The Emotional Wedding Engagement of Angelica Panganiban and Gregg Homan!

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi nina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa kanilang Youtube vlog na pinamagatang The Homans ang naganap na wedding proposal ni Gregg five months ago.

Naganap ang wedding proposal ni Gregg kay Angelica noong 4 months pregnant ito sa una nilang baby na si Baby Amila. Bago magpropose, nagrecord ng video si Gregg kung saan makikitang kinakausap niya ang kanilang baby ni Angelica na nasa loob pa ng sinapupunan nito.

Ayon kay Gregg, kinakabahan umano siyang magpropose kay Angelica lalo na't napaka moody nito sa mga panahong iyon. Sa sumunod namang eksena ay sinet ni Gregg ang kamera ng parang nagpapakuha lamang sila ng larawan sa dalampasigan at dito na naganap ang proposal ni Gregg.

Sabi ni Gregg kay Angelica, "Maraming paraan para sumaya sa buhay na ito pero ikaw lang ang kailangan ko." Sabay luhod at tanong, "Will you marry me?"

Napaka-raw at authentic ng reaksyon ni Angelica sa proposal ni Gregg. Makikita talaga sa reaksyon nito na wala siyang kaalam-alam na magpopropose na si Gregg sa panahong iyon. Hindi katulad ng mga proposal ng ibang mga celibrities na tila scripted lamang.

Noong una ay no ang sagot ni Angelica sa proposal ni Gregg. Dahil inaantok si Angelica noong panahong iyon at tila wala sa huwisyo sa mga nagaganap. Sa pangalawang pagkakataon naman nang tinanong ni Gregg si Angelica ng 'Will you marry me?' ang sagot naman ni Angelica ay 'I don't know.'

Marami naman ang nagulat sa mga naging sagot ni Angelica kay Gregg. Ngunit hindi pa rin sumuko si Gregg at muling tinanong si Angelica. Dito na tila natauhan si Angelica na nagpopropose pala sa kanya si Gregg. Dito napaupo si Angelica at yumakap kay Gregg saba'y sabing 'Yes, I love you.'



Komento naman ng ilang mga netizens na nakapanood ng nasabing vlog, na ang nasabing proposal ni Gregg ang pinakasimple but the sincerest na proposal. Si Gregg lamang ang nagplano gamit ang kanyang cellphone to capture the moment. Wala ring audience at mga pasabog gayunpaman mararamdaman pa rin ang love and sincerity. Mahahalata rin na wala talagang kaalam-alam si Angelica na magpopropose na si Gregg sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo