Gabby Basiano Kumpirmadong Dinaya at Biktima Ng Cooking Show Sa Miss Intercontinental 2022

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Sparkle

Nagulat ang mga Pinoy pageant fans kung ano ang mali at saan nagkulang si Gabby Basiano. Hindi ito nakapasok sa Top 5. 

Hindi niya napanalunan ang korona ng Miss Intercontinental 2022.

Sinabi ni Miss Czech Republic creative director Sam Dolce na ang katatapos na Miss Intercontinental coronation ay isang cooking show. 

Hindi lang siya ang nakapansin nito kundi pati na rin ang Presidente ng Miss Grand International na si Nawat. 

Masasabi nating plakado ang naging atake ni Gabby sa competition mula nang dumating ito sa Egypt. Pinatunayan niya sa organisasyon ng Miss Intercontinental na karapat-dapat siyang manalo ng back-to-back victories para sa Pilipinas. 

Pero ayon sa beauty pageant expert na si Adam Genato, kung titingnan mo ito sa business standpoint, maaaring hindi na muling manalo ang Philippines sa Miss Intercontinental, dahil sunod-sunod na ang ating pagkapanalo sa nakalipas na 4 na taon. 

Aminin man natin o hindi, negosyo pa rin ang kompetisyong tulad nito.

Malabo rin ang criteria of judging, dahil kung sa linis ng performance lang ang pagbabasehan ay malabong matalo ni Miss Vietnam si Gabby.

Mas katanggap-tanggap kung nasa Top 5 si Miss Thailand kaysa sa Vietnam. Nagkaroon din ng sorpresa sa kalagitnaan ng gabi, dahil sinabi ng host na papasok ang Top 6 sa final round. Pero binawasan nila ito ng isa at biglang naging Top 5.

Hinala raw ng iba, baka raw si Gabby ang kasali sa Top 6. Natatakot silang ipasok ito sa Q&A dahil alam nilang napakagaling nitong sumagot. Hindi rin malabong manalo ito at magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas.

Sa tingin mo, niluto nga kaya ng Miss Intercontinental ang laban ni Gabby upang makaiwas sila sa back-to-back win? Put your comments below!

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo