Deniece Cornejo Nagpetisyong Ilipat Sa Taguig City Jail Si Vhong Navarro!

Biyernes, Setyembre 30, 2022

/ by Lovely


Nagsampa ng petition with urgent motion sa korte ang modelong si Deniece Cornejo na ilipat sa Taguig City Jail ang aktor na si Vhong Navarro.

Hanggang ngayon ay nananatiling nasa poder ng NBI si Vhong Navarro sa kanilang detention center matapos ibinasura ang inihaing Motion for Consideration.

Nagpetisyon umano si Deniece para sa urgent na pagpapatransfer kay Vhong Navarro mula sa NBI Detention Center at ilipat na sa Taguig City Jail. Ayon sa mga abogado ni Deniece, "The rules of court provide that the officer should bring the accused to the nearest Police Station or Jail without unneccessary delay."

Matatandaang noong September 19, 2022, sumuko si Vhong Navarro sa NBI matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong isinampa ni Deniece. Nakapagbayad ang aktor ng 36,000 pero hindi pa rin nakauwi matapos may isa pang warrant na lumabas sa kasong rape na unbailable.

Naghain naman ng petition for bail ang abogado ni Vhong para sa kasong rape ngunit sa kasamaang palad ay ibinasura lamang ito ng Court of Appeals.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo