahayag ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post. Kung hindi umano bully at bastos ano ang tawag sa mga ginagawa nito sa aktres na si Bea Alonzo. Alam naman ng lahat kung gaano nito ipinapahiya at nilalait si Bea Alonzo sa kanyang mga Instagram post.

Komento pa ng isang netizen, kung totoong confrontational ang kanyang mga post bakit naka limited comments ang mga post nito. Tila pinapatunayan lamang umano ni Lolit Solis ang mga pahayag ni Shirley Kuan laban sa kanya na isa siya bully, bastos at pa-victim.


Shirley Kuan Binunyag Ang Masamang Plano Ni Lolit Solis Para Kay Bea Alonzo at Marian Rivera!

Walang komento


Nagbigay na nang sagot ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan hinggil sa mga isyung binabato sa kanila ng kolumnistang si Lolit Solis.

Matatandaang makailang ulit nang binanatan at nilait ni Lolit Solis sila ng alaga na si Bea Alozo. Matapos ang paglipat ng actress sa Kapuso Network wala nang tigil ang pambabanat rito ni Lolit Solis gamit ang Instagram account nito. May pagkakataon pa na tila pinagsasabong ni Lolit Solis ang parehong Kapuso stars na sina Marian Rivera at Bea Alonzo.

Tila ipinapalabas ni Lolit Solis na balak agawin ni Bea Alonzo ang trono ni Marian bilang Primetime Queen sa GMA7. Bagama't baguhan sa GMA7 tila trigger na trigger pa rin si Lolit Solis sa presence ni Bea sa GMA7. 

Matatandaang itinuturing reyna ng mga movies at teleserye si Bea Alonzo sa Kapamilya network dahil sa matagumpay nitong mga pelikula at teleserye. Naging leading lady na rin si Bea sa iba't-ibang magagaling na mga leading actor.

Si Marian Rivera naman ang itinuturing Primetime Queen ng GMA7. Nagkakaroon ng matataas na ratings ang kanyang mga teleserye at naging box office hits ang kanyang mga pelikulang kahit anong genre.

Samantala, kapansin-pansin sa mga post ni Lolit Solis kung paano nito iniaangat at pinupuri si Marian Rivera habang labis na nilalait naman si Bea Alonzo. Ayon kay Shirley, ang pagsasabong ni Lolit Solis kina Marian Rivera at Bea Alonzo ang dahilan kung bakit pinipili na lamang ng kanilang panig na manahimik. Ayaw kasi umano nilang mag-away ang dalawa.

"Precisely why we don't answwer that. Gusto niya mag-away yung dalawa. Kasi no matter how you answer that, damned if you do, damned if you don't. So that's one of those that we chose to ignore."



Pinipili rin umano nilang manahimik upang walang ma-achieve si Manay Lolit Solis mula sa kanila kundi silence. Ayon pa kay Shirley, hindi kasali sa mga layunin nila ni Bea ang pang-aagaw ng korona at pag-rereynareynahan sa GMA7 sa dahilan ng kanilang paglipat sa nasabing network.

Ang nais lamang din umano nila sa pagpirma ng kontrata ay upang magkaroon ng karagdagang mga kaibigan at kung paano sila makikisama sa mga ito. Ipinagdiinan din ni Shirley na kailanman ay hindi nila ipinaparamdam sa mga Kapuso stars na si Bea Alonzo ang Reyna sa paglipat nito sa GMA7.

Billy Crawford at Coleen Garcia, Tuluyan Ng Maninirahan Sa Paris?

Walang komento

Biyernes, Oktubre 14, 2022


Kamakailan ay inamin ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na nagpapabalak silang doon na lamang darating.

Ayon kay Coleen, masaya siya sa pag-stay nila ng anak na si Baby Amari sa Paris. Ibinahagi ni Coleen ang kuhang larawan nila sa Paris kung saan tila malaya sila at malayo sa press. Ipinakita niya sa kanyang mga fans at followers ang kanilang simpleng pamumuhay sa Paris kasama ang kanilang anak.

Kabaliktaran ito dito sa Pilipinas dahil hindi lumalabas sina Coleen at tila natatakot na makita ng publiko at madamay pa ang kanilang anak.

Sylvia Sanchez Ibinuking Na Real Score Nila Ria at Zanjoe Marudo!

Walang komento


May ibinunyag ang ina nina Arjo Atayde at Ria Atayde na si Ms. Sylvia Sanchez sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez para sa show nito sa Net25.

Naitanong sa kanya kung ano ang totoong namamagitan sa kanyang anak na si Ria Atayde sa aktor na si Zanjoe Marudo. Ayon kay Sylvia, sinabi umano mismo sa kanya ni Ria na hindi pa sila mag-on ni Zanjoe Marudo. Tila nanliligaw pa lamang umano si Zanjoe sa kanyang anak at nagpaparamdam ng pagkagusto.

Inulit pa ito ni Sylvia sa panayam sa kanya ng entertainment reporter na si MJ Mallfori, pagdidiin ni Sylvia wala pang relasyon ang kanyang anak na si Ria sa aktor na si Zanjoe Marudo. Wala rin umanong katotohanan ang mga kumakalat na bali-balitang engaged at nagpakasal na ang dalawa. Nilinaw din nito ang isyu tungkol sa umano'y pagbubuntis ni Ria Atayde.



Kritiko Ng Abs-Cbn-Kinarma?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan sa social media ang pagkakaaresto ng anak ng kilalang bumabatikos sa ABS-CBN.

Isa si  DOJ Secretary Boying Remulla sa mga bumoto na hindi bigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN. Ayon sa aming nakalap na informasyon, inaresto noong October 11, 2022, ng PDEA ang panganay na anak ni Boying Remulla na si Juanito Jose Remulla. Inaresto ito sa kanyang mismong tahanan sa Las Pinas City, matapos makunan ng halos isang kilo ng high grade marijuana. Ang halaga ng nakompiskang marijuana ay aabot sa mahigit 1.2 million pesos.

Samantala, ayon kay DOJ Secretary Boying Remulla na hindi siya makikialam sa investigation at sa paglilitis sa kaso ng kanyang anak. Hindi rin umano ito gagamit ng koneksyon at pagtakpan ang kasalanan nito.



Sarah Geronimo Grabeng Hataw Sa Pagbabalik Entablado Habang Kinakanta Ang "Dati Dati"

Walang komento


Nagbabalik na sa pagpeperform sa entablado ang tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Sa mga ibinahaging video makikita ang todo hataw na pagsayaw sa kaniyang kantang Dati Dati.

Makalipas ang ilang taong pamamahinga ni Sarah sa pagpe-perform ay hindi pa rin maikakaila na hindi pa rin kumukupas ang galing nito sa pag-awit at sa pagperform nito sa stage. Masaya at energetic na sinabayan ng pagsayaw ang kanyang pag-awit.

Labis naman na natutuwa ang kanyang mga tagahanga sa muling pagbabalik sa pag peperform ni Sarah. Matatandaang pansamantalang tumigil si Sarah sa pagpeperform noong kasagsagan ng pandemya. Matapos nito ilang beses ding naissue na lilipat ito sa kabilang network dahil sa kawalan ng project sa ABS-CBN.



Kd Estrada Nadamay Sa Isyu Ng Kaibigang Si Patrick Quiroz at Rhys Miguel

Walang komento


Ginulat kamakailan ni Rhys Miguel ang social media matapos isiwalat ang ginawang pangmomolestiya umano sa kanya ng co-actor na si Patrick Quiroz.

Matatandaang ilang mga celebrities na rin ang nadadawit sa nasabing isyu. Nauna na rito ang kaloveteam ni Patrick Quiroz sa He's Into Her na si Vivoree. Ngayon, tila nadadamay na rin ang isa pang kaibigan ni Patrick Quiroz na si KD Estrada.

Samantala, dahil sa isyu ni Patrick Quiroz muling inungkat ng isang netizens ang isang pangyayari sa loob ng bahay ni Kuya kung saan nakunan sa kamera ang umano'y kamanyakan na ginagawa ni KD Estrada habang natutulog sa kanyang tabi si Anji Salvacion.



Agad namang umalma ang mga fans ni KD Estrada at ipinagtanggol ito. Ayon sa kanila, walang kinalaman si KD sa isyu ni Patrick Quiroz at ang pagpapakalat ng isyu ay gawa ng mga taong naiinggit sa achievements ngayon ni KD Estrada kasama ang kanyang ka-love team na si Alexa Ilacad.

Joyce Pring, Atheist Will Suffer in Eternity, "They Gonna Face Judgement" and "They Will Go To Hell"!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa social media ang naging pahayag ng aktres na si Joyce Pring sa podcast ni Wil Dasovich tungkol sa magiging kahihinatnan ng mga taong hindi naniniwala na may Panginoon.

Sa podcast ni Wil Dasovich napag-usapan nila ni Joyce ang tungkol sa mangyayari kapag namatay ang isang tao. Naitanong ni Wil kay Joyce kung ano ang mangyayari sa taong non-believer of Christ kapag namatay sila?

Agad namang sagot ni Joyce, na kapag mamatay ang mga non-believers ay haharap sila sa judgement and they will go to hell. Tila nagulat at napareact naman si Wil at sinabing napakabrutal naman ng sasapitin ng mga taong ito. Depensa naman ni Joyce na sinagot lamang niya honestly ang tanong ni Wil.

Hirit pang tanong ni Wil kung ano ang gagawin ng mga taong ito sa impyerno? Sagot naman agad ni Joyce na magdurusa ang mga ito roon for eternity.

Samantala, umaani ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga nagsasabing ang sagot ni Joyce Pring ay mababasa naman talaga sa bible. May isang pang nagsasabi na hindi na papangarapin ng non-believers ang mapunta sa langit dahil hindi naman sila naniniwala na may langit.



Kawawang Kalagayan Ngayon Ni Vhong Navarro! Lolit Solis Nanlumo at Awang-Awa Kay Vhong!

Walang komento


Labis na nalulungkot sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro ang kolumnistang si Manay Lolit Solis.

Ibinahagi ni Lolit Solis sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang saloobin sa pagkakakulong ngayon ng aktor na si Vhong Navarro. Ayon kay Lolit Solis, naaawa siya sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro. Hindi din umano niya inakala na mangyayari ito sa aktor. Napakalaki din umano ng magiging epekto sa career ni Vhong ang nangyaring eskandalo na ito.

Labis din na naaawa si Lolit Solis sa asawa at pamilya ni Vhong Navarro na alam niyang nagsu-suffer ngayon. Sa huli hiling ni Lolit Solis na manaig ang hustisya at ito ang dapat hilingin ng lahat.

Samantala, ayon kay Manay Lolit Solis na nawa'y kapulutan ito ng aral ng ibang kalalakihan na mag-ingat sa pakikipagrelasyon. Dahil hindi umano lahat ng nagtapos ay hindi na babalik pa. May pagkakataon na gagawin ng isang babae ang lahat upang makapaghiganti.

Buong pahayag ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post, "Naawa naman ako sa mga nangyayari ngayon kay Vhong Navarro, Salve. Hindi mo aakalain na sasapitin niya ang pangyayaring ito lalo na ngayon nasa itaas ang kanyang career, at pati personal life niya ay maayos. Biglang nabuhay ang kaso na akala ng marami ay tapos na, pero heto ngayon at isang malaking iskandalo. Isang aral ito sa mga artistang lalaki, na maging maingat sa kanilang mga relasyon. Hindi lahat ay natatapos sa maganda, puwede may bitterness na maiwan at iyon ang maging dahilan para balikan ka sa pamamagitan ng anuman para lang makaganti sa iyo. Sana nga maging maayos na ang lahat sa kaso nila Vhong at Deniece. Sana nga mapag usapan ng maayos para maging maganda ang resulta. Mahihirapan makatayo uli si Vhong Navarro mula sa scandal na ito. Malaking suntok sa kanyang magandang career ngayon ang nangyaring scandal. Pero higit sa lahat, kawawa din ang pamilya niya na nagsa suffer ngayon, lalo na ang kanyang asawa. Kung anuman siguro ang naging kasalanan ni Vhong Navarro, sure ako na ngayon sobra sobra na ang pagsisisi niya. At kung maibabalik lang ang araw, tiyak na hindi niya gagawin kung anuman pagkakamali ang nagawa niya. Siguro nga naisip na niya na sa isang iglap puwede mawala ang lahat, kaya dapat na maging maingat sa anuman gagawin. Justice is fair kaya iwanan na natin sa hustisya ang lahat. Naniniwala tayo na kung ano ang nararapat, iyon ang mangyayari. Hustisya, iyan na lang ang hintayin natin."


Anne Curtis Ipinasyal Sa Tokyo Disneyland Ang Anak! Dahlia Tuwang Tuwa Kay Mickey Mouse!

Walang komento

 

Kamakailan ay nagtungo sa Tokyo, Japan ang pamilya ni Anne Curtis upang magbaskayon at makapamasyal sa Disneyland. Kasama din nila ang pamilya ni Solenn sa kanilang pamamasyal at bakasyon.

Samantala, makikita sa mga videong ibinahagi ng mga ito sa social media na labis na nag-eenjoy ang dalawang bata na sina Dahlia at Tili sa kanilang pamamasyal sa Tokyo Disneyland.


Ikinatuwa naman ng mga netizens ang isang video kung saan nilalaro ni Dahlia si Mickey Mouse. Tuwang-tuwa si Dahlia rito.



Bago tumungo sa Tokyo sina Anne Curtis at Solenn ay nakipagbonding muna sila sa kanilang mga kaibigan dito sa Pilipinas.

Paolo Contis Sinabihang Plastik Matapos Mag Reak Ng Umiiyak Sa Movie Ni Baron Gaisler!

Walang komento


Hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagre-react ni Paolo Contis sa pelikula ni Baron Geisler na Doll House.

Matatandaang ibinahagi ni Paolo sa kanyang Facebook account ang kanyang larawang naluluha at punit-punit ang damit. Ayon sa mga netizens, napaka o.a umano ng reaksyon nito at napaka-plastic, May ilan namang mga netizens na nagkomento na kaya naiyak si Paolo dahil guilty ito sa pag-iwan sa kanyang mga anak.



Samantala, ito ang kauna-unahang pelikula kung saan ginampanan ni Baron ang lead role bilang bida. Kadalasan kasi sa mga pelikula ay kontrabida ang role nito o di kaya ay nasa supporting role lamang. Napatunayan naman ni Baron na deserve din niyang maging bida.

Hindi Aatras! Deniece Cornejo Hindi Makikipag-Areglo Kay Vhong Navarro!

Walang komento


Mainit pa ring pinag-uusapan ang opinyon ng abogadong lolo ni Deniece Cornejo na mag-areglo na lamang sina Deniece Cornejo at Vhong Navarro.

Ayon sa lolo ni Deniece na si Atty. Axel Gonzalez, pag-usapan na lamang ng dalawa ang lahat at isaalang-alang ang kanilang mga career at magmove on na lamang.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa pahayag ng lolo ni Deniece at sinabing magiging madali na lamang ang lahat kung magkakapatawaran na lamang ang magkabilang panig.

Samantala, tila iba ang pananaw ng legal team ni Deniece. Ayon sa kanila, walang magaganap na aregluhan at tuloy ang kaso. Ito'y upang mabigyan umano ng hustisya si Deniece at maparusahan si Vhong Navarro sa kahalayang ginawa nito sa modelo.



Paulo Avelino, May Bago Na? Si Kim Chiu Ang Napusuang Maging Partner!

Walang komento


Matatandaang humataw sa ratings ang teleseryeng pinagtambalan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ngunit sa kabila nito ibinahagi nina Janine at Paulo na hindi muna sila magsasama muli sa isang proyekto. Ibig sabihin, hindi si Janine ang magiging leading lady ni Paulo sa susunod nitong proyekto. Hindi rin si Paulo ang magiging leading man ni Janine.

Magkakaroon ng kanya-kanyang proyekto ang dalawa. Tila sang-ayun naman rito ang kanilang mga tagahanga. Samantala, ayon sa bali-balita na ang magiging leading lady ni Paulo sa kanyang bagong project ay walang iba kundi ang Chinita Princess Kim Chiu.

Ang nasabing proyekto ay under sa Dreamscape Inc. Makakasama rin dito ng dalawa si Maricel Soriano. Sa kabila ng pagbabago ng partner, patuloy pa rin umanong susuporta ang mga tagahanga nina Janine at Paulo sa magiging project nila sa kabila ng pagpapalit ng partner.

Hiwalay Na Agad?! Detalye Ng Balitang Hiwalayang Zeinab Harake at Mr. Black!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa social media ang napapabalitang hiwalayan nina Zeinab Harake at Julian Cuevas aka Mr. Black.

Matatandaang laging kasama si Mr. Black sa mga post ni Zeinab Harake at napaka-sweet nila sa isa't-isa. Maging sa mga vlog ni Zeinab sa kanyang YT channel ay kasama nito si Mr. Black. Paglalarawan pa noon ni Zeinab sa kanilang relasyon ay proud but low key.

Kaya naman nagulat ang ilang mga netizens dahil sa mga lumalabas na bali-balitang hiwalay na ang dalawa. Nag-ugat ang balitang ito nang mapansin ng ilang mga followers niya na in-unfollow na ni Zeinab Harake si Mr. Black. Binura na rin ni Zeinab ang kanyang mga vlog kung saan kasama niya ito.

Samantala sa isang social media post ni Zeinab kamakailan sinabi niyang may mga tao talagang dumadating sa buhay mo na sa huli ay malalaman mong ginagago ka lamang pala. Sa kabila umano ng magandang ipinapakita mo ay nakukuha ka pang pagtripan at saktan dahil alam nilang mahina ka.




Tila may pinapatamaan si Zeinab sa kanyang post na inisip naman agad ng ibang mga netizens na ito ay walang iba kundi si Mr. Black.

Julie Ann San Jose Labis Ang Saya!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 13, 2022


Inaabangan ngayon ng mga tagahanga nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, na mapanood ang kanilang concert sa Nov. 26.

Maging si Julie Anne ay hindi naitago ang saya matapos malaman na halos sold out na ang ticket. Ayon kay Julia halos sold out na ang ticket para sa kanilang concert.

Agad naman itong nirepost ni Julie Anne sa kanyang Instagram account. Ani Julie Anne, "BRONZE is already sold out! Limited tickets left!


Be part of the ‘JulieVerse’ on November 26, 2022 at the New Port Performing Arts Theater, Pasay City 💫💕

To enter, purchase your tickets at: www.gmanetwork.com/synergy or http://www.ticketworld.com.ph"

Kasalukuyan na ring nag-iinsayo ang dalawa upang ma-satisfy ang kanilang mga tagahanga. Makakasama nila sa kanilang concert sina Gary Valenciano at iba pang magagaling na singer.


Sylvia Sanchez, May Anunsyo Tungkol Kina Maine Mendoza at Arjo Atayde!

Walang komento


Marami na ang nag-aabang kung kailan magaganap ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tiyak at wala pang itinakdang araw kung kailan magaganap ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Maging ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ay hindi alam kung kailang magaganap ang kasal ng anak. Ngunit, alam umano niya na mauuwi rin sa kasalan ang dalawa.

Pagbabahagi pa ni Sylvia na nung minsan ay tanungin niya si Arjo kung kailan ang kasal ang tanging sagot lamang umano nito ay malapit na. Dagdag pa nito, na sana ay malapit na dahil gusto na umano niyang magkaapo.

Maging ang mga tagahanga ay paniguradong naghihintay na rin kung kailan magaganap ang kanilang kasal.



Actor Na Si Richard Yap Idenemanda Ng Inabandona Niyang Anak!

Walang komento


Tuluyan nang nagsampa ng kaso ang nagpakikilalang anak ng aktor na si Richard Yap, matapos siyang tumanggi na magpa-DNA test rito.

Sinampahan ng kaso si Richard Yap ng nagpapakilalang inambadonang anak nito. Nagpakilalang anak ni Richard Yap si Joshua Paolo Jensen, ngunit ipinagdidiinan ng aktor na hindi niya ito anak. Hindi rin pumayag ang aktor na magpa-DNA test kay Joshua upang mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng katotohan.

Samantala sa Facebook post ni Nina Mabatid sinabi niyang, "Good luck Josh, I remembered your story na una mo cya hinanap sa office nya kasama lola mo, 3 years old ka pa lang nuon pero hindi nagpapakita, nakita mo cya sa chowking advertisement pero hindi mo alam saan puntahan.

then nung nag artista cya pumunta ka sa abs cbn ilang beses pero walang nangyari sabi mo nag tatago. gusto mo mag file ng case matagal na pero wala kang address.
finally sa cebu mo nakuha ang residence nya and you had to stay in cebu para maka file ng case kahit nag waiter ka lang sa cebu at minsan naubusan ng pera. Nakikikain ka pa kung sino2x.
tinulungan ka pa ni late Cong Raul delmar para maka punta ng Cebu.
I hope the Lord will guide you para matahimik na ang kalooban mo. I know hindi pera ang habol mo kung hindi hustisya dahil sobrang puno ng sama ng loob ang puso mo. Gusto mo ipa mukha sa kanya na totoong anak ka nya kaya gusto mo ng DNA. Sana walang power play para lumabas ang katotohanan. Naghihirap ka ngayon pero may Dios, mag tiwala ka lang."

Labis na naaawa si Nina Mabatid sa kalagayan ngayon ng sinasabing anak ni Richard. Ayon pa sa kanya kailangang magpa-test ng aktor upang lumabas na ang katotohanan. Ngunit para sa kanya ay totoong anak ni Richard si Joshua dahil magkahawig sila.




Kim Chiu, Wagi Ng Dalawang Award Sa PMPC Star Awards for Music!

Walang komento


Nagbubunyi ngayon ang Kapamilya Star na si Kim Chiu. Makikita sa kanyang Instagram stories ang susunod na pagbabahagi niya sa kanyang mga awards.

Wagi si Kim Chiu bilang Novelty Artist of the Year sa 13th PMC Star Awards for Music. Bukod dito, nagwagi rin ang kanta niyang Bawal Lumabas bilang Novelty Song of the Year.

Ang kanta ni Kim Chiu na Bawal Lumabas ay sumikat noong 2020 sa kasagsagan ng pandemic. Nakalaban ng kanta ni Kim bilang Novelty song winner ang kanta ni Vice Ganda na Corona Bye Bye Na, Diyosa ng Kaseksihan ni Cool Cat Ash, GGSS ni Diday Ong, Lumaban Ka Gari Escobar, Nang Minahal Mo Ang Minahal Ko ni Bentong Sumaya, at Sabi ko Na Nga Ba ni Hannah Precillas.

Lubos naman na nagpapasalamat si Kim sa mga tumangkilik ng kanyang kanta. Super proud naman ang mga tagahanga ng actress sa bagong achievement na natanggap nito.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo