Cristy Fermin Tinarayan Ng Anak Ni Gretchen Na Si Dominique Cojuangco!

Biyernes, Oktubre 7, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagsagot ng panganay na anak ni Gretchen Barretto sa Kolumnistang si Cristy Fermin.

Matatandaang, inilahad ni Cristy Fermin ang isyu ng pagbubuntis ng anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco sa kanyang Youtube vlog na Showbiz Now Na. May ilang mga netizens na nagtatanong kay Dominique, kung nagdadalang-tao na ba umano ito, dahil sa vlog ni Cristy Fermin ay paulit-ulit na binanggit ng Kolumnistang magiging lola na ang ina niyang si Gretchen Barretto.

Agad naman itong itinanggi ni Dominique at sinabing, walang baby. Nagtatrabaho lamang umano siya ng full-time sa The Collective. Dagdag pa ni Dominique, kailangang humanap ng ibang pampalipas oras si Cristy Fermin.



Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na may inilabas na isyu ng pagbubuntis si Cristy Fermin sa ilang mga kilalang celebrities. Naunang inilabas ni Manay Cristy ilang buwan na ang nakakalipas, ang umano'y pagbubuntis ni AJ Raval. Ngunit agad din itong itinanggi ng aktres.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo