Finally! Winwyn Marquez Reveals Identity of Non-Showbiz Boyfriend!

Walang komento

Linggo, Oktubre 9, 2022


Sa unang pagkakataon ay ipinakita na sa publiko ng beauty queen-actress na si Wynwyn Marquez ang kanyang non-showbiz boyfriend. Maraming mga netizens ang nagulat matapos ipakita ni Wynwyn Marquez ang kanyang non-showbiz boyfriend sa publiko noong binyag ng kanilang anak na si Baby Luna.

Naganap ang binyag ng baby nina Wynwyn Marquez na si Luna Teresita Rayn sa Sacred Heart Parish Muntinlupa noong October 7, 2022. Kabilang sa mga ninong ni Baby Luna ay sina Ken Chan, Rodjun Cruz, at Enzo Pineda. Naroon din ang kanyang ina na si Alma Moreno at ang kanyang half brother na si Vandolph Quizon.

Matagal ng curious ang mga netizens kung sino ang boyfriend ng actress. Matapos ang hiwalayan nila noon ni Mark Herras. Matatandaang umabot din sa tatlong taon ang kanilang relasyon.

Matatandaang noong 2021 sa isang interview, inamin ni Wynwyn na may non-showbiz boyfriend na siya. Subalit hindi nito ipinakilala ang nobyo upang mapangalagaan ang privacy nito. Sa kabila naman umano nito ay hindi niya ikinakahiya ang boyfriend dahil mahal niya ito.

December 2021, ibinalita ni Wynwyn sa publiko ang kanyang pagbubuntis. Hanggang sa kanyang panganganak ay hindi pa rin niya ipinakita ang mukha ng kanyang boyfriend.

Hanggang nitong October 7 sa binyag ni Baby Luna ay finally ipinakita na ni Wynwyn ang mukha ng kanyang boyfriend. Positibo naman ang komento ng mga netizens sa physical feature ng boyfriend ni Wynwyn. Napaka-gwapo umano nito at artistahin.



The Emotional Wedding Engagement of Angelica Panganiban and Gregg Homan!

Walang komento


Ibinahagi nina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa kanilang Youtube vlog na pinamagatang The Homans ang naganap na wedding proposal ni Gregg five months ago.

Naganap ang wedding proposal ni Gregg kay Angelica noong 4 months pregnant ito sa una nilang baby na si Baby Amila. Bago magpropose, nagrecord ng video si Gregg kung saan makikitang kinakausap niya ang kanilang baby ni Angelica na nasa loob pa ng sinapupunan nito.

Ayon kay Gregg, kinakabahan umano siyang magpropose kay Angelica lalo na't napaka moody nito sa mga panahong iyon. Sa sumunod namang eksena ay sinet ni Gregg ang kamera ng parang nagpapakuha lamang sila ng larawan sa dalampasigan at dito na naganap ang proposal ni Gregg.

Sabi ni Gregg kay Angelica, "Maraming paraan para sumaya sa buhay na ito pero ikaw lang ang kailangan ko." Sabay luhod at tanong, "Will you marry me?"

Napaka-raw at authentic ng reaksyon ni Angelica sa proposal ni Gregg. Makikita talaga sa reaksyon nito na wala siyang kaalam-alam na magpopropose na si Gregg sa panahong iyon. Hindi katulad ng mga proposal ng ibang mga celibrities na tila scripted lamang.

Noong una ay no ang sagot ni Angelica sa proposal ni Gregg. Dahil inaantok si Angelica noong panahong iyon at tila wala sa huwisyo sa mga nagaganap. Sa pangalawang pagkakataon naman nang tinanong ni Gregg si Angelica ng 'Will you marry me?' ang sagot naman ni Angelica ay 'I don't know.'

Marami naman ang nagulat sa mga naging sagot ni Angelica kay Gregg. Ngunit hindi pa rin sumuko si Gregg at muling tinanong si Angelica. Dito na tila natauhan si Angelica na nagpopropose pala sa kanya si Gregg. Dito napaupo si Angelica at yumakap kay Gregg saba'y sabing 'Yes, I love you.'



Komento naman ng ilang mga netizens na nakapanood ng nasabing vlog, na ang nasabing proposal ni Gregg ang pinakasimple but the sincerest na proposal. Si Gregg lamang ang nagplano gamit ang kanyang cellphone to capture the moment. Wala ring audience at mga pasabog gayunpaman mararamdaman pa rin ang love and sincerity. Mahahalata rin na wala talagang kaalam-alam si Angelica na magpopropose na si Gregg sa kanya.

Magkakaharap Na Sina Vhong at Deniece Sa Unang Pagkakataon!

Walang komento


Sa kauna-unahang pagkakataon matapos makulong ng actor-TV host na si Vhong Navarro, nakatakda na ang paghaharap nila sa korte ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Sa wakas itinakda na ng Taguig Trial Court ang arraignment ni Vhong Navarro sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo. Inaasahan ng korte na sisipot ang complainant na si Deniece Cornejo at Defendant na si Vhong Navarro sa nasabing arraignment.

Magaganap ang arraignment kay Vhong Navarro sa darating na Martes October 11, 2022 sa Taguig Trial Court bandang 1:30 ng hapon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkikita sina Vhong Navarro at Deniece Cornejo matapos mabuksan muli ang mga kaso laban kay Vhong Navarro.

Matatandaang hindi na nakauwi si Vhong Navarro matapos sumuko sa NBI ng lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.



Limang ASAP Singers, May Pinaka-Maraming Followers Sa Spotify!

Walang komento

Biyernes, Oktubre 7, 2022


Kilalanin ang limang ASAP singers na may maraming followers sa Spotify.

As of June 2022, mayroong 433 million active users monthly ang Spotify at may 188 million paying subscribers.

Narito ang limang singers na mayroong pinakamaraming followers sa Spotify at lahat sila ay mga ASAP singers!

1. Moira Dela Torre- Ang mga followers ni Moira sa Spotify ay nasa mahigit 76.3 million.



2. Sarah Geronimo- Ang followers ni Sarah sa Spotify ay umabot na 3.25 million followers.



3. Yeng Constantino-  Si Yeng ay may 2.39 million followers.



4. Regine Velazquez- Si Regine ay may 1.44 million followers sa Spotify.



5. Morissette- Si Morissette ay may 1.07 million followers sa Spotify.



Rep. Sandro Marcos, Nagpaliwanag Na Sa Viral Photo Nila Ni Alexa Miro!

Walang komento


Nagbigay na ng pahayag ang Presedential son at Congressman na si Sandro Marcos hinggil sa mga isyung kumakalat sa social media.

Ayon sa kanya, libre ang kanyang pagpunta sa isang race event sa Singapore kamakailan. Naging laman ng usap-usapan sina Cong. Sandro Marcos at Alexa Miro matapos kumalat sa social media ang mga larawan nilang magkasama. Kung saan tila enjoy na enjoy sila habang nanonood ng racing event.

Samantala, kumakalat ngayon ang video kung saan makikita ang panayam kay Cong. Marcos. Makikitang ipinaliwag ni Cong. Sandro Marcos sa nasabing panayam ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Singapore at ang buong detalye ng kumakalat nilang larawan ni Alexa Miro.

"Noong nandoon ako sa Singapore, hindi ko sinamahan ang tatay ko. May sarili akong lakad, we were 12 of us, ako at ang aking mga kaibigan. Matagal na naming plinano yan, matagal na naming plinano yan, mattagal na naming binook 'yan."

Matagal na rin umano nilang kilala ang organizer, kaya naimbitahan sila sa kabila ng kanilang bilang. Inimbitahan umano sila ng organizer at libre ang lahat kaya napaka-swerte umano niya. Nagsalita na rin si Sandro hinggil sa balitang nobya niya ang sexy actress na si Alexa Miro.

Ayon kay Sandro, magkaibigan lamang sila ni Alexa mula pa noon. Ipinaliwanag din ni Sandro ang kumakalat na larawan nila ng aktres. Ayon kay Cong. Marcos, staged lamang umano ang kanilang picture. May lumapit lamang sa kanilang at sinabing pipicturan sila. Pinagcheers at kailangan umano nilang magmukhang masaya sa picture.



Hindi din umano alam ng Congressman na lalabas sa website ng F1 ang nasabing larawan. Buong akala umano niya ay amateur photographer lamang ang umiikot. Matatandaang nauna ng nalink ang dalawa sa isa't-isa ilang buwan ang nakakalipas.

Bella Racelis Nag-Post Ng Birthday Message Para Kay Joshua Garcia!

Walang komento


Nagpost sa kanyang Instagram stories ang vlogger-influencer na si Bella Racelis ng ilang mga kuhang larawan ng aktor na si Joshua Garcia.

Sa isang larawan ay itinag ng dalaga si Joshua kalakip ang pagbati nito para sa kaarawan ng binata. Agad naman itong nirepost ng aktor kasama ang ilang mga pagbati mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Kamakailan lamang ay mainit na pinag-uusapan sa social media sina Joshua Garcia at Bella Racelis matapos kumalat ang mga larawan nilang magka-holding hands. Maging sa Instagram photography ni Joshua ay makikitang magkasama ang dalawa at ginagawang model ng aktor.



Sweet Message ni Judy Ann Santos Kay Lucho sa 12 Birthday Nito!

Walang komento


Ipinadidiriwang  ngayong araw ng anak ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Lucho ang kanyang 12th birthday. Kasabay nito, nagbigay ng very sweet message si Juday para sa kanyang anak na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

"How could you be twelve already my love? Oh if only I could press 'pause' or slow dowwn the time, I would.. but I'm also excited to see hat you'll be 5, 10 years from now.. I know that you'll grow up to be that kind, sweet, responsible, hardworking boy that we experience everyday.. You are God'd reminder to me that I did something good because he gave me you. We love yoy for unfinity. Happiest birthdday our favorite son."



Samantala may ibinahagi rin na video si Juday kung saan makikita na naglalaro ng pingpong ang kanyang mag-ama.

Caption pa nito sa nasabing video, "A quick pingpong match before dad goes to work. @ryan_agoncillo"

Herlene Budol, Handang Handa Na! She Will Make History.

Walang komento


Isang buwan na lamang ang hihintayin at rarampa na si Herlene Nicole Budol sa Uganda para sa kanyang unang international pageant na Miss Planet.

Siguradong-sigurado na rin na  wikang Tagalog ang gagamitin ni Herlene sa kanyang kauna-unahang international pageant. Handang-handa na rin umano si Herlene para sa Q & A ng Miss Planet 2022 pageant. Isa sa mga paghahandang ginagawa ng kanyang manager ay ang paghahanap ng international translator para kay Herlene.

Sa kanyang Facebook account, nagpost si Wilbert Tolentino na naghahanap sila ng translator from English to Filipino and vice versa para kay Herlene na handang sumama sa Uganda.

"We are looking for a professional TRANSLATOR from Filipino to English and vice versa who is willing to fly to Kampala, Uganda for the upcoming Miss Planet International this coming November. An interpreter that can speak in front of a large audience and in front of the camera.

That person will be the official INTERPRETER of Herlene Hipon Budol to the pageant with good compensation and all travel expenses will be shouldered by us."


Sa unang pagkakataon, si Herlene Budol ang kauna-unahang kandidata mula sa Pilipinas na magkakaroon ng translator at gagamit ng wikang Filipino sa international pageant. Matatandaang ang ilang mga kandidata sa Pilipinas ay tanging questions lamang ang pinapatranslate ngunit wikang Ingles pa rin ang ginagamit sa pagsagot.

Hindi lamang sa pagsagot ni Herlene sa Q & A kailangan ni Herlene ng translator, kundi maging sa mga prelimanary activities at pakikipag-communicate sa mga kapwa kandidata.

Marami namang mga netizens ang excited na sa pagrepresinta ni Herlene sa Pilipinas para sa Miss Planet International. Lalong-lalo na ang paggamit ni Herlene sa wikang Pilipino sa pagrepresenta ng ating bansa.

2 Taon Na Lang Mabubuhay! Dra. Vicki Belo May Tan1ng Ang Buhay!

1 komento


Naging pasabog ang pag-amin ni Dra. Vicky Belo na nagkaroon siya ng Stae 3 breast cancer noong 2016.

Sa isang panayam kay Dra. Vicky Belo, inamin nito ang matagal na niyang itinatagong sekreto. Sa panayam ni Korina Sanchez kayt Dra. Vicky Belo, inamin nito sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang tahimik na pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Ayon kay Dra. Vicky, may napansin sa isang interview niya na tila naglalagas ang kanyang buhok. Dahil dito napagdesisyunan ng Doctor na magpa-check up. Sa kanyang pagpapa-check up lumabas na may breast cancer siya at kasalukuyang nasa stage 3 na.

Paglalahad pa ni Dra. Belo, hindi na siya pinagpa-chemotherapy ng kanyang mga Doctor dahil may taning na ang kanyang buhay. Sinabihan umano siya ng mga doktor na huwag nang mag-abala pang magpa-chemo dahil mamamatay rin naman siya sa loob ng dalawang taon.



Hindi naman naniwala ang doktora at pumunta sa New York upang kumuha ng second opinion. Ngunit hindi pa rin siya nakakuha ng positibong resulta. Pag-amin pa ni Dra. Belo na noong ikinasal ang kanyang anak ay nakasuot na lamang siya ng wig dahil nakalbo na siya dahil sa pagpapa-chemo.

Inamin din ng Doktora na namatay ang kanyang ina, habang nasa hospital siya at nagpapachemo. Dahil umano sa pangyayaring ito naipakilala nila sa publiko ang kanilang anak ni Hayden na si Scarlet Snow na binabalak nilang itago nung una.

Pagbabahagi naman ni Vicky na ang pagmamahal at pagsuporta ng kanyang pamilya, at higit sa lahat ang anak niyang si Scarlet ang naging lakas upang malabanan niya ang sakit. Ngayon masayang-masaya si Vicky dahil cancer-free na siya at nagkaroon na ng apo sa anak na si Crystal matapos ang matagal nilang paghihintay.

Matapos Hiwalayan Si Tom Rodriguez! Carla Abellana May Bago Ng Manliligaw!

Walang komento


Muling naging usap-usapan ngayon sa social media si Carla Abellana matapos ang ilang linggong pananahimik matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, aprubado na ang divorce ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Amerika habang nasa proseso naman ang annulment case nila rito sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay nananatili pa ring tikom ang bibig ng dalawang kampo hinggil sa tunay na dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Tila balik naman sa dati ang buhay nilang dalawa at nagfo-focus na lamang sa kani-kanilang buhay as a single. Kasalukuyang, walang active projects ang dalawa sa showbiz at tila naghihintay na muling mabigyan ng projects matapos ang ilang buwan na pananahimik.

Samanutala, usap-usapan ngayon online ang umano'y pagkakaroon ng bagong manliligaw ni Carla Abellana. Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakakalipas matapos pumutok ang isyu ng hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Ayon sa inilabas na ulat mula sa isang reliable source, may bagong manliligaw umano itong si Carla Abellana na nasa pulitika. Kasalukuyan na umanong nagdadate ang dalawa na hindi naman pinangalanan kung sino.



Malakas naman ang kutob ng ilang mga netizens na totoo ang tsismis na ito dahil makikita naman umano sa aura ni Carla na tila hindi man lang dumaan sa isang hiwalayan. Napaka-blooming kasi ngayon ng aktres at makikita ang saya sa kanyang mukha.

Samantala, kasalukuyang nananahimik pa rin ang actress at walang inilabas na pahayag tungkol sa isyung ito.

Look! Eugene Domingo Nag Post Ng Sweet Snap Kasama Ang Kanyang Rumored Italian Husband!

Walang komento


Ibinahagi ng actress-comedian at TV host na si Eugene Domingo kamakailan ang sweet photos nila ng kanyang rumored Italian husband Danilo Bottoni.

Makikita sa nasabing photo na nakatingin sila sa magandang view ng Subic Bay. Marami naman ang kinilig at nagbigay ng komento sa kanyang post. Inulan ng mga hearts emojis ang post ni Eugene at natutuwa ang mga tagahanga nito sa natagpuang pag-ibig ni Eugene.

Matatandaang, napapabalitang kasal na si Eugene Domingo sa kanyang Italian boyfriend matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ng couple ring.


Xian Lim at Ashley Ortega Tandem Inaabangan Na!

Walang komento


Tuloy na tuloy na ang pagbibidahang serye ng nina Xian Lim at Ashley Ortega sa GMA7 na Hearts on Ice. Ang Hearts on Ice ang pangatlong project ni Xian sa Kapuso Network. Samantala, ito naman naman ang unang first major rule ni Ashley sa nasabing network.

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama si Ashley at Xian sa iisang project. Kaya naman ayon sa kanila ay excited sila sa kanilang pagsasama. Noong October 4 ginanap na ang story con ng Hearts on Fire. Makakasama rin nila rito ang ilang magagaling na artista sa GMA7.

Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon ang unang pamagat ng Hearts on Ice ay Frozen Love. Labis naman na inaabangan ng mga fans ng dalawa ang nasabing teleserye. Excited ang mga ito sa plot at sa chemistry ng dalawang bida.



Bea Alonzo Umaming Nasasaktan Sa Mga Panglalait Sa Kaniya ni Lolit Solis!

Walang komento

Nagbigay na ng pahayag si Bea Alonzo hinggil sa panglalait sa kanya ng ilang mga netizens at lalong-lalo na ni Manay Lolit Solis.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung paano nilalait ni Lolit Solis si Bea Alonzo, na sinigundahan naman ng ilang mga netizens.

Sa presscon na ginanap para sa serye nilang Start-Up kasama si Alden Richards, isa sa mga naitanong sa dalaga, kung ano ang masasabi niya sa kanyang mga bashers at kung ano ang nararamdaman niya.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang aktres at sinabing nasasaktan din siya sa mga sinasabi ng mga bashers lalong-lalo na kapag below the belt na ang mga pahayag ng mga ito. Tila nalilimutan minsan umano ng mga ito na tao din siya at may pakiramdam.

Dagdag pa ni Bea, "I only pick the criticism that will help me. Because there are things na hindi mo kailangan sa buhay na minsan ay makasama pa sa iyo. You don't want to dwell on that kind of energy."

Ang mga kritisismo lamang umano mula sa mga fans at kaibigan ni Bea na alam niyang nagmamahal sa kanya, ang kanyang mga pinapakinggan at tinatatak sa kanyang isip. Aminado din ang actress na hindi siya perpekto at may mga bagay na hindi siya magaling.

Sa kabila naman nito, hindi pa rin naiiwasan ng aktres na minsan ay naiisin na magpahinga at tumigil muna kapag sobra na ang mga pambabash at panlalait sa kanya. Lalo na mula sa kolumnistang si Lolit Solis.



Cristy Fermin Tinarayan Ng Anak Ni Gretchen Na Si Dominique Cojuangco!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagsagot ng panganay na anak ni Gretchen Barretto sa Kolumnistang si Cristy Fermin.

Matatandaang, inilahad ni Cristy Fermin ang isyu ng pagbubuntis ng anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco sa kanyang Youtube vlog na Showbiz Now Na. May ilang mga netizens na nagtatanong kay Dominique, kung nagdadalang-tao na ba umano ito, dahil sa vlog ni Cristy Fermin ay paulit-ulit na binanggit ng Kolumnistang magiging lola na ang ina niyang si Gretchen Barretto.

Agad naman itong itinanggi ni Dominique at sinabing, walang baby. Nagtatrabaho lamang umano siya ng full-time sa The Collective. Dagdag pa ni Dominique, kailangang humanap ng ibang pampalipas oras si Cristy Fermin.



Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na may inilabas na isyu ng pagbubuntis si Cristy Fermin sa ilang mga kilalang celebrities. Naunang inilabas ni Manay Cristy ilang buwan na ang nakakalipas, ang umano'y pagbubuntis ni AJ Raval. Ngunit agad din itong itinanggi ng aktres.

Nag-React Ang Mga Kapatid Ni Julia Barreto Sa Sweet Photos Nila Ni Gerald Anderson Sa Singapore!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 6, 2022


Ilang linggong laman ng mga news outlets ang umano'y pagkakalabuan ng relasyon ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa latest update ng magkasintahan sa social media, tila binigyan nila ng linaw ang mga isyung ito. Kumakalat ngayon sa social media ang mga sweet photos ng magkasintahan habang nagbabakasyon sa Singapore.

Ipinaliwanag din ni Julia kung bakit missing in action siya nitong mga nakaraang araw. Ayon sa kanya nag-spend siya nung time kasama ang kanyang boyfriend sa isang vacation sa Singapore. Nagpunta sa Singapore ang dalawa upang makita ang prestigious car racing event.

Labis namang kinikilig ang kanilang mga tagahanga sa ipinakita nilang sweetness. Maging ang mga kapatid ni Julia na sina Leon at Dani Barretto ay nagbigay ng komento at tila kinikilig din sa ipinakitang sweetness ng dalawa.



Bela Padilla Purdoy Na Nga Ba Kaya Nakikitira Na Lang Kay Kim Chiu?

Walang komento


Kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon si Bella Padilla at sa kaibigang si Kim Chiu pansamantalang nakikitira.

May ibinahaging video kamakailan lamang si Bella Padilla sa kanyang Instagram account. Ibinahagi ng aktres sa nasabing video ang kanyang mga moments habang nag-istay sa bansa.

Ayon sa caption ni Bela sa nasabing video, "Life lately. Arrived in Manila a few weeks ago and spent my days enjoying some quiet moments in @chinitaprincess ‘s house…driving…going to my usual favorite spots…spending time with family and friends…and ultimately, mounting a new film with the best team ❤️ life at the moment is both slow and fast. I wake up tired from rest and yet, I feel alive and excited. I realize that there always so many things left unsaid (or unshared) and I’m thankful that you guys just let me be me. ❤️ this has always been life’s greatest gift to me."

Tila na-curious naman ang isang netizen kung bakit hindi sa isang mamahaling hotel pansamantalang tumitigil si Bela. Tanong nito kung napurdoy na ba daw umano ang actress at hindi na afford ang maghotel?

Sa hindi pa nakakaalam, nandito sa Pinas si Bela dahil sa isang project na kanyang idi-direk. Samantala nagbigay ng warning si Bela sa mga netizens hinggil sa mga fake accounts na gumagamit sa kanyang pangalan at nagrereply sa mga messages.

Ayon kay Bela, dalawang account lamang sa social media ang siya mismo ang naghahandle.

Raymond Gutierrez Na Shook Sa Inamin Ni Ruffa Sa Kanya about Kay Yilmaz!

Walang komento


Labis na natutuwa si Raymond Gutierrez sa pag-uwi ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ruffa Gutierrez sa Pilipinas.

Agad silang nagbonding sa pag-uwi ni Ruffa tila matagal na panahon at namimiss ni Raymond ang kanyang kapatid. Namiss umano nito ang kanyang ate sa mga lakad at mga raket nila sa showbiz. Minsan ay nakakasama nila ang asawa ni Richard na si Sarah Lahbati.

Spotted silang nagdinner kahapon kasama ang boyfriend ni Raymond. Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, labis na nagulat si Raymond sa ilang mga bagay na ibinahagi ni Ruffa sa kanya. Ayon umano kay Ruffa, namimiss na niya ang Istanbul at nagbabalak siyang magbakasyon roon at isasama niya ang kapatid na si Raymond.

Kapamilya Aktres-Malandi at Laspag Na?

1 komento


Kamakailan lamang ay binigyan ng linaw ng aktres ang kanyang mga bashers na nagsasabing malandi at laspag na siya.

Napuna ng ilang netizens ang isinuot ni Barbie Imperial sa isa sa kanyang social media posts. Puna ng mga bashers, "Nagpakita ka ng katawan mo naka swim suit. May nagphoto shop pinahubad ka. Pareho din nagpabastos ka sa sarili mo."

Sinagot naman ito kaagad ni Barbie at sinabing, "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin, okay? Kasi hindi naman ikaw bumili ng nung swimsuit ko, at hindi rin naman ikaw nag-picture sa akin."

May isa pang basher na humirit at sinabing hindi pa rin siya nakakamove on. Wala na rin umanong seseryuso sa kanya na lalaki dahil laspag na siya.

Agad namang bwelta ni Barbie, "Grabe naman maka-laspag, teh. Gusto kong magsabi ng masasamang words pero.. first of all hindi naman ako laspag. Hello! Hindi ako laspag and I'm proud to say that."

Inamin naman ni Barbie na malandi siya kapag nasa isang relasyon at nilalandi umano niya ng husto ang kanyang boyfriend.

"Malandi talaga ako sa isang tao kapag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga nang sobra 'yung boyfriend ko. Pero hindi ako malandi. As in proud talaga po ako sabihin na hindi ako 'yung babae na kerengkeng agad-agad. Hindi ako ganun."



Willie Revillame Nagsalita Na! Tinakbuhang 1 Million Pesos Price Mula Sa Wowowin Contestant Winner!

Walang komento


Host at producer ng Wowowin na si Willie Revillame, inirereklamo ng isang contestant ng Wowowin sa halagang 1 million pesos price na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano naibibigay ng buo.

Nagbigay ng explanation ang kampo ni Willie Revillame tungkol sa reklamo ng Pera o Kahon winner na hindi pa umano natatanggap ng buo ang kanyang napanalunang premyo. Nag-ugat ang usaping ito mula sa Youtube vlog nina Ogie Diaz na Showbiz Update.

Ayon kina Ogie Diaz, naka-usap umano nila ang kapatid ng nanalo ng isang milyon sa segment ng Wowowin na Pera o Kahon. Nasa 400,000 lamang umano ang natanggap ng kanyang kapatid sa napanalunang price noong October 31, 2021 sa Wowowin show ni Willie.

Ayon pa sa kwento ng kapatid ng winner, noong March 2022 pa lamang nila nakuha ang partial na 400,000 pesos sa kanilang napanalunan. Matapos ang limang buwan mula ng manalo. Sinabihan din umano sila na sila na ang bahalang maghabol sa mga sponsors sa kulang na 600,000 pesos sa kanilang price.

Samantala, ayon sa programa nina Cristy Fermin na CristyFerminute, inilahad ni Cristy Fermin ang explanation ng kampo ni Willie hinggil sa nasabing isyu. Bigla na lamang umanong nawala ang sponsor na Zed Philippines kaya hindi naibigay sa winner ang kanyang napanalunang prize.

Ayon pa kay Manay Cristy si Willie na mismo ang nag-abuno ng price para kahit papaano ay may naibigay sila sa nanalo. May mga pinirmahan naman ang mga nanalo. Dagdag pa ni Manay, mahirap talaga kapag may show ka na nagbibigay ng papremyo tapos bigla na lamang nawala ang sponsor.

Ipinunto din ni Cristy Fermin na walang kasalanan ang host na si Willie Revillame at maging ang GMA7. Ang may malaking kasalanan ani ni Cristy ay ang sponsor na bigla na lamang umatras.

Samantala, ayon naman sa nakapanayam nina Ogie Diaz na kapatid ng winner ay napilitan lamang umano silang permahan ang waiver para makuha ang 400,000 na wala pa sa kalahati ng kanilang napanalunan kaysa sa wala silang makuha.

Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang pangyayaring ito. May ilang nagsasabi na obligasyon ni Willie ang maghabul at magbigay ng premyo dahil show naman niya yun. Ang ilan naman ay nagsasabi na huwag na lamang magpapalaro kung paasahin lamang pala ang mga mananalo.



Maja Salvador Huling Birthday Bilang Single!

Walang komento


Isang masayang pagdiriwang ang naganap bilang celebration sa kaarawan ni Maja Salvador. Inamin rin ng fiancee ni Maja Salvador na si  Rambo Nunez na ito na ang huling birthday celebration ni Maja as a single.

Naroon rin sa pagdiriwang nila ang ilang malalapit na kaibigan ng actress at mga kasamahan sa Eat Bulaga. Makikita rin sa mga video na ibinahagi na labis na nag-eenjoy si Maja sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan.



Bea Alonzo Muling Nilait Ni Lolit Solis 'Bituin Walang Ningning'

Walang komento


Sa hindi na mabilang na pagkakataon, muling naglabas ng panlalait si Manay Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account nitong October 6, 2022, muling nagpost si Manay Lolit Solis ng panlalait kay Bea Alonzo na kasalukuyang gumaganap na bida sa Philippine adaptation ng Start-up. Ayon kay Manay napanood ng kanyang mga kaibigan ang Start-up Ph, kitang-kita umano ng mga ito ang wrinkles ni Bea Alonzo habang nakatabi kay Alden Richards. Ayon pa kay Manay, baka magconsult a lawyer na naman ang kampo ni Bea gayung hindi nakakatulong ang lawyer sa pag-aalis ng mga wrinkles ng actress.

"After ng lunch natin Salve, plano na naman ni Leo Espinosa, PatP at Gorgy na magkaruon ng lunch with Cong. Rachel Arenas. Jogging friends pala sila Cong. Rachel Arenas at Leo Espinosa kaya type din nila na makasama tayo sa lunch. Siguro exciting lunch iyon dahil si Leo pala ever favorite si Bea Alonzo at talagang gandang ganda siya sa haggard beauty nito na lalong tumindi ng mapatabi sa very young looking na si Alden Richards. Lalong nakita ni Leo mga wrinkles ni Bea habang nanunuod siya ng Start Up PH kaya naniwala siya na medyo haggard beauty na ang talent ni Shirley Kuan. Baka naman pareho ng edad sila Bea at Shirley kaya ganuon, palagay mo Salve at Gorgy ? Baka naman consult a lawyer agad ang gawin ni SK dahil dito, eh may magagawa ba ang lawyer para maalis wrinkles ni Bea ? Kailangan ba ng lawyer para mag cancel ng mga invited guests sa isang presscon na hindi naman nila gastos kundi ng Beautederm, hayan tuloy , hindi successful ang sales ng endorsed product niya sa Beautederm, kawawa naman si Rhea Tan na sobra sa bait kaya na power play nila. No matter kung ano pa sabihin, basta wala ng ningning si Bea Alonzo. Suwerte siya at pumayag si Alden Richards na mag partner sa kanya. Kasi nga, saan ka naman nakakita ng star na nagpapa cancel ng invited guest, tinalbugan niya mga super mega star of all seasons ha, feeling on top eh nasa ibaba na. Hay naku Bea Alonzo, reality check muna noh, baka sobra eklay na natatanggap mo sa team mo, akala mo nasa top ka parin, maging tutoo, huwag mag ilusyon. Harapin ang katotohanan, sabihin nyo nga Salve at Gorgy. Bongga."

Talagang hindi pa rin nakakamove-on si Manay Lolit Solis sa umano'y pagpapakansel sa kanila ni Bea Alonzo sa nakaraang launching nito sa Beautederm. Ayon pa kay Manay na hindi naging sucessful ang sales ng Beautederm mula ng maging endorser si Bea Alonzo.


Pbbm Nagbigay Ng Pahayag Sa Pagpasl4ng Kay Percy Lapid Sa Gitna Ng Pambabatikos Ng Kilalang Anti!

Walang komento


Nagbigay na ng pahayag si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. hinggil sa pagkapaslang ng isang kilalang broadcaster at commentator na si Percy Lapid.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr. "We will support and protect the rights of the media as they efficiently performs their duty."

Inilahad din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga tungkulin ng media, ito ay hindi lamang pag-analyze at pagbigay ng opinyon, kundi ang ipaalam sa publiko kung ano ang mga ginagawa ng gobyerno.

"It is the job of our media practitioners to not only analyze, to not only give their opinion, but to also inform and let our people know what the government is doing, how they can be part of that process of progress that we have started."



Matatandaang sa ilang mga reaksyon at opinyon ng mga kilalang anti-Marcos, tila sinisisi ng mga ito ang kasalukuyang administrasyon sa pagkapaslang kay Lapid. Ilan sa mga ito ay sina Bam Aquino, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Ressa Hontiveros.

Hindi man sinabi ng mga ito ang pangalan ng Pangulo ngunit base sa kanilang mga pahayag ay mahihinuhang may laman itong pasaring para sa kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Pres. Bongbong Marcos.

Sharon Cuneta, Binabatik0s Ng Mga Sokor Netizens Matapos Ang Viral Na Hindi Pagpapasok Sa Hermes Store!

Walang komento


Nakarating na sa isang Korean News Website ang insidenteng kinasangkutan ni Sharon Cuneta kamakailan sa Hermes Store sa South Korea.

Naging headline si Mega Star sa balita sa South Korea at isinulat ang umano'y discrimination na naganap. Isinalaysay sa nasabing site ang inilabas na part ng Youtube vlog ni Sharon. Isinulat din ang ilang mga komento ng mga netizens sa bansa kagaya na lamang ng umano'y discrimination at reservation policies sa mga luxury stores.

Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaction ang nasabing balita mula sa ilang mga Soutn Korean netizens. May ilan na nilalait si Sharon Cuneta at tinatawag sa kung ano-anong pangalan. Kagaya na lamang ng pig, monkey at stupid.



Agad namang ipinagtanggol ng mga Pilipino netizens si Sharon Cuneta laban sa mga panlalait ng ilang South Korean netizens. Samantala, nananatiling tahimik si Sharon hinggil sa insidenting ito.

Tunay Na Dahilan Ng Pagkawala Ng Facebook Page Ni Ivana Alawi!

Walang komento


Hindi naniniwala ang Self-proclaimed Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza sa pahayag ni Ivana Alawi na bigla na lamang nawala ang kanyang Facebook na may mahit 19 million followers.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang Instagram post ni Ivana Alawi kung saan ibinahagi niyang bigla na lamang umanong binura ng Facebook ang kanyang verified page na may mahigit 19 million followers nang wala man lang abiso.

Humingi rin siya ng tulong mula sa publiko kung sino ang may kilala na makakatulong sa kanya. Ayon kay Ivana, maging ang ilang mga kilalang personalidad kagaya ng kaibigang si Zeinab Harake ay tinanggal din ang verified pages.

Samantala, ibinahagi naman ni Xian Gaza sa kanyang Official Facebook account na hindi siya naniniwalang bigla na lamang nawala ang Facebook page ni Ivana. Ayon sa kanya, baka sinadya ito ng actress upang maka-iwas sa pagbabayad ng buwis. Ipinunto din ni Xian na hindi basta-basta nagdedelete ng pages ang Facebook ng walang malaking dahilan. Dagdag pa niya, kaduda-duda na halos nagkakasabay-sabay ang pagkawala ng mga pages ng mga sikat na vlogger.



Agad namang umani ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Xian. May ilan na hindi nanininiwalang iniiwasan nina Ivana at Zeinab ang BIR. Subalit, ayon naman sa iba na may punto si Xian sa kanyang mga isiniwalat.

Kylie Padilla, Bistado Kay Cristy Fermin, Rumored Boyfriend Isiniwalat!

Walang komento


Mainit na usap-usapan sa social media ang naging blind item nina Romel Chika, Morly Alinio at Cristy Fermin sa kanilang vlog sa Youtube channel ni Cristy Fermin na Shobiz Now Na.

Sa nasabing vlog napag-usapan nila ang isang artistang na spotted na may kasamang lalaki. Halatang-halata umano na may relasyon ang dalawa. Kilalang-kilala umano ang aktres na ito dahil sikat ang kanyang lastname.

Ayon naman sa ilang mga netizens ang aktres na tinutukoy ni Cristy Fermin ay walang iba kundi si Kylie Padilla. Halos lahat kasi ng clue ni Cristy ay tila si Kylie ang tinutumbok. 



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo