Kris Aquino Inayawan at Sinukuan Na Naman Ng Mga Doktor Sa Amerika!

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely


Mainit pa rin na usapin sa social media ang tungkol kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino. Matatandaang lumipad pa Houston ang aktres upang doon ipagamot ang kanyang mga auto-immune diseases.

Subalit, may mga usap-usapan ngayon na kumakalat online na umano'y iniwwan si Kris ng kanyang Fil-Am doctor doon sa Houston. Hindi umano nagagawa ng mga doktor ang mga procedures para sa sakit ng aktres dahil tila nagdududa si Kris sa gagawin sa kanya ng mga doktor.

Dahil sa pagsuko ng doktor ni Kris sa Houston ay naghanap ang aktres ng kapalit. Agad umanong lumipat si Kris sa LA upang doon ipagpatuloy ang pagpapagamot. Samantala, ayon sa ilang mga netizens na kung totoo man na nakakalipat agad si Kris ng hospital ay tila nangangahulugan lamang na hindi malala ang kalagayan nito ngayon sa kondisyon nito noon.

Labis naman na natutuwa ang mga tagasuporta ng aktres kung sakaling totoo ang balitang bumubuti na ang kalagayan nito. Hiling nila ang patuloy na paggaling nito upang makabalik na sa bansa at sa kanyang dating trabaho sa harap ng kamera.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo