Hindi Aatras! Deniece Cornejo Hindi Makikipag-Areglo Kay Vhong Navarro!

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


Mainit pa ring pinag-uusapan ang opinyon ng abogadong lolo ni Deniece Cornejo na mag-areglo na lamang sina Deniece Cornejo at Vhong Navarro.

Ayon sa lolo ni Deniece na si Atty. Axel Gonzalez, pag-usapan na lamang ng dalawa ang lahat at isaalang-alang ang kanilang mga career at magmove on na lamang.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa pahayag ng lolo ni Deniece at sinabing magiging madali na lamang ang lahat kung magkakapatawaran na lamang ang magkabilang panig.

Samantala, tila iba ang pananaw ng legal team ni Deniece. Ayon sa kanila, walang magaganap na aregluhan at tuloy ang kaso. Ito'y upang mabigyan umano ng hustisya si Deniece at maparusahan si Vhong Navarro sa kahalayang ginawa nito sa modelo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo