Kd Estrada Nadamay Sa Isyu Ng Kaibigang Si Patrick Quiroz at Rhys Miguel

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


Ginulat kamakailan ni Rhys Miguel ang social media matapos isiwalat ang ginawang pangmomolestiya umano sa kanya ng co-actor na si Patrick Quiroz.

Matatandaang ilang mga celebrities na rin ang nadadawit sa nasabing isyu. Nauna na rito ang kaloveteam ni Patrick Quiroz sa He's Into Her na si Vivoree. Ngayon, tila nadadamay na rin ang isa pang kaibigan ni Patrick Quiroz na si KD Estrada.

Samantala, dahil sa isyu ni Patrick Quiroz muling inungkat ng isang netizens ang isang pangyayari sa loob ng bahay ni Kuya kung saan nakunan sa kamera ang umano'y kamanyakan na ginagawa ni KD Estrada habang natutulog sa kanyang tabi si Anji Salvacion.



Agad namang umalma ang mga fans ni KD Estrada at ipinagtanggol ito. Ayon sa kanila, walang kinalaman si KD sa isyu ni Patrick Quiroz at ang pagpapakalat ng isyu ay gawa ng mga taong naiinggit sa achievements ngayon ni KD Estrada kasama ang kanyang ka-love team na si Alexa Ilacad.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo