Bea Alonzo Umaming Nasasaktan Sa Mga Panglalait Sa Kaniya ni Lolit Solis!

Biyernes, Oktubre 7, 2022

/ by Lovely

Nagbigay na ng pahayag si Bea Alonzo hinggil sa panglalait sa kanya ng ilang mga netizens at lalong-lalo na ni Manay Lolit Solis.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung paano nilalait ni Lolit Solis si Bea Alonzo, na sinigundahan naman ng ilang mga netizens.

Sa presscon na ginanap para sa serye nilang Start-Up kasama si Alden Richards, isa sa mga naitanong sa dalaga, kung ano ang masasabi niya sa kanyang mga bashers at kung ano ang nararamdaman niya.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang aktres at sinabing nasasaktan din siya sa mga sinasabi ng mga bashers lalong-lalo na kapag below the belt na ang mga pahayag ng mga ito. Tila nalilimutan minsan umano ng mga ito na tao din siya at may pakiramdam.

Dagdag pa ni Bea, "I only pick the criticism that will help me. Because there are things na hindi mo kailangan sa buhay na minsan ay makasama pa sa iyo. You don't want to dwell on that kind of energy."

Ang mga kritisismo lamang umano mula sa mga fans at kaibigan ni Bea na alam niyang nagmamahal sa kanya, ang kanyang mga pinapakinggan at tinatatak sa kanyang isip. Aminado din ang actress na hindi siya perpekto at may mga bagay na hindi siya magaling.

Sa kabila naman nito, hindi pa rin naiiwasan ng aktres na minsan ay naiisin na magpahinga at tumigil muna kapag sobra na ang mga pambabash at panlalait sa kanya. Lalo na mula sa kolumnistang si Lolit Solis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo