Sylvia Sanchez Ibinuking Na Real Score Nila Ria at Zanjoe Marudo!

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


May ibinunyag ang ina nina Arjo Atayde at Ria Atayde na si Ms. Sylvia Sanchez sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez para sa show nito sa Net25.

Naitanong sa kanya kung ano ang totoong namamagitan sa kanyang anak na si Ria Atayde sa aktor na si Zanjoe Marudo. Ayon kay Sylvia, sinabi umano mismo sa kanya ni Ria na hindi pa sila mag-on ni Zanjoe Marudo. Tila nanliligaw pa lamang umano si Zanjoe sa kanyang anak at nagpaparamdam ng pagkagusto.

Inulit pa ito ni Sylvia sa panayam sa kanya ng entertainment reporter na si MJ Mallfori, pagdidiin ni Sylvia wala pang relasyon ang kanyang anak na si Ria sa aktor na si Zanjoe Marudo. Wala rin umanong katotohanan ang mga kumakalat na bali-balitang engaged at nagpakasal na ang dalawa. Nilinaw din nito ang isyu tungkol sa umano'y pagbubuntis ni Ria Atayde.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo