Kelsey Meritt at James Reid Gimik Lang Pala Ang Mga Larawan Nila Na Kumakalat Online!

Thursday, September 29, 2022

/ by Lovely


Tila tinuldukan na ni James Reid ang kumakalat na isyu hinggil sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Kelsey Meritt.

Matatandaang naging usap-usapan online ang sweet photos nina James at Kelsey na magkasama sa parking lot. Kasunod nito, agad na kumalat ang balitang mayroon silang romantic relationship. Ngunit sa bagong social media post ni James, tila binigyan niya ng linaw ang mga nasabing isyu.

Ayon sa post ni James sa Instagram, may bago siyang kantang irerelease na may pamagat na U and I. Kasunod naman nito, ibinahagi ni James ang screenshots ng kumakalat na larawan nila ni Kelsey kalakip ang video ng kanilang production.

Caption ni James, "lovescene: u & i 🌹


Out now on all streaming platforms πŸ‘…πŸ‘…πŸ‘…

Catch me later on TikTok live from @carelessph 8pm for the official launch

I have another surprise for you"

Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang paggawa ng gimik na ito ni James para lamang umano magtrending ang kanyang kanta. Hinuha pa ng ilan na sinadya nila na kumalat ang larawan na sila mismo ang kumuha upang mapag-usapan ang kanyang music video.

Isa pa sa ikinadismaya ng ilang mga netizens ay ang pagdrama nila na ang nagleaked at kumuha ng mga larawang iyon ay isa sa mga obsess fans ng aktor, ngunit ang totoo pala ay mula ito mismo sa staff nila. 

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo