Asawa Ni Vhong Navarro Humagulgol Matapos Mangyari Ang Kinatatakutan Nila Sa Kaso ni Vhong!

Linggo, Oktubre 2, 2022

/ by Lovely


Dismayado ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista matapos ibasura ng Court of Appeals ang inihain Motion for Recosideration ng leagal team ng kanyang asawa.

Labis na nalulungkot ang asawa ni Vhong Navarro matapos hindi paburan ng korte ang hiling nila na manatili si Vhong Navarro sa NBI Detention Center.

Tila mangyayari na ang labis na kinakatakutan ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista, na posibleng sa paglipat sa kay Vhong sa Taguig City Jail ay may mangyayaring masama rito. Kasalukuyang sa nakakulong si Vhong Navarro sa NBI Detention Center matapos ang kusang pagsuko.

Noong September 29 nagpetisyon ang kampo ni Deniece sa korte upang mailipat si Vhong Navarro sa Taguig City Jail. Ito ay dahil umano ang korte ng Taguig City ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong. Agad namang naghain ng urgent motion ang kampo ni Vhong Navarro para manatili ito sa puder ng NBI dahil sa umano'y banta sa buhay nito.

Matatandaang naibihagi ni Tanya sa kanyang presscon noong September 21 ang isang mensahe ng pagbabanta umano sa buhay ng aktor. Labis na natatakot si Tanya sa possibleng mangyari kay Vhong kung ililipat ito.



Samantala, hindi naman pinayagan ng Taguig Trial Court ang Urgent Motion ng kampo ni Vhong sa pananatili nito sa puder ng NBI habang nililitis ang mga kasong kinakaharap nito ngayon. Ayon sa korte, hindi umano sapat ang ipinakitang ebidensya ng kampo ni Navarro upang payagan nila ang kanilang petisyon.

Ayon sa bali-balita, kapag lumabas na ang Court Order ay ililipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail. Maaring mangyari umano ito sa darating na lunes, October 3, 2022.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo