Finally! Winwyn Marquez Reveals Identity of Non-Showbiz Boyfriend!

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


Sa unang pagkakataon ay ipinakita na sa publiko ng beauty queen-actress na si Wynwyn Marquez ang kanyang non-showbiz boyfriend. Maraming mga netizens ang nagulat matapos ipakita ni Wynwyn Marquez ang kanyang non-showbiz boyfriend sa publiko noong binyag ng kanilang anak na si Baby Luna.

Naganap ang binyag ng baby nina Wynwyn Marquez na si Luna Teresita Rayn sa Sacred Heart Parish Muntinlupa noong October 7, 2022. Kabilang sa mga ninong ni Baby Luna ay sina Ken Chan, Rodjun Cruz, at Enzo Pineda. Naroon din ang kanyang ina na si Alma Moreno at ang kanyang half brother na si Vandolph Quizon.

Matagal ng curious ang mga netizens kung sino ang boyfriend ng actress. Matapos ang hiwalayan nila noon ni Mark Herras. Matatandaang umabot din sa tatlong taon ang kanilang relasyon.

Matatandaang noong 2021 sa isang interview, inamin ni Wynwyn na may non-showbiz boyfriend na siya. Subalit hindi nito ipinakilala ang nobyo upang mapangalagaan ang privacy nito. Sa kabila naman umano nito ay hindi niya ikinakahiya ang boyfriend dahil mahal niya ito.

December 2021, ibinalita ni Wynwyn sa publiko ang kanyang pagbubuntis. Hanggang sa kanyang panganganak ay hindi pa rin niya ipinakita ang mukha ng kanyang boyfriend.

Hanggang nitong October 7 sa binyag ni Baby Luna ay finally ipinakita na ni Wynwyn ang mukha ng kanyang boyfriend. Positibo naman ang komento ng mga netizens sa physical feature ng boyfriend ni Wynwyn. Napaka-gwapo umano nito at artistahin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo