Magkakaharap Na Sina Vhong at Deniece Sa Unang Pagkakataon!

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


Sa kauna-unahang pagkakataon matapos makulong ng actor-TV host na si Vhong Navarro, nakatakda na ang paghaharap nila sa korte ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Sa wakas itinakda na ng Taguig Trial Court ang arraignment ni Vhong Navarro sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo. Inaasahan ng korte na sisipot ang complainant na si Deniece Cornejo at Defendant na si Vhong Navarro sa nasabing arraignment.

Magaganap ang arraignment kay Vhong Navarro sa darating na Martes October 11, 2022 sa Taguig Trial Court bandang 1:30 ng hapon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkikita sina Vhong Navarro at Deniece Cornejo matapos mabuksan muli ang mga kaso laban kay Vhong Navarro.

Matatandaang hindi na nakauwi si Vhong Navarro matapos sumuko sa NBI ng lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo