Maris Racal Ni-lait Sa Pang0ng0pya Sa Blackpink!

Walang komento

Linggo, Oktubre 2, 2022


Tinangkang gayahin ni Maris Racal ang choreograph ng sikat na Korean Girl Band na Blackpink.

Sa videong ibinahagi ni Maris sa Instagram makikita siyang nagsasayaw habang naka all-white outfit. Makikita sa nasabing video ang pagsayaw ni Maris na ginagaya ang moves ng Blackpink. Humataw sa pagsayaw si Maris sa awiting shutdown ng Blackpink.

Makikita naman ang effort ni Maris sa pagsayaw. Ayon sa caption ni Maris, ang choreographer ng Gforce ang nagturo sa kanya.

Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento ang nasabing paghataw ni Maris. Natutuwa at pumapalakpak ang mga tagahanga ni Maris at ilang mga celebrities sa bagong dance video nito dahil makikita naman talaga ang kanyang husay.

Subalit ang ilang mga tagahanga ng Blackpink ay tila nilait ang pagsaya ng aktres at tila nakukulangan pa sa mga ipinakita nito. Ayon pa sa iba, talagang hindi magagaya ang style ng Blackpink lalo na ang smooth na paggalaw ng mga ito at ilang mga styles.



Asawa Ni Vhong Navarro Humagulgol Matapos Mangyari Ang Kinatatakutan Nila Sa Kaso ni Vhong!

Walang komento


Dismayado ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista matapos ibasura ng Court of Appeals ang inihain Motion for Recosideration ng leagal team ng kanyang asawa.

Labis na nalulungkot ang asawa ni Vhong Navarro matapos hindi paburan ng korte ang hiling nila na manatili si Vhong Navarro sa NBI Detention Center.

Tila mangyayari na ang labis na kinakatakutan ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista, na posibleng sa paglipat sa kay Vhong sa Taguig City Jail ay may mangyayaring masama rito. Kasalukuyang sa nakakulong si Vhong Navarro sa NBI Detention Center matapos ang kusang pagsuko.

Noong September 29 nagpetisyon ang kampo ni Deniece sa korte upang mailipat si Vhong Navarro sa Taguig City Jail. Ito ay dahil umano ang korte ng Taguig City ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong. Agad namang naghain ng urgent motion ang kampo ni Vhong Navarro para manatili ito sa puder ng NBI dahil sa umano'y banta sa buhay nito.

Matatandaang naibihagi ni Tanya sa kanyang presscon noong September 21 ang isang mensahe ng pagbabanta umano sa buhay ng aktor. Labis na natatakot si Tanya sa possibleng mangyari kay Vhong kung ililipat ito.



Samantala, hindi naman pinayagan ng Taguig Trial Court ang Urgent Motion ng kampo ni Vhong sa pananatili nito sa puder ng NBI habang nililitis ang mga kasong kinakaharap nito ngayon. Ayon sa korte, hindi umano sapat ang ipinakitang ebidensya ng kampo ni Navarro upang payagan nila ang kanilang petisyon.

Ayon sa bali-balita, kapag lumabas na ang Court Order ay ililipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail. Maaring mangyari umano ito sa darating na lunes, October 3, 2022.

Robin Padilla Inoperahan Sa Puso!

Walang komento


Kamakailan lamang ay isinugod sa ospital si Sen. Robin Padilla.

Ibinahagi ang balitang ito ng kanyang maybahay na ang aktres-TV host na si Mariel Rodriguez sa pamamagitan ng social media post noong Sabado October 1, 2022.

Pagbabahagi ni Mariel gamit ang kanyang Instagram account, "We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers 🙏🏼 we want to thank our cardiologist Dr. Lopez and Dr. Javier, all the nurses, med tech, people from admission and everyone in @asianhospitalph ofcourse Dr. Rodney Fernan and Dra Agnes del Rosario and nurses in @cardinalsantos big big thanks to @betchayvidanes and the OSRP staff 🙏🏼🙏🏼🙏🏼 praise God!!!"

  

Kalakip ng nasabing post ang compilation ng mga larawan ni Senator Robin habang nagpapagaling at ang video ng kanilang anak na nagbibigay ng mensahe para sa kanyang ama. Agad namang bumuhos ang mga mensahe at pagdadarasal para sa Senador mula sa kanyang mga kaibigan, pamilya at mga tagasuporta. Maging ang ilang mga kasamahan at kaibigan ni Sen. Robin sa industriya ay nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe para sa pinagdadaan ng aktor.

Topakk, Bagong Action Movie Nina Julia Montes at Arjo Atayde!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 30, 2022


May upcoming movie ang talented actress na si Julia Montes.

Si Julia Montes ang bibida sa action-thriller na Topakk. Ang mga larawan ni Julia sa pagdalo ng isang emersion training ay ini-upload sa social media ng Cornerstone Entertainment.

Ang Topakk ay isang action-thriller film sa direction ni Direk Richard Somes. Kasama sa mga cast sina Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, Ced Lucero, Paulo Paraiso at iba pang magagaling na artista sa industriya.

Ang nasabing post ay nagpapakita ng ilang behind the scene ng Topakk.


Nakakagulat! Dina Bonnevie May Matinding Rebelasyon Kay Pauleen Luna!

Walang komento


Aminado ang actress-businesswoman na si Dina Bonnevie na nakakaramdam siya ng awkwardness sa bagong asawa ng dating mister Vic Sotto na si Pauleen Luna.

Sa isang interview kay Dina sa katatapos lamang na pressccon, natanong sa kanya ang kanilang relasyon nina Connie Reyes at Pauleen Luna. Si Pauleen ang kasalukuyang asawa ngayon ni Vic Sotto habang si Connie naman ay ang dating karelasyon nito.

Ayon kay Dina, maayos ang relasyon nila ng ina ni Pasig Mayor Vico Sotto dahil matagal na silang magkaibigan, noon pa man. Ngunit ngayon ay hindi pa umano sila nakakapag-usap ng matagal at simpleng batian lamang.

Ibinahagi rin ni Dina na nagkita sila noon ni Pauleen sa binyag ng bunso nina Oyo Sotto at Christine Hermosa. Simpleng pagbati lamang din ang ginawa nila kahit pa nagkakilala na sila noon pang naging guest siya sa show ni Ryza Mae. Ngunit hindi pa umano kasal noong panahong iyon sina Pauleen at Vic.

Naipakilala na rin umano sa kanya noon ang anak nina Pauleen at Vic Sotto na si Thalie. Inamin din ng aktres na sinubukan ni Pauleen na maka-usap siya at maging okay sa isa't-isa ngunit hindi ito natuloy dahil wala na naman silang dapat na pag-usapan pa. Napaka-awkward naman umano kung si Vic Sotto ang kanilang magiging topic.

Ngunit umaasa pa rin si Dina na darating ang panahon kung saan makakapag-usap sila ni Pauleen ng natural at maging magkaibigan.



Deniece Cornejo Nagpetisyong Ilipat Sa Taguig City Jail Si Vhong Navarro!

Walang komento


Nagsampa ng petition with urgent motion sa korte ang modelong si Deniece Cornejo na ilipat sa Taguig City Jail ang aktor na si Vhong Navarro.

Hanggang ngayon ay nananatiling nasa poder ng NBI si Vhong Navarro sa kanilang detention center matapos ibinasura ang inihaing Motion for Consideration.

Nagpetisyon umano si Deniece para sa urgent na pagpapatransfer kay Vhong Navarro mula sa NBI Detention Center at ilipat na sa Taguig City Jail. Ayon sa mga abogado ni Deniece, "The rules of court provide that the officer should bring the accused to the nearest Police Station or Jail without unneccessary delay."

Matatandaang noong September 19, 2022, sumuko si Vhong Navarro sa NBI matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong isinampa ni Deniece. Nakapagbayad ang aktor ng 36,000 pero hindi pa rin nakauwi matapos may isa pang warrant na lumabas sa kasong rape na unbailable.

Naghain naman ng petition for bail ang abogado ni Vhong para sa kasong rape ngunit sa kasamaang palad ay ibinasura lamang ito ng Court of Appeals.



Gabbi Binalandra Ang Makinis Na W3tp4ks Sa IG!

Walang komento


Sa bagong ibinahaging update ni Gabbi Garcia sa Instagram account niya kamakailan lamang, agad napansin nila nag wetpacks ng dalaga. 

"believe it or not, this was part of our front yard in Joshua Tree." caption ni Gabbi sa kanyang Instagram post. Kalakip nito ay ang larawan niya habang nasa bathtub jacussi. Suot ni Gabbi ang isang onepiece yellow swimsuit na lalong nagpatingkad sa hubog ng kanyang katawan.

Agad naman itong napansin ng ilang mga netizens at agad bumuhos ang fire emojis sa nasabing post ng aktres.


Alex Gonzaga May Birthday Message Sa Pamangkin Na Si Seve Sa ika-6 Kaarawan Nito!

Walang komento


Nagbigay ng mensahe sa Alex Gonzaga para sa ika-6 na kaarawan ng anak ni Toni at Paul Soriano na si Seve.

Ibinahagi ni Alex ang isang nakakatuwang video ni Seve sa kanyang Instafram account, kalakip ang caption na, "Seve remember?? Happy birthday @severianoelliott thank you for always making the whole family smile! 😛🤣"


Samantala, nagviral naman ang isang video ni Alex habang bumibili ng tinapay sa Italy. Kinatuwaan ito ng kanyang mga tagahanga matapos makita ang pagkatinga ni Alex dahil sa pagkain ng tinapay kaya naman sabi ni Alex na 'monay' na lamang ang kakainin niya sa susunod.

Vice Ganda at Showtime Fam Waging Wagi Sa Asian Academy Creative Awards!

Walang komento


Labis na natutuwa ang It's Showtime family sa katatapos lamang na Asian Academy Awards dahil sa sunod-sunod na awards na kanilang napanalunan.

Una na rito ang kanilang awards bilang Best General Entertainment Game or Quiz Programme ng Asian Academy. Maging si Direk Jon Moll ay nanalo rin bilang Best Diretor. Wagi rin bilang Best Entertainment Host si Vice Ganda.



Korina Sanchez Nagsalita Kaugnay Ng Hiwalayan Ng Magasawang Heart Evangelista at Chiz Escudero!

Walang komento


Maging ang kilalang broadcaster na si Korina Sanchez ay hiningan din ng opinyon hinggil sa napapabalitang hiwalayan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Naitanong kay Korina sa isang panayam kung nasa listahan ba ng mga celebrities na nais niyang maging guest sa kanyang programa ang mag-asawang Heart at Chiz upang hingan ng interview.

Hanggang ngayon ay curious pa rin ang ilang mga netizens lalong lalo na ang mga fans ng fashion icon at Kapuso actress Heart Evangelista sa totoong estado ng kanilang relasyon ng kanyang mister. Kasalukuyang nasa Paris ngayon si Heart at wala pa ring ipinapalabas na pahayag hinggil sa kanilang dalawa ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Korina, isa yata umano siya sa pinaka hindi pakialamerang babae sa mundo. Hindi rin umano siya nakikikompetensya kung sino ang pinaka contriversial. Sinusubukan din umano niyang irespeto ang privacy at circumtances ng ibang tao.

Inamin naman ni Korina na nais niyang mainterview ang dalawa, ngunit possible ring hindi nila pag-usapan ang isyu nila ni Chiz kung ayaw nitong magsalita ukol rito. Ayon pa kay Korina, hindi dapat gamitin ang mga usaping ito upang magkaroon lamang ng content at panoorin ng tao. Kung nais umano ng mga taong panoorin ang kanyang content ay papanoorin pa rin umano nila ito kahit pa hindi nila kakalkalin ang masasakit na nakaraan ng mga artistang kanilang ini-interview.

Sa huli, hiling ni Korina na maging maayos ang sitwasyon ng mag-asawa. Nilinaw din ni Korina na wala talaga siyang alam sa kung ano ang nagaganap sa pagitan ng mag-asawa.



Direk Daryl Nag Reak!! May Bwelta Sa Mga Mag Boboycott Sa Shoppee Dahil Kay Toni Gonzaga!

Walang komento


Tila hindi na nakatiis si Direk Darrl Yap sa mga nababasang negatibo tungkol sa pagpapaboycott sa Shopee dahil sa pagpili nito kay Toni Gonzaga bilang bagong ambassador.

Sa Facebook post ng Director tila dinipensahan ni Direk Darryl si Toni at sinabing, "Beh, pull-out nyo muna bago nyo iboycott hahaha!" Kalakip nito ay ang ilang larawan ng produkto galing sa Angat Buhay.


Marami ang hindi natuwa sa pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang ambassador dahil sa pagsuporta nito sa UniTeam noong nakaraang National Elections. Karamihan sa mga nag-cancel at nagdeactivate ng kanilang mga shopee account ay ang mga supporters ng dating Vice President Leni Robredo na naging katunggali ng nanalong pangulo na si Bongbong Marcos.

Toni Gonzaga Bagong Brand Ambassador Ng Shopee! Nagpasalamat Sa Pambabash Ng Mga Netizens!

Walang komento


Trending ngayon sa lahat ng mga social media platforms si Toni Gonzaga matapos mapili bilang bagong ambassador ng Shopee Philippines.

Laking gulat ng ilang mga netizens na si Toni Gonzaga ang napili ng Shopee para sa kanilang 10.10 brand festival. Malaki naman ang pasasalamat ni Toni sa Shopee ph. at sa Shopee Family. Nagpapasalamat din si Toni dahil trending siya sa buong bansa.

Ayon kay Toni, "We are also grateful, because since yesterday, we are trending. We are grateful for the netizens for their mentions, their engagements. We are grateful for them because they are one of the reasons that we are here."



Matatandaang may ilang mga netizens ang labis na nadismaya at nagbabantang hindi na gagamit pa ng Shopee dahil sa pagkuha kay Toni bilang ambassador.

'Buntis Ka Gurl'! Mga Fans Natak0t Sa Workout Session Ni Iza!

Walang komento


Naalarma ang mga tagahanga ni Iza Calzado sa bagong video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram acccount.

Makikita sa nasabing video na gumagawa ng mga heavy work out si Iza, gamit ang iba't-ibang instrument sa pagpapalakas at pagpapaganda ng katawan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kasalukuyang nagbubuntis si Iza. Sa katunayan, makikita na ang baby bump ni Iza habang gumagawa ng routine.

Labis na nag-aalala ang kanyang mga tagasuporta para sa kanyang baby. Ngunit sa caption ng nasabing video, sinabi ni Iza na hindi nakakasama para sa kanyang dinadala ang pag-eexercise bagkus ay nakakatulong pa ito sa pagpapalakas ng sanggol.

Ayon sa caption ni Iza sa kanyang IG post, "STRONG MOMS GROW STRONG BABIES ⚡️🤰🏽


During pregnancy, exercise can help you stay in shape and prepare for labor and delivery.

For most pregnant women, at least 30 minutes of moderate-intensity exercise is recommended on most, if not all, days of the week.

Strength training is OK, as long as you stick to relatively low weights.

Yung tipong pwede pa kayo magusap at magtawanan. 😁

Gave her some safe workouts that would strengthen her body during pregnancy..

Stay tuned for our pregnant workout flows!"
 

Makikita sa video na tinutulak ni Iza ang malaking metal platform, hinila din niya ito gamit ang belt na nakakonekta sa kanyang baywang. May ilan pang ginagawa si Iza na kadalasan ay hindi ginagawa ng mga babaeng buntis.

Sikat Na Kapamilya Aktor-Ayaw Nang Bumalik Sa Gma7?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan kamakailan sa mundo ng showbiz ang Kapamilya actor. Ayon sa mga bali-balita, lilipat na umano siya sa GMA7. Ang actor na ito ay galing rin sa Kapuso network at sa paglipat nito sa ABS-CBN ay nanatili na ito sa loob ng 16 years.

Tila tinuldukan naman nito ang balita at nagbigay ng pahayag sa kanyang social media accounts hinggil sa isyu. Ayon sa Kapamilya actor Jake Cuenca, "16 years Kapamilya strong."

Matatandaan noong February 2022 ay pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si Jake Cuenca. Nagbigay din siya ng madamdaming mensahe para sa iba pang Kapamilya artists. Ayon kay Jake Cuenca, mahalaga sa kanya ang ABS-CBN at ang pagiging parte ng network dahil ito ang naging tahanan niya at ito ang nakakabigay sa kanya ng magagandang projects.

Naniniwala rin umano ang aktor na ang ABS-CBN lamang ang makakagawa nito.



"Omg! Lolit Solis Naiyak, Kris Aquino Nagparamdam Sa Kanya! "

Walang komento

Huwebes, Setyembre 29, 2022


Ibinahagi ni Manay Lolit Solis ang kanyang pagkaantig dahil ipinapakitang pagmamahal umano sa kanya ng Queen Of All Media na si Kris Aquino.

Naikwento ni Lolit Solis kamakailan sa kanyang Instagram account na pinadalhan umano siya ng tulong ni Kris Aquino, matapos malamang nagda-dialysis siya.

"Kaya hindi ko puwede hindi mahalin si Kris Aquino dahil lagi siyang ready to help out kung kailangan mo siya, Salve. Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin para alamin kung ano kailangan ko at ibibigay niya agad. To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin. Kahit kelan sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas palad siya dahil mabait ang puso niya. More than anything gusto ko gumaling si Kris para sa mga anak niya. Sana naman anuman ang sakit niya gumaling na at maging energetic siya uli. Kris Aquino will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya. Pagaling ka Kris, don't stress yourself sa mga bagay na walang kuwenta, you are loved and you are worth the love. Thank you, will always remember your sweetness and kindness. Salamat talaga"

Samantala, ayon sa impormasyong aming nakalap mula sa isang source ay hindi pa rin umano nasisimulan ang pagpapachemo therapy ni Kris sa Amerika. Ayon pa rito, ang paglipat ni Kris sa ibang states ang inaaksikaso ng mga ito sa kasalukuyan. Hindi naman binanggit kung saang states ito lilipat.

Kasalukuyang nakacheck in sa isang hotel si Kris kasama ang kanyang mga anak.

Kelsey Meritt at James Reid Gimik Lang Pala Ang Mga Larawan Nila Na Kumakalat Online!

Walang komento


Tila tinuldukan na ni James Reid ang kumakalat na isyu hinggil sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Kelsey Meritt.

Matatandaang naging usap-usapan online ang sweet photos nina James at Kelsey na magkasama sa parking lot. Kasunod nito, agad na kumalat ang balitang mayroon silang romantic relationship. Ngunit sa bagong social media post ni James, tila binigyan niya ng linaw ang mga nasabing isyu.

Ayon sa post ni James sa Instagram, may bago siyang kantang irerelease na may pamagat na U and I. Kasunod naman nito, ibinahagi ni James ang screenshots ng kumakalat na larawan nila ni Kelsey kalakip ang video ng kanilang production.

Caption ni James, "lovescene: u & i 🌹


Out now on all streaming platforms 👅👅👅

Catch me later on TikTok live from @carelessph 8pm for the official launch

I have another surprise for you"

Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang paggawa ng gimik na ito ni James para lamang umano magtrending ang kanyang kanta. Hinuha pa ng ilan na sinadya nila na kumalat ang larawan na sila mismo ang kumuha upang mapag-usapan ang kanyang music video.

Isa pa sa ikinadismaya ng ilang mga netizens ay ang pagdrama nila na ang nagleaked at kumuha ng mga larawang iyon ay isa sa mga obsess fans ng aktor, ngunit ang totoo pala ay mula ito mismo sa staff nila. 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo