Korina Sanchez Nagsalita Kaugnay Ng Hiwalayan Ng Magasawang Heart Evangelista at Chiz Escudero!

Biyernes, Setyembre 30, 2022

/ by Lovely


Maging ang kilalang broadcaster na si Korina Sanchez ay hiningan din ng opinyon hinggil sa napapabalitang hiwalayan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Naitanong kay Korina sa isang panayam kung nasa listahan ba ng mga celebrities na nais niyang maging guest sa kanyang programa ang mag-asawang Heart at Chiz upang hingan ng interview.

Hanggang ngayon ay curious pa rin ang ilang mga netizens lalong lalo na ang mga fans ng fashion icon at Kapuso actress Heart Evangelista sa totoong estado ng kanilang relasyon ng kanyang mister. Kasalukuyang nasa Paris ngayon si Heart at wala pa ring ipinapalabas na pahayag hinggil sa kanilang dalawa ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Korina, isa yata umano siya sa pinaka hindi pakialamerang babae sa mundo. Hindi rin umano siya nakikikompetensya kung sino ang pinaka contriversial. Sinusubukan din umano niyang irespeto ang privacy at circumtances ng ibang tao.

Inamin naman ni Korina na nais niyang mainterview ang dalawa, ngunit possible ring hindi nila pag-usapan ang isyu nila ni Chiz kung ayaw nitong magsalita ukol rito. Ayon pa kay Korina, hindi dapat gamitin ang mga usaping ito upang magkaroon lamang ng content at panoorin ng tao. Kung nais umano ng mga taong panoorin ang kanyang content ay papanoorin pa rin umano nila ito kahit pa hindi nila kakalkalin ang masasakit na nakaraan ng mga artistang kanilang ini-interview.

Sa huli, hiling ni Korina na maging maayos ang sitwasyon ng mag-asawa. Nilinaw din ni Korina na wala talaga siyang alam sa kung ano ang nagaganap sa pagitan ng mag-asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo