Kapamilya Aktor- Bumagsak Ang Showbiz Career Noong Nawala Si Heart Evangelista?

Walang komento

Sabado, Agosto 13, 2022


Kamakailan ay naikwento ng isang Kapamilya actor na malaki ang epekto ng mawala at nagkahiwalay sila ng kanyang ka-loveteam na si Heart Evangelista. Ayon sa kanya, bumagsak umano ang kanyang career.

Kwento ng Kapamilya actor John Prats, "Dumating yung John and Heart era. After that era,  'yon yung time na I felt na bumagsak yung career ko. Nung naghiwalay kami ni Heart, ang show ko na lang nung time na yun.. kasi di ba, before may ASAP then ASAP Fanatic. Sobrang liit ng talent fee ko, once a week lang ako nakikita at nagtatrabaho."


Dahil umano rito naisipan ni John Prats na bumalik sa pagsasayaw. Nakapasok din umano siya sa Pinoy Big Brother na nagbigay sa kanya ng second chance sa showbiz.

"Nagsunod-sunod ulit yung projects ko and 'yon yung feeling ko na naing blessed ako kasi parang hindi ako nawala. Sobra yung journey na natutunan ko sa buhay, na you just have to trust God and just do your best. Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, sobrang blessed ako kasi ang dami kong natutunan."

Gabby & Andi Emosyonal Sa Huling Hiling Ni Cherie Gil Sa Last Will & Testament!

1 komento

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagluluksa ang mga naiwang pamilya ng batikang aktres na si Cherie Gil. Labis na mahal ang aktres ng mga pamangkin nito dahil sa napasupportive nito sa kanila.

Ayon sa kwento ni Andi, noong panahong nagdesisyon siya na manatili sa Isla ng Siargao, isa si Cherie Gil sa mga sumuporta sa kanya. Nakasama din niya ito sa ilang pag-eexplore sa nasabing isla.

"You were there in most, if not all of my life's milestones. But my favorite was being with you here during my first time on this magical island. Wouldn't have had it any other way."

Ganoon na lamang din ang pagluluksa ng kapatid ni Andi na si Gabby Eigenmann sa pagkawala ng kanilang tiyahin. Aminado din si Gabby na nahihirapan siyang e-express ang kanyang nararamdaman sa pagwala nito. Isa kasi umano ang tiyahin sa mga nag-aruga sa kanya mula sa kanyang pagkabata.

"Posting these pics is so hard.. you guys are together again. I love you with all my heart.. Thank you Lord for sharing them with us.. I love you TITA," caption ni Gabby sa post kalakip ang larawan ng tiyahin.

Ibinahagi din Gabby din ang mga huling hiling bago ito pumanaw. Ayon umano sa last will and testament nito na i-cremate ang kanyang mga labi at isaboy sa lupa sa Bukidnon ang kanyang mga ashes.

 

Dito Pala Dadalhin Ang Mga Labi Ni Cherie Gil!

Walang komento

Walong araw matapos isapubliko ang pagpanaw ng primyadang actress na si Cherie Gil noong August 5, 2022.

Binawian ng buhay ang aktres habang nakikipaglaban sa endometrial cancer sa isang hospital sa New York City sa edad na 59 years old. Na-cremate na ang mga labi ng aktres na hinihintay na lamang matanggap ng mga naulilang pamilya.

Nakapagdaos na rin ng celebration of life para sa yumaong aktres. Dumalo sa pagtitipon ang mga anak ni Cherie na sina Jay, Bianca at Raphael. Dumalo rin ang kanyang mga magulang na sina na sina Rosemary Gil at Eddie Mesa. Naroon rin ang ilan sa malalapit niyang kaibigan.

Plano ng pamilya na iuwi ang cremated remains ni Cherie at dalhin sa Bukidnon. Ang farm ni Cherie sa Bukidnon ang itinuturi nitong paboritong lugar ayon sa kaibigan nitong si Alfred Vargas.

"Her face lit up teling me about her farm in Bukidnon and how she loved staying there," pagkukwento ni Alfred sa isang panayam noong August 6, 2022.



Sinegundahan naman ito ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ang pamilya ay mula sa Bukidnon. Ayon sa kanya, malapit sa puso ni Cherie ang kanilang lalawigan.

Hinihintay ng pamilya at kaibigan ni Cherie angpag-uwi ng mga labi nito sa Pilipinas. Upang makakapagbigay pugay sila sa aktres sa huling pagkakataon.

Vice Ganda May Simpleng Patama Habang Nag-eenjoy Sa Kanyang Pakikiparty Sa Cebu!

Walang komento

Kasalukuyang nasa Cebu sina Vice at nag-eenjoy sa kanilang bakasyon tila may patama naman ito kay Cristy Fermin. Matatandaang nag-upload ang huli ng content sa kanyang Youtube vlog tungkol kay Vice.

Ayon kay Cristy Fermin, nagpapatawa umano si Vice ngunit umiiyak ang kanyang puso. Tila sinagot naman ito ni Vice sa kanyang post. "I claim na lahat ng mabait pero malungkot ngayon ay maging masayang masaya bukas. At yung mga salbahe eh..... basta!"

Samantala, pinagkakaguluhan pa rin si Vice sa mga pinupuntahan nila sa Cebu.

 

Julia Montes Engage Na? Engagement Ring Ang Laki Ng Diamond!

Walang komento

Nag-viral ang videong ibinahagi ni Dimples Romana kasama sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Tila nagbalik sina Mara at Clara ilang dekada na ang nagdaan.

Ngunit, ang tumawag sa pansin ng mga netizens ay ang suot na singsing ni Julia Montes. 'Engagement ring na kaya ito?', tanong ng ilang mga netizens. Makikita na tila tinatago pa ito ni Julia dahil nang mapansin nitong nahahagip sa video ang singsing ay agad niya itong tinakpan at ng magkaroon ng pagkakataon, tuluyan nitong hinubad ang singsing.

Tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakapansin. Sa comment section, makikita ang mga netizens na nakapansin sa tila engagement ring ni Julia. Tanong pa ng ilan, kung kay Coco Martin ba ito nanggaling.

 

Pinusuan Ng Mga Netizens Ang Kulitan Nina Maine Mendoza at Ang Kanyang Future Father in Law

Walang komento

Nakahanap umano ng katapat sa pambubully sina Maine Mendoza at Art Atayde sa isa't-isa. Ito ay ibinahagi ng ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez. Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

Makikita sa mga ibinahaging larawan ng ina ni Arjo ang masayang pagkukulitan at bullyhan nina Maine at Art sa isa't-isa. Makikita rin ang closeness ng fiancee ni Arjo sa family nila. Ayon sa caption ni Sylvia, "Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isat isa hahaha

Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila😄😝🤣
Walang humpay na tawanan, sarap nilang panoorin, tatawa ka nalang ng tatawa #positivevibes kumbaga 😄❤️❤️❤️
love you both @xaviiart."


Bago paman magpropose si Arjo Atayde kay Maine ay super close na si Maine sa kanilang buong pamilya. Lalo na umano sa ama nitong si Art Atayde na laging kakulitan at kaasaran nito. Nito lamang July ginulat ni Arjo ang mga suppporters nila ni Maine nang magpropose ito. 

Reaksyon Ni Julia Montes Para Kay Coco Martin Sa Pagtatapos Ng FPJ's Ang Probinsyano

Walang komento

Ramdam ang emotion sa mensahe ni Julia Montes para sa lead actor ng Ang Probinsyano na si Coco Martin. Kasabay ng pagtatapos ng longest running series in the Philippine TV na FPJ's Ang Probinsyano, nagbigay ng mensahe si Julia Montes para kay Coco Martin na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Julia, "Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano …


isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show…

sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show , isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…

mula sa pangarap lng noon , ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo …

proud na proud ako sayo!

Congratulations aming Cardo Dalisay."


Napapabalita na may relasyon sina Julia Montes at Coco Martin at may anak na diumano ang mga ito. Matatandaang napapabalita rin ang speculation na nagdadalang tao ito sa pangalawang anak nila ni Coco dahil napansin ng mga netizens na tila nagbago umano ang hubog ng katawan nito. Mapapansin rin na tila may takip o tinatakpan ang tiyan ng aktres kapag kinukunan ng picture. 

Direk Daryl Yap Nagpasalamat Kay Former VP Leni Robredo!

Walang komento

Biyernes, Agosto 12, 2022

Umabot na sa mahigit 200 million ang gross income ng pelikulang Maid in Malacanang sa loob lamang ng ilang araw. Sa  laki ng kinita ng nasabing pelikula mahihinuha na talagang sinusuportahan ito ng sambayanang Pilipino.

Samantala, patuloy naman na nag-iikot ang mga cast ng Maid in Malacanang upang magbigay ng saya at magpasalamat sa mga tumangkilik sa kanilang pelikula.

Sa kabilang banda, nagbigay naman ng pasasalamat si Direk Darryl Yap kay dating Vice President Leni Robredo dahil sa aniya'y hindi pang-iindorso nito sa pelikulang Maid in Malacanang.

Ayon kay Direk Darryl, "Sold-out pa rin sa karamihan ng malls at halos mapuno pa rin sa iba- pahirapan pa magbook ng tickets... Lahat yan ay dahil di kami inendorse ni Leni. HAHAHA!"



Alam naman ng lahat na ang iniendorso ng dating Vice President ay ang pelikulang Katips na kahit anong gawin ay tila naghahabol pa rin umano ng kita sa Maid in Malacanang movie.

McCoy De Leon Hindi Kinaya Si Elisse Joson Kaya Si Baby Felize Ang "Na-i Dawn Zulueta Nito"

Walang komento

Kinakikiligan ngayon ng mga netizens ang celebrity couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson matapos makita ang nakakatuwang video na ibinahagi ng mga ito sa social media.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Palawan ang magkasintahan kasama ang kanilang anak na si Baby Felize. Ayon kay Elisse nais niyang i-Dawn Zulueta siya ni McCoy ngunit dahil kakakain lang ila hindi nito kinaya ang bigat niya at sa huli si Baby Felize na lamang ang na-Dawn Zulueta nito.

""Sabi ko kay mccoy i-dawn zulueta mo ako...

kaya lang kakakain namin.. ayan tuloy, ang BIGAT!😂

..si felize na nga lang"



Paglilihi Ni Jessy Mendiola at First Video Ng Baby Nila Ni Luis Manzano Ipinakita!

Walang komento

Ilang oras matapos ibinahagi ng mag-asawang Luiz Manzano at Jessy Mendiola ang balitang pagbubuntis nila sa pamamagitan ng Youtube vlog ni Jessy. Sinundan naman kaagad ito ng pagbabahagi ni Jessy sa ilang mga detalye sa kanyang pagbubuntis

Bumuhos ang mensahe ng pagbati sa mga social media accounts ng mag-asawa matapos nilang inanunsyo sa publiko ang masayang balita. Sa mahigit 5 minutes video clip na ibinahagi sa Youtube vlog ni Jessy nitong August 11. Makikita ang labis na saya ng mag-asawa sa bagong blessing na ipinagkaloob sa kanila.

Ito ang panibagong yugto sa kanilang buhay kung saan nagiging ganap na silang mga magulang. Agad namang ibinahagi ni Jessy ang ultrasound result video ng kanilang baby. Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang lumaking baby bump habang makikita sa mukha ang labis na kasiyahan.

Ayon pa kay Jessy, na bago nila nalaman ang kanyang pagbubuntis, pinaplano nila ni Luis ang magiging kasal nila sa simbahan na gaganapin ngayong taon. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago nang may dumating sa kanilang blessing, ang kanilang first baby.

Ayon kay Jessy, "We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner. 🤍


No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.🥹

We decided to share this wonderful news with you through a video shot in one of God’s houses - a beautiful chapel in Benguet. ✨

For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible."


Sa huli ay pinasalamatan naman ni Jessy ang kanilang mga fans at humihiling na sana'y samahan sila sa panibagong chapter sa buhay nilang mag-asawa.

Samantala, nirepost naman ni Luis ang video ng ultrasound ng kanilang anak ni Jessy. Sa comment section inilagay nito ang tawag nila sa kanilang baby na 'peanut'. 

ABS-CBN Dapat Singilin at Imbestigahan Request ni Congressman Rodante Marcoleta!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang number 1 critic ng ABS-CBN na si Rep. Rodante Marcoleta. Ayon sa Kongresista, dapat umanong magbayad ng Administrative Fine ang ABS-CBN. Dagdag pa nito, na-compute na niya ang amount na dapat bayaran ng nasabing network.

Ayon sa isang panayam kay Marcoleta kamakailan, "Ang nakikita ko parang circumvention ng batas yung gagawin nila na madaliang joint venture between ABS-CBN and TV5."



Dagdag pa nito na dapat umanong tingnan ng Philippine Competition Commission ang partnership ng ABS-CBN at TV5. Mamomonopolize umano ang indutry dahil sa partnership ng dalawang malalaking networks. Kaya dapat umano itong tingnan ng Philippine Competition Commission upang masiguro rin ang kapakanan ng ilang apektadong sektor.

Hinikayat din ng Kongresita ang National Telecommunication Commision (NTC) na imbestigahan ang ABS-CBN for possible violations at patawan ng kaukulang parusa kung may nalabag na batas.

Alex Gonzaga Kaagad Pinagtanggol Nila Matteo, Uncle Jojo at Kc Montero!

Walang komento

Matapos mag-viral ang naging pag-uusap nina Mateo Guidicelli at Alex Gonzaga bago matapos ang programang Tropang LOL. Si Alex Gonzaga ay regular host ng nasabing programa habang guest co-host naman si Mateo Guidicelli. Pinagsabihan ni Mateo si Alex na tigilan na ang panunukso sa mga ex dahil kawalan umano ito ng respeto sa kanilang mga asawa.

Dahil dito, binabash ngayon ng ilang mga netizens si Alex at pinagtawanan sa social media dahil tila nakakita na umano ito ng katapat sa katauhan ni Mateo. Agad din namang humingi ng paumanhin si Alex dahil sa hindi niya pag-iisip na masasaktan ang mga ito.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Mateo Guidicelli at tila ipinagtanggol si Alex. Ayon kay Mateo, binibiro niya lamang rin si Alex at hindi ito dapat seryosohin ng mga netizens. Hindi din umano kumpleto ang kumakalat na video clip dahil hindi ito tinapos hanggang dulo. Hindi umano dapat pinepersonal dahil nais lamang nilang magbigay saya sa mga nanonood.



Maging si Uncle Jojo ay naglabas rin ng pahayag at ipinagtanggol si Alex Gonzaga. Inup;oad din nito ang buong kuha ng nasabing kumakalat na video. Ayon sa kanya, "Hello mga Maritest eto po ang full video joke time lahat ginawan nyo na naman bigdeal. Sumayaw pa matteo sa dulo. Wag ganun mga Maritest mema lang ba kayo gigil nyuko 😂😜✌🏼👍🏼Next time wag maniniwala sa edited clips… Good vibes lang po tayo! 😘😍❤️✌🏼

Galing ng Tropang LoL!" 

Maging si KC Montero ay naglabas rin ng kumpletong kuha ng nasabing video. Kalakip ang caption, "So here's the video in its entirety, clearly it was a joke fromthe beginning. It was a prank but unfortunately some edited the video. Meanwhile Alex Gonzaga is being bashed this."

Nakakagulat! Tekla Nakipag-balikan Sa Dating Karelasyon Na Si Michelle Banaag at Buntis Na!

Walang komento

Naging controversial ang pagsasama noong ng magka live in partner na sina Tekla at Michelle Banaag. Lumaki ang kanilang pag-aaway at humantong pa sa tanggapan ni Sen. Raffy Tulfo. Napagpasyahan ng dalawa na tuluyang maghiwalay at maging co-parent na lamang sa nag-iisang anak nila.

Matapos ang ilang taong pananahimik, muling umingay ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Usap-usapan ngayon ang umano'y pagkakabalikan ng dalawa at sa katunayan nagdadalang tao si Michelle sa kanilang pangalawang anak.

Ayon naman sa inilabas na vlog mula sa isang sikat na showbiz columnist, marami na umanong nanabang ngayon kay Tekla. Hindi na umano tulad noon na marami ang naaawa at tumutulong rito. Lalo na noong nagkasakit ang kanyang anak.

Usap-usapan din na may nakakakita kay Tekla na bumalik sa bisyong pagsusugal. Namataan umano ang komedyante na nagka-casino. Minsan umano malaki ang tinataya nito at kapag walang pera maliit lamang ang pinupusta nito.



 Marami naman ang nadismaya sa paglabas ng mga balitang ito. Ayon sa ilang komento ng mga netizens bakit pati ang pagsusugal ay binalikan ni Tekla. Payo naman ng ilan, na dapat mas pagtuunan na lamang ngayon ng pansin ni Tekla ang kanyang pamilya at hindi ang mga bisyo. Lalo na't madadagdagan na sila dahil sa pagbubuntis ni Michelle.

Just in ! Nathalie Hart Engaged Na Sa Kanyang Non-showbiz American Boyfriend Na Si Bryan Robert !

Walang komento

Matapos ang naudlot na relasyon ni Natalie Hart sa ama ng kanyang anak, masayang ibinalita nito noong Myerkules August 10, 2022 na engage na siya sa kanyang American non-showbiz boyfriend na si Bryan Robert.

Ibinahagi ng aktres ang ilang mga larawan na kuha mula sa naganap na wedding proposal. Kalakip nito ang caption na "Second Chapter:I said Yes!"

Agad namang bumuhos ang mga pagbati mula sa mga kaibigan at tagahanga ng aktres.

 

Enrique Gil Susugod Sa Amerika, Susundan Si Liza, Totoo at Hindi Totoo!

Walang komento

May dalawang bagay na isiniwalat si Ogie Diaz tungkol sa celebrity couple na sina Enrique Gil at Liza Soberanao.

Totoo, na unti-unti nang natutupad ang pangarap ni Liza na maging isang Hollywood star. Makakasama si Liza sa cast ng Hollywood film na  Lisa Frankenstein. Ayon pa umano sa source ni Ogie, kapatid ng bida ang gagampanang role ni Liza Soberano sa naturang film. Nag-umpisa na din umano ang shooting nito noong August 9.

Hindi naman umano totoo ang mga chismis na may namamagitan kina James Reid at Liza Soberano. In good terms pa rin umano ang relasyon ng magkasintahang Liza at Enrique sa katunayan, lilipad patungong Amerika si Enrique Gil upang dalawin si Liza Soberano sa taping ng kanyang kauna-unahang project sa Hollywood.

Ayon pa kay Ogie, posible naman umanong makadalaw si Enrique sa set dahil naroon naman si James Reid. Maganda rin umano na bibisita si Enrique sa US upang matigil na ang isyu na naghiwalay na sila ni Liza Soberano.

 

Iza Calzado Buntis Na Sa First Baby Sa Edad Na 40!

Walang komento

Ibinahagi ni Iza ngayong araw ng byernes August 12 ang isang magandang balita kasabay ng kanyang pagdiriwang sa kanyang ika-40 na kaarawan.

Sa pagtungtong niya sa edad na 40, kakaharapin niya ang bagong simula ng kanyang buhay, ang buhay ng isang ina. Ibinahagi ni Iza na siya ay nagbubuntis sa unang baby nila ng kanyang asawa. Ayon kay Iza, hindi niya inaasahan ang blessing na ito sa kanilang mag-asawa ngunit napakalaki ng kanilang pasasalamat sa pagdating nito sa kanilang buhay.

Ayon sa Instagram post ng aktres, "They say life begins at 40.


So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.

Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan.

In my forty years I have come to discern when God is steering me to a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance.

God’s plans are always far greater than mine and I humbly accept this new chapter of my life with a heart filled with gratitude, casting all my fears and worries aside and simply trusting in the divine timing and wisdom of life. Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!

As a character of mine said in a film, “In love there is no fear.” So I will choose to live each day giving life to you vibrating from this frequency — LOVE.

They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light.

Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE."



Kalakip nito, ay ang larawan kung saan makikita ang kanyang baby bump. Itinuturing ni Iza na isang miracle ang kanyang pagbubuntis sa unang pagkakataon.

Alex Gonzaga Nagsorry Kay Matteo Guidicelli| Toni at Mommy Pinty Nagalit Sa Ginawa Ni Alex!

Walang komento

Trending ngayon sa social media ang pagpalag ni Mateo Guidicelli sa mga biro ni Alex Gonzaga na ayon pa sa kanya ay kawalan ng respeto sa kanyang asawang si Sarah Geronimo.

Si Alex Gonzaga ay regular host ng Tropang LOL  habang si Mateo naman ay guest host sa nasabing programa. Kumakalat ngayon ang video kung saan tila pinagsabihan ni Mateo si Alex na itigil na ang pagbibiro tungkol sa kanilang mga ex bilang respeto na lamang sa kanila asawa. Sinabi rin ni Mateo na dapat ang pag-usapan na lamang ay ang patay na kuko sa paa ni Alex.



Hinangaan ng mga netizens ang pagpalag ni Mateo habang binabatikos naman si Alex dahil napaka-insensitive umano nito sa nararamdaman ng kani-kanilang mga asawa.

Samantala, humingi na umano ng paumanhin si Alex Gonzaga kay Mateo Guidicelli sa kanyang insensitive na biro. Pinagsabihan din umano siya ng kanyang Mommy Pinty at Toni Gonzaga na huwag ng magbiro ng hindi nakakatuwa.

Binabatikos Ngayon Si Alex Gonzaga Dahil Sa Kanyang Mga Biro Kay Mateo Guidicelli!

25 komento

Umani ng pambabatokos si Alex Gonzaga matapos magtrending sa Twitter.

Binabatikos ngayon ng mga netizens ang TV-host, comedian na si Alex Gonzaga matapos magtrending sa Twitter. Tila nagkaroon umano ng katapat si Alex Gonzaga sa katauhan ni Mateo Guidicelli ayon sa mga netizens.

Usap-usapan ito ngayon matapos mapanood ang epesode ng Tropang LOL nitong Hwebes, August 11, 2022. Personal kasing tinawag ni Mateo Guidicelli ang pangalan ni Alex bago pa man matapos ang kanilang show.

Kumakalat ngayon ang video clip kung saan makikitang nag-uusap silang dalawa.

"Pasensya lang po, may kunting mensahe lang po ako sa mga Tropang LOL, especially sayo Alex Gonzaga," panimula ni Mateo. "Napanaginipan ko ito kagabi, sabi ko sa sarili ko, Alex, tigilan na natin ang mga pagbibiro natin sa mga asawa natin tungkol sa mga ex. Dahil ang mga ex na 'yan ay tapos na yan," seryosong sabi ni Mateo.

Dagdag pa nito, "Maawa naman tayo kay konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiiyak na ako dahil sayo."

Sinang-ayunan naman ito ni Alex ngunit tinanong niya kung bakit umiiyak ito. Sagot naman nito, na nasasaktan umano siya para sa asawa niya. Pinagsabihan din nito si Alex na tigilan na ang ganoong biruan dahil na-iistress na rin umano ang editor nila.

Sinabi rin ni Mateo sa Tropang LOL na dapat irespeto nila ang kanilang mga asawa at ang mga pag-usapan umano nila ay tungkol na lamang sa kanilang kasamahan.



Lubos namang hinangaan ng mga netizens ang sinabi ni Mateo lalo na ang pag-call out nito sa ginawa ni Alex. Matatandaang, panay ang panunukso ni Alex kay Mateo tungkol sa mga ex nito gayung alam naman nito na may asawa na si Mateo.

May mga nagbahagi rin ng mga video clip kung saan makikita na inaasar ni Alex si Mateo sa isa pa nilang co-host na si Laboching. Makikita naman na tila umiiwas si Mateo rito.

Agad namang binabatikos ng mga netizens ang mga ginagawa ni Alex dahil dapat alamin nito kung tama pa ba ang kanyang pagbibiro.

Ngunit, sa nasabing episode tila binibiro ni Mateo si Alex dahil imbes umano na pag-usapan ang nakaraan ay ang kuko na lamang umano sa paa ni Alex ang pag-usapan. Tila ok lang naman ang mga host ng LOL ngunit dahil sa seryosong pag-call out ni Mateo kay Alex, binabatikos ngayon ang komedyante dahil sa mga ginagawa nito noon.

John Prats May Inamin Tungkol sa Paghihiwalay Nila Ni Heart Evangelista Noon!

Walang komento

Huwebes, Agosto 11, 2022

Inamin ng aktor-direktor na si John Prats  na bumagsak ang kanyang showbiz career noon dahil sa paghihiwalay ng loveteam nila ng aktres na si Heart Evangelista.

Isa lamang ito sa mga ibinunyag ng asawa ng dating Kapuso aktres na si Isabel Oli. Noong nagbahagi si John Prats ng ilang pagsubok at failures niya sa buhay. Sa vlog ng TV host na si Bianca Gonzales, na inupload noong August 8, inamin ng aktor na muntik na siyang lumipat sa GMA7 dahil kulang ang kita niya sa ABS-CBN lalo na noong nagbubuntis na ang kanyang asawa.

Sa 30 years niya sa showbiz, ngayon lamang nagbahagi si John sa mga naging pagsubok niya sa buhay. Noong nagbubuntis na umano ang kanyang mga  misis na realized nila na kulang ang kinikita na sa twice a week taping sa ABS-CBN. Nakatakda na umano siyang lumipat sa GMA7 upang magkaroon ng regular na trabaho. Ngunit ng malaman umano ito ni Tita Cory, pinigilan umano siya nito at sinabihang mag-stay sa ABS. Nanatili naman umano siya ng malamang ito, syempre para sa kanya tahanan na umano niya ang ABS.

Pagpapatuloy ni Jhon, noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, para sa kanya laro-laro lamang ito at hindi niya siniseryoso. Noong teenager na siya nakatambal niya si Heart Evangelista. Nang mabuwag umano ang kanilang tambalan, naramdaman ni Jhon na bumabagsak din ang kanyang career.



Noong naghiwalay umano sila ni Heart lumiit ang kanyang income at once a week na lamang siya nakakatrabaho. Dito pinagtuunan ni Jhon ang pagsasayaw hanggang maging celebrity housemate siya sa Pinoy Big Brother.

Doon na nagsimulang manumbalik ang sunod-sunod na project ni Jhon kaya feeling niya ay napakablessed niya dahil hindi siya nawalan ng trabaho.

Mensahe pa ni Jhon, na dapat magtiwala lamang sa panginoon at gawin ang lahat ng makakaya. Minsan umano hindi lamang natin alam kung saan tayo ilelead ng ating Panginoon.

Jessy Mendiola Buntis Na First Baby Nila Ni Luis Manzano

Walang komento

Jessy Mendiola, buntis na sa panganay nila ng asawang si Luis Manzano!

Trending na balita ngayon sa social media ang balitang pagdadalang tao ni Jessy Mendiola matapos ang post ng mag-asawa sa Instagram na nagsisimula na ang kanilang new chapter.

Bagama't wala pang official announcement hinggil sa nasabing balita, marami sa kanilang mga kaibigan at tagahanga ang masaya para sa kanila at bumabati.

Sa latest Instagram post ni Jessy, makikitang ang larawang magkahawak kamay sila ni Luis. Nilagyan ito ng caption ng aktres na, "A new chapter. 7:30 at my Youtube Channel."

Hinuha ng mga netizens na doon nila iaanunsyu ang kanilang pagbubuntis. Marami rin sa mga netizens ang nakapansin na tila may maliit nang baby bump si Jessy Mendiola sa nasabing larawan.

Matatandaang noong December 2016, opisyal na naging magkasintahan sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Na-engage naman sila noong 2020 matapos ang apat na taon ng kanilang relasyon. Ikinasal naman sila noong February 21, 2021 sa isang farm sa Lipa, Batangas na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan at pamilya ng dalawa.

 

Look !! Sen. Rissa Hontiveros Tinawag Na Walang Alam Si Darryl Yap!

Walang komento

Nagbigay ng reaction si Sen. Ressa Hontiveros tungkol sa pelikulang Maid in Malacanang na directed ni Direk Darryl Yap. Ayon sa Senadora, dapat alam umano ng direktor at alam umano ito ng lahat ng director sa Pilipinas kung ano ang standards or ethics na kailangan nilang obserbahan at hindi na dapat pang paaalalahanan.

Ngunit bilang isang manonood bukod sa pagiging kalahok sa People Power Revolution, inaasahan umano ni Sen. Ressa na itinanong man lang ng mga gumawa sa nasabing pelikula ang ilang mga naging kalahok sa nasabing historical event. 

Dapat din umanong kapag may idinaragdag sila sa palabas ay nakabatay pa rin sa tunay na kaganapan noong panahong iyon.

Ayon pa sa Senadora, kung mag-aapologize sila o hindi ay nasa kanila na umano iyon, pero may malilinaw na standards at ethics.



Bea Alonzo Mukha Raw Tita Ni Alden Richards,Ayon Kay Manay Lolit!

Walang komento

Tila hindi pa rin nagtatapos ang pambabanat ni Manay Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo. Ayon sa bagong Instaram post ni Manay Lolit, nagmumukhang tita umano ni Alden Richards si Bea Alonzo kahit anong kapal pa umano ng make-up ni Bea makikita na umano ang mga wrinkles nito. Para rin sa kanyang hindi nababagay na si Bea Alonzo ang pinili ng GMA na itambal kay Alden Richards sa Philippine adaptation ng Korean series na Start-up.

Matatandaang ipinasilip na ng GMA ang ilang behind the scenes ng Start-up. Ayon kay Manay, naloka siya ng makarating sa kanya na nagreact ang Korea sa Philippine adaptation ng serye.

"Naloka ako Salve at Gorgy ng malaman ko react ang Korea sa local version ng Start Up. Hindi kaya nakita ng Korea na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo ? So, siguro nga dapat mas mukhang bata ang partner ni Alden Richards, hindi gaya ni Bea Alonzo dapat ang partner ni Alden. Hay naku Salve at Gorgy , sorry pero never ng magiging younger looking si Bea Alonzo noh! Kahit kapal make up, palitada face, ang wrinkles nanduon na noh ! Lucky Alden , kahit mukhang lola na si Bea ok lang. Tutal make believe lang naman, ilusyon na lang ang lahat, parang magic, hah hah hah, Alden Richards and Tita Bea Alonzo, Start Up."



Tila ipinagdiinan ni Manay Lolit Solis na hindi bagay ang role ng female lead kay Bea Alonzo dahil matanda na ito at nagmumukhang Tita umano ni Alden. Dapat umano mas mukhang bata ang itinambal kay Alden sa nasabing serye dahil hindi na mukhang bata si Bea at nakikita na umano ang mga wrinkles nito kahit pa takpan ng makapal na make-up ang mukha.

Kaladkaren, Binangga Ang Unity Statement Ni Ruffa Gutierrez!

Walang komento

Trending ngayon sa social media ang dalawang hurado ng Miss Q and A sa It's Showtime na sina Ruffa Gutierrez at Kaladkaren. Nag-ugat ito dahil magkaiba ang kanilang mga naging opinyon tungkol sa sagot ng mga contestants.

Pinuna ng ilang mga netizens ang naging komento ni Ruffa Gutierrez dahil ayon sa kanila tila, nilagyan ng political color ni Ruffa ang kanyang opinyon tungkol sa kailangan magkaroon ng unity ang lahat at hindi bash lang ng bash.

Samantala, pinuri naman ng mga ito ang pahayag ni Kaladkaren na sa kabila ng pagsusumikap ng mga tao upang makaahon sa kahirapan hindi pa rin ito nangyayari dahil sa bulok na sistema.

 

Tekla Nakipagbalikan Na Kay Michelle! | Balik Bisyo Rin?! | Willie Dismayado Kay Tekla!

Walang komento

Matapos ang matinding bangayan na umabot pa sa pagpapa-Tulfo, kumakalat ngayon ang balitang nakipagbalikan na si Tekla sa dating kinakasama nito na si Michelle. Bukod dito, nagdadalang tao na umano ito sa ikalawa nilang anak.

Usap-usapan rin ngayon, ang balitang patuloy na nagsusugal ang komedyante. Napag-usapan din si Tekla sa Youtube vlog nina Manay Cristy Fermin na Showbiz Now Na. Sa ngayon, marami nang nadismaya kay Tekla at hindi tulad ng dati na marami ang naaawa at tumutulong rito lalo na noong nagkasakit ang anak nitong si Angelou.



Panimula ng Veteran Showbiz Columnist, nagbubuntis umano ngayon si Michelle sa ikalawang anak nila ng Komendyanteng si Tekla. Umabot na rin kay Manay ang umano'y pagbabalik sa bisyo ni Tekla. Bumalik umano sa pagsusugal si Tekla, e-games at sa pagka-casino. Namataan umano ito sa isang casino, minsan kapag may pera malaki ang tinataya nito.

Ayon naman kay Morly, Lulong talaga si Tekla sa sugal at tila hindi nito maiiwasan. Isinadula pa umano ni Tekla ang kanyang buhay sa Magpakailanman, na ang tanging dahilan kung bakit umano siya pumasok sa showbiz ay para iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Samantala, marami naman ang nanghihinayang sa mga pagkakataong sinayang ni Tekla. Ayon pa kay Morly hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon na tila sinasayang lamang nito ngayon. Tila umano wala itong pakialam sa kanyang pamilya dahil sa labis na pagsusugal nito.

Matatandaan na isa si Willie Revillame sa mga tumulong kay Tekla. Kinuha ito ni Willie bilang co-host ng Wowowin ngunit umalis ng hindi man lang nagpaalam si Tekla. Masama umano ang loob ni Willie Revillame dahil sa post na lamang nito nalaman na umalis na pala ito sa kanyang programa.

Giselle Sanchez Matapos Ang Pananahimik May Resbak Sa Mga Bashers Dahil sa Pagganap Bilang Cory Aquino!

Walang komento

Matagal-tagal ring nanahimik si Giselle Sanchez matapos mabash dahil sa pagganap niya bilang si Dating Pangulo Cory Aquino sa pelikulang Maid in Malacanang. Maikli man ang kanyang papel sa nasabing pelikula, nag-iwan naman ito ng malaking impak sa mga taong nakapanood lalong-lalo na sa mga bashers ng mga Marcos at kontra sa pelikulang Maid in Malacanang.

Sa bagong Tiktok video ng akres, muli niyang sinabi ang kanyang maikling linya sa pelikula. Ayon naman sa caption ng nasabing video isinulat niya, "MIM 164 million na."

Samantala, hinikayat ni Giselle na idub ang kanyang linya sa Tiktok. Pinasalamatan naman niya si Lyca Garanoid at ang Vincentiments.

Komento naman ng ilang mga netizens na nakatulong umano ang mga bashers sa lalong pagsikat ng pelikulang Maid in Malacanang.



Lydia De Vega Pumanaw Na

Walang komento

Asia's Fastest Woman noong 1980's at Track and Field Legend na si Lydia De Vega pumanaw na noong August 10, 2022 dahil sa sakit na breast cancer sa edad na 57. Pagkatapos ng apat na taong pakikipaglaban sa sakit na breast cancer, kinupirma ng anak nito na si Stephanie Mercado na pumanaw na si Lydia De Vega noong myerkules August 10, 2022. 

Taong 2018 ng ma-diagnose si Lydia na may breast cancer. Matatandaang noong nakaraan buwan lamang isinapubliko ng kanyang anak ang karamdaman ng ina at nasa critikal stage na umano ito. Humihingi pa ito noon ng donasyon at pagdarasal sa publiko dahil sa patuloy na pakikipaglaban ng kanyang ina sa karamdaman nito.

Ayon pa sa anak nito, desisyon ng kanyang ina na ilihim sa publiko ang karamdaman maging sa mga kasamahan at kaibigan nito sa kanyang sports. Kaya naman, ikinagulat ng marami ng mabunyag ang sakit nito. Noong ibinahagi ng anak nito ang kondisyon ng dating athlete ay naka-confine na ito sa Makati Medical Center. Hindi na umano ito nakakapagsalita ngunit alam umano nilang napapakinggan nito ang kanilang mga sinasabi para rito.



Matapos, lisanin ang limelight namuhay ng simple si De Vega bilang coach sa Singapore. Si Lydia De Vega ay nakilala sa mundo ng sports sa larangan ng Track and Field. Tinagurian siyang Asia's Fastest Woman in 1980's. Siya ay gumawa ng impact sa SEA Games noong 1981 na ginanap sa Manila kung saan nagwagi ng mga gold medals sa 200 at 400 events.

Siya ay kumatawan sa Pilipinas sa Olympics ng dalawang beses noong 1984 Los Angeles at 1988 Seoul Summer Olypics. Sa kabuuan ay nagwagi siya ng nine gold medals sa SEA Games, dalawa sa Asian Games at apat Asian Athletic Championship.

Si Lydia De Vega at si Paul Mercado na dating Engineer at isang entrepreneur ay may tatlong anak. Taong 2021 nang binawian ng buhay ay isa niyang anak. Ausut 10, 2022 binawian ng buhay si Lydia De Vega habang ginagamot sa Makati Medical Center.

Matatandaang, naging bahagi si Lydia bilang flag bearer sa ginawang Olympics noong 2019, tahimik na nakikipaglaban na pala ito sa kanyang sakit at hindi lamang pinapahalata.

Naapektuhan Na! Jane Deleon Umamin Na Nasaktan Sa Mga Komento Ng Ilang Netizens!

Walang komento

Inamin ng Kapamilya actress na si Jane De Leon na naaapektuhan siya sa pambabash sa kanya ng ilang mga netizens sa pagganap niya bilang Darna.

Iconic ang role ng Darna kaya sinasabing maswerte ang sinumang artistang gaganap nito. Ngunit sa pag-aanunsyo ng ABS-CBN kung sino ang susunod na gaganap bilang Darna, hindi lahat ng mga netizens ang sumang-ayon at natuwa na si Jane De Leon ang gaganap sa role na ito. Matapos hindi natuloy na sina Angel Locsin at Liza Soberano.

Ayon sa komento ng ilang mga netizens, walang dating si Jane De Leon at ibang artista umano ang nababagay sa papel na ito bilang Darna. Dagdag pa ng ilan na mas may dating pa umano si Janella Salvador na gaganap bilang Valentina sa Darna Series. Mas inaabangan umano ng tao ang paglabas ng kontrabida kaysa sa bidang si Darna.



Samantala sa ginawang presscon ng Darna noong August 8, 2022 ipinahayag ni Jane ang kanyang saloobin ukol sa mga negatibong komento laban sa kanyang pagganap sa iconic role na Darna. Ayon sa aktres, nasaktan siya noong una at labis na naaapektuhan sa mga sinasabi ng tao. Inamin din niya na sa simula, hindi niya alam kung paano i-handle ang nasabing  role.

Kinkwestiyon din umano niya ang kanyang sarili kung kakayanin ba niyang gampanan ang role. Ngunit, dahil sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, naipush niya ang kanyang sarili na maging karapat-dapat siya na maging Darna.

Ayon pa kay Jane, nag-audition siya at dumaan sa proseso upang mapili. Marami na rin siyang pinagdaanan at ginalingan niya ang lahat ng iyon.

Sa pagsisimula ng Darna sa darating na Lunes August 15, 2022 ay ang pagtatapos naman ng longest running series na Ang Probinsyano. Ito ang papalit sa timeslot ng FPJ's Ang Probinsyano .

 

Hindi Nakapagtimpi! Tim Conner, Nagsalita Na Tungkol Sa Kasong Isinampa Laban Sakanya!

Walang komento

Muling nagbigay ng pahayag ang negosyanteng si Tim Conner ukol sa kasong adiltery na isinampa sa kanila ni Maggie Wilson ng stranged husband nitong si Victor Consunji.

Si Tim Conner ay isang British-Thai Businessman. Ang kanyang negosyo ang nasa investment, partbership at real estate. May restobars at ilang start up companies. Magkasosyo sila ng dating actress at beauty queen na si Maggie Wilson.

Matatandaang ilang araw matapos lumabas ang arrest warrant para sa kanila ni Maggie Wilson, sinabi niyang hindi siya magbibigay ng pahayag at hindi siya makikipag-unlak sa isang interview.



Ngunit, tila hindi na nakapagtimpi si Tim sa umano'y pambibintang laban sa kanila ni Maggie. Kahapon, August 10 2022, naglabas ng pahayag si Tim tungkol sa kinakaharap na kaso. Ayon sa kanyang pahayag na ibinahagi sa kanyang IG stories na nilagyan pa niya ng petsang August 10, 2022.

10th August 2022

My legal position: I stand clear with the adultery case that has been filed against me that these are 'utter rubbish accusations out of anger that hold no water'.

My Personal Position: This absolute train wreck must stop on both sides now. Watching two people (one I was previously close to) trying to harm each other never gets anywhere in the bigger picture.

Although it would seem there are very few friends who are willing to get anywhere close to this issue to themselves avoid conflict, despite me reaching out.

I won't letting this happen any further and have encourage the parties to stop temporarily to make way for what I hope can be diplomatic at pragmatic dialogue.

If you are unhappy that you may not have gossip or chismis for a few hours, please direct your hatred to me and not any other party both sides."

Matatandaang noong nakaraang taon inanunsyo ni Maggie ang naging hiwalayan nila ng asawang si Victor Consunji. Maayos naman umano nila itong napag-usapan at in good terms sila sa pagiging magulang sa kanilang nag-iisang anak.

Ngunit, tila hindi ito nasunod dahil nagsampa ng kasong adultery si Victor Consunji laban sa kanya at sa kanyang business partner na si Tim Conner.

Kapamilya Aktor- Pinigilan Na Lumipat Sa GMA7?

Walang komento

Sa isang panayam sa Kapamilya actor na si John Prats, naikwento niya na muntikan na siya lumipat sa ibang TV network dahil nakukulangan na siya sa ibinibigay na talent fee mula sa ABS-CBN para matustusan ang kanyang pamilya. Lalo na't buntis ang kanyang asawa at nadagdagan ang kanilang pangangailangan.



 
 Ayon sa kanya, "Nung nagkaroon na ako ng family, buntis na si Liv noon, na realize namin na parang hindi enough yung twice a week taping para ma-sustain, or mabigay yung needs ng family mo."

Dagdag pa niya, "And then, I was about to transfer to GMA. Tapos, the next day, Tita Cory found out, pinigilan niya ako nung nalaman niya."

Noong nalaman naman ni Jhon Prats na pinigilan siya napagdesisyunan niyang manatili na lamang sa ABS-CBN. Para sa kanya, naging tahanan na niya ang ABS-CBN sa ilang taong pagtatrabaho rito.

Matapos naman ang pagpigil sa kanya na lumipat, napasama na siya sa cast ng Ang Probinsyano.

Heart Evangelista Hindi Na Suot Ang Wedding Ring Matapos Ilaglag Ang Apelyido Ni Chiz Escudero

Walang komento

Miyerkules, Agosto 10, 2022

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz ang isyu ng hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Nag-ugat ang nasabing isyu matapos mamataan ng ilang mga netizens na tinanggal ni Heart Evangelisat ang surname ng asawa sa kanyang Instagram account.

Agad naman kumalat ang iba't-ibang spekulasyon na may pinagdadaanan ang dalawa. Nakadagdag pa sa mga spekulasyong ito ng netizens matapos mamataan ang isang post ni Heart kung saan makikitang hindi na niya suot ang kanilang wedding ring ng asawa.

August 9, Martes, napansing ng mga followers ng fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang social media accounts na binago ni Heart ang kanyang pangalan sa Instagram account. Agad namang lumabas ang bali-balitang na may pinagdadaanan ang kanilang relasyon na naging dahilan ng pagtanggal ni Heart sa surname ng kanyang asawa.

Nagpost din ito sa kanyang IG stories kung saan makikitang hindi niya suot ang kanilang wedding ring. Kasunod naman nito ang pahayag niyang, "Less is starting to be more."



Samantala, napansin rin ng ilang mga netizens na tila matamlay si Heart noong dumalo ito sa GMA Thanksgiving Gala Night. Kapansin-pansin rin umano na tila wala sa mood si Heart at si Chiz sa nasabing event. Maging sa nangyaring SONA ng pangulo may ilan ring nakapansin na tila matamlay ang mag-asawa.

Samantala, makikita naman na nanatiling may nakalagay paring wife sa Instagram ng aktres kaya hinuha ng ilan na for business purposes lamang ang pagpapalit ng pangalan ni Heart lalo na't lumilikha ng pangalan si Heart internationally.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Heart ukol sa kumakalat na isyu. Ngunit ayon sa malalapit na kaibigan ng mag-asawa, maayos ang pagsasama ng dalawa.

ABS-CBN at TV5- Nagkapirmahan Na?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng social media ang umano'y pirmahan para sa pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at TV5.

Matatandaang, nabanggit noong nakalipas na linggo na Chairman ng TV5 na si Manny Pangilinan na pinag-uusapan na ang pirmahan ng pagsasanib pwersa ng dalawang network.

Kaya naman, hindi na nakakapagtaka kung maisasakatuparan na ang nasabing partnership ng ABS-CBN at TV5. Ayon sa mga ulat, nagkakapirmahan na ngayong araw ang dalawang TV network.



Samantala, ayon pa sa ulat, magkakaroon ng press conference ang mga nasabing networks hinggil sa nangyaring pirmahan ng partnership.

Smokey Manaloto Tatay Na Sa Unang Pagkakataon Sa Edad Na 44

Walang komento

Ibinahagi ng aktor na si Smokey Manaloto na naging ama na siya sa unang pagkakataon sa edad na 44. Masaya niya itong ibinahagi sa kanyang social media account. Kwento naman ni Smokey na marami na umanong kumukutya sa kanya at sinabing napag-iwanan na siya ng panahon dahil sa kawalan ng anak. Marami umanong nagsasabi na hindi na siya magkakaroon ng anak at maski siya ay nawalan na rin ng pag-asa na magkaanak pa.

Ngunit, December noong nakaraang taon nalaman niyang nagdadalang tao ang kanyang non-showbiz girlfriend. Ngayon lamang August 4, masayang ibinahagi ni Smokey na masayang sinalubong nila ang kanilang anak na binigyan nila ng palayaw na Baby Kiko.



Just in ! Netizens Nag React Sa Pagtatapos Ng Kanilang Paboritong Show ang "FPJ's Ang Probinsyano"

Walang komento

Magtatapos na ngayong buwang ang longest running tv series na 'FPJ's Ang Probinsyano' na pinagbibidahan ni Coco Martin matapos ang halos pitong taon.

Ipinahayag naman ng ilang mga netizens ang kanilang pagkadismaya dahil naging parte na ito sa kanilang nakagawian sa tuwing gabi. Sa ngayon, ito ang pinakamatagal na teleseryeng ipinalabas sa telebisyon. Ngunit, opisyal nang ipinahayag na magtatapos na ito ngayong buwan ng Agosto.



Sa nalalapit na pagtatapos ng nasabing teleserye, hindi napigilan ng ilang mga tagasunod nito na magbigay ng komento. May ilang nadismaya dahil hindi na nila ito mapapanood at naging parte na ng kanilang buhay. May nag-eexpect naman na magtatagal pa ito. May ilan namang nagsasabing mamimiss nila ang nasabing teleserye.

Samantala, ayon naman sa ilang mga netizens na tama lamang na magwakas na ito dahil nakakasawa na umano. Dagdag naman ng ilan, na dapat bigyan naman ng chance ang ibang teleserye.

 

Grabe! Rita Gaviola O Mas Kilalang Badjao Girl Binatikos Matapos Umaming May Anak Na!

Walang komento

Nakilala si Rita Gaviola bilang Bagjao Girl at sumikat mula ng makunan ng larawan kung saan makikita ang kanyang angking natural na ganda.

Umani ng mga tagahanga si Badgao Girl nang maging online sensation ito at napasama bilang official housemate ng PBB. Sumali rin ito sa Sexy Babe competition sa isang segment ng It's Showtime. Matatandaan na ibinahagi rin noon ni Rita na nais niyang sumali sa Bb. Pilipinas pageant upang irepresent ang kapwa niya Badjao.



Ngunit, ginulat ni Rita ang mga netizens nang magbahagi ito ng larawan ng kanyang anak at partner kamakailan lamang. Marami naman ang tila hindi nagustuhan ang balitang ito. Matatandaan na napabalita na noon ang umano'y pagbubuntis ni Rita ngunit ipinagdiinan niyang wala itong katotohanan. Tanong tuloy ngayon ng ilan bakit itinanggi nito noon ang kanyang pagbubuntis gayung totoo naman ito.

Ang ilan naman ay tila nadismaya kay Rita, napakabata pa umano kasi nito para maging ina. Ang ilan naman ay nanghinayang sa mga bagay na ninais nito ngunit hindi na niya makakamit ngayon dahil sa kanyang desisyon. Nagmamadali umano ito at tila hindi alam kung gaano kahirap sa panahong ito.

Sinayang lamang umano ni Rita ang kasisimula pa lamang niyang career sa showbiz. Marami pa umanong darating na opportunity para sa kanya na hindi na maibibigay sa kanya dahil sa pagkakaroon niya ng pamilya sa murang edad. Sana umano inuna muna nitong tuparin ang kanyang mga pangarap kaysa sa pagbuo ng sariling pamilya.

Sa gitna ng pambabatikos na kinakaharap ngayon ni Rita, hiling niya na huwag idamay ng mga netizens ang kanyang anak dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari.

 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo